🪾 ANG PAGSABOG NG HOSPITAL
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong PHILIP GENERAL HOSPITAL.
Sa loob lamang ng ilang segundo, ang tahimik na North Wing ng pribadong ospital ay napalitan ng kaguluhan. Umalingawngaw ang alarma sa bawat palapag habang nagmamadaling lumabas ang mga doktor, nars, pasyente, at mga bisita.
Nagkalat ang usok sa pasilyo. May mga basag na salamin sa sahig. May mga medical equipment na natumba, habang ang ilan sa mga ilaw sa kisame ay patuloy na kumikislap.
Sa labas ng ospital, nagsimulang dumating ang mga ambulansiya at mga sasakyan ng awtoridad.
Mabilis ding kumalat ang balita sa social media.
**BREAKING NEWS: MALAKING PAGSABOG SA PHILIP GENERAL HOSPITAL! ILANG PASYENTE AT STAFF, PINAGHAHANAP SA NORTH WING.**
Sa harap ng mga camera, nakatayo ang presidente ng ospital na si Dr. Leandro Hales.
Naka-puting coat pa rin siya, ngunit kapansin-pansin ang bigat sa kanyang mukha. Sa likod niya ay makikita ang mga pulis at emergency responders na abala sa paglikas at pag-iimbestiga.
“Doctor Hales, may kumpirmasyon na po ba kung ano ang sanhi ng pagsabog?” sigaw ng isang reporter na sumisiksik para makuha ng record sa kapwa reporter na humarap sa doktor.
Huminga nang malalim si Leandro.
“Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Hindi pa namin maaaring sabihin kung aksidente ito o may ibang dahilan.”
“May mga biktima po ba?” tanong ng ibang reporter.
Saglit na natahimik si Leandro.
“May mga nasugatan, at ginagawa ng aming medical team ang lahat para mailigtas sila sa tulong Ng mga awtoridad " sagot niya.
“May nawawala rin daw pong mga pasyente. Totoo po ba iyon?” tanong ng isa pang reporter sa kabilang estasyon ng radyo.
Hindi agad sumagot si Leandro. Instead, tumingin siya sa gusali, at pagkatapos sa North Wing. Ang lugar kung saan naroon ang ilang private rooms ng ospital.
“Hinahanap pa namin ang lahat,” mahina niyang sagot.
Nagpatuloy ang mga tanong, ngunit tila hindi na niya naririnig ang karamihan sa mga ito. Dahil may kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit may bahagi sa kanyang isipan na paulit-ulit na nagsasabing may isang bagay na hindi tama.
Matapos ang maikling press session, mabilis siyang umalis.
“Doctor Hales!” tawag ng mga taga social media.
“Sir!”
“Mayroon pa po kaming tanong!”
Hindi na siya lumingon. Dumeretso ang doktor na pumasok sa gusali at nagtungo sa East Wing, isang pribadong bahagi ng ospital na karaniwang ginagamit para sa mga senior doctors at administrators.
Pagpasok niya sa isang private room, agad niyang isinara ang pinto. Nang tuluyang mapag-isa, saka lamang niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa. May ilang missed calls siyang natanggap. Ngunit bago pa niya ito matingnan nang mabuti... agad tumunog ito at may tumawag na unknown number.
"Sino ka naman ba?!" sigaw nang natatarantang isip ni Doctor Leandro Hales.
Napakunot-noo siya bago sagutin ito.
"Hello?”
Walang sumagot sa kabilang linya.
“Hello?” sagot niya, ilang segundo pa ang lumipas. Pagkatapos ay narinig niya ang isang nanginginig na boses.
“Doctor Hales…”
Nanigas ang katawan niya.
“Ano iyon?”
“Sir… kailangan po ninyong manatiling kalmado.” boses ng isang lalaki sa kanilang linya. Ngunit wala na rin siyang oras para tanungin pa ang pangalan nito.
“Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”
Isang katahimikan ang sumunod.. At sa katahimikang iyon, lalo niyang naramdaman ang takot.
“Sir…” Huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya.
“May isa pa po kaming natagpuan na biktima ng pagsabog sa North Wing…”
Napahawak si Leandro sa gilid ng mesa.
“Sino?”
“Sir…”
“Sino?!” Nanginginig na ang boses ni Leandro.
At nang marinig niya ang susunod na mga salita, ay tila biglang tumigil ang mundo.
“Ang anak ninyo po…”
Nanlaki ang mga mata ni Leandro.
“Si Dok Laira Hales”
Hindi siya nakapagsalita. Parang bigla siyang nawalan ng hangin sa katawan, dahilan para halos mahirapan siya huminga.
“Hindi…”
Napaatras siya ng isang hakbang.
“Hindi. Imposible.”
“Sir, nakita po ang pangalan niya sa listahan ng mga pasyente sa North Wing.”
Nanginig ang kamay niyang may hawak sa mobile phone.
“Nasaan siya?”
“Wala na po dito, nailipat na po siya.”
“Hanapin ninyo siya!” sigaw ni Leandro.
“Sir.. ”
“Hanapin ninyo ang anak ko!” Napahampas ang kamao ni Leandro sa mesa.
Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang pagsabog, tuluyang nabasag ang composure ng isang lalaking sanay humarap sa krisis.
Hindi na siya ang presidente ng ospital. Hindi na siya ang kilalang doktor na kalmado, dahil sa ngayon, isa lamang siyang ama na sobrang nag aalala sa kalagayan ng nag iisang anak. Ne-hindi nga niya alam kung buhay pa ang kanyang anak o wala na.
Mabilis niyang binuksan ang pinto.
“Sir!” Isang nurse ang agad na lumapit sa kanya.
“Nasaan ang North Wing?”
“Doctor, delikado pa po roon..” pigil ng isang bombero.
“Anak ko ang naroon!”
Napatigil ang nurse.
“Si Laira… naroon siya.” sigaw ni Leandro sa lahat.
Nagkatinginan ang mga staff. At bago pa siya mapigilan, mabilis na tumakbo si Leandro patungo sa North Wing.
“Doctor! Huwag po!” boses na iniwan niya sa kanyang tinatayuan kanina.
Habang papalapit siya, mas lalong lumalakas ang alarma. Mas makapal ang usok dito, at mas magulo ang paligid.
Sinubukan siyang pigilan ng isang security officer. Ngunit hinawi niya lang ito.
“Bitawan ninyo ako! Anak ko ang naroon!”
At sa gitna ng usok at kaguluhan, may isang tanong lamang na umiikot sa kanyang isipan Buhay pa kaya si Laira? Anak please lumabas ka na...
Ngunit hindi niya alam na sa loob ng North Wing, may isang bagay na mas malaki pa sa pagsabog ang naghihintay sa mga biktima na na-trap sa lugar.
Isang sikreto.
Isang sikreto na maaaring tuluyang magpabago sa buhay ng pamilya Hales, pati na ang mga biktima. At ang unang taong nakakaalam nito, ay si Laira Hales..
"Doctor, hindi pa po ligtas ang lugar!”
Hinarangan na si Leandro ng dalawang security officer.
“Bitiwan ninyo ako!”
Paulit-ulit na umalingawngaw sa pasilyo ang boses ni Dr. Leandro Hales habang pilit siyang pumapasok sa North Wing.
“Sir, may posibilidad pang bumagsak ang ibang bahagi ng kisame!"
Ngunit parang hindi pa rin nakinig si Leandro.
“Laira!"
Sumigaw siya ng ilang ulit ngunit wala siyang naririnig na sagot mula sa anak. Tanging tunog ng alarma at mga yabag ng mga taong nagmamadaling lumikas ang kanyang narinig. Makapal ang usok sa paligid. Halos hindi na niya makita ang kabilang dulo ng hallway.
Hanggang sa may isang nurse ang mabilis na lumapit sa kanya. “Doctor Hales!”
“Nasaan ang anak ko?”
“Hindi pa po namin siya nakikita.”
“Nasaan ang mga pasyente mula sa Room 314 hanggang 320?”
“Nililikas na po sila.”
“Room 317,” biglang sabi ni Leandro.
Napatingin ang nurse sa kanya. “Doon naka-admit ang mga nasagip na biktima.”
“Sir, kailangan po nating maghintay sa advice ng rescue team.”
“Wala akong panahon para maghintay!”
Mabilis siyang naglakad patungo sa hagdan. Ngunit bago pa siya makarating doon, isang malakas na ugong ang naganap mula sa itaas.
BOOM!
Nayanig ang buong palapag, napayuko ang lahat Pagkatapos ay ilang piraso ng kisame ang bumagsak sa sahig.
“Doctor!”