
I was seventeen back then.
Very innocent and fragile.
Halos hindi makabasag ng pinggan.
Very simple at walang arte. Ano ba kasi yung simple? Diba walang arte? Tss.
Mahinhin. Plain. Simple. Bookworm. Boring. Tahimik. Loner. God fearing. Matulungin. Mahiyain. No earth sometimes. Parang madre. Nerd. Nasa akin na lahat ng kasimplehan o ano pa ba ang itatawag nyo sa akin. Basta ako yun.
I don't even know how to be a bad person. Diba mabait nga?
And never ko pang ginawa ever since in my whole entire life ang mag cuss. You know? Yung mag mura? Hindi ko pa talaga yan nagawa! Ganyan ako kabait.
Iyong masunurin sa lahat ng utos ng nakakatatanda sa akin na sinusunod ko naman.
Kahit kailan hindi pa ako sumagot at sumaway sa magulang at nakakatanda sa akin.
Hindi ako marunong rumeklamo kahit nahihirapan na. Gaya nalang sa mga sinasabi ng dad ko na 'ito ang gusto ko para sayo dapat sundin moko'.
As if naman may choice pa ako? Kaya ginagawa ko lahat para lang maging masaya siya.
Lahat na gusto nilang dalawa ni mommy ay sinusunod ko. Walang palya yun. Ako kasi ang mabait sa aming dalawa ng aking kapatid. Kaya paborito akong gawing pet ng aking mga magulang or anything you can name it.
And yes! May kapatid ako. Nag iisa kong kapatid na very bad dahil palagi akong inaasar peromahal ako nun. Magkasundo kami kaso minsan lang, hindi ko kasi relate ang mga ginagawa niya. Lalaki kasi. Sya yung eldest at ako naman itong youngest. Dalawa lang kami kasi yun lang ang nakayanan nila mom at dad. Hihi.
Never pa akong nagpagupit ng buhok kaya ang haba na ng buhok ko. Lagpas paa ko na. Like, rapunzel.
Hindi din naman pinagtuunan ng aking mga magulang na putulan ever since nung bata pa ako. Idk kung bakit. Gusto ko din naman. So wala na akong pake. Pero ang hirap minsan, kaya may meron akong sariling hairstylist. Sila ang nag-aayos sa aking buhok araw-araw. Ayaw ko man na may hairstylist wala akong magawa kasi ang parents ko ang nag hire sa kanya kaya no choice ako ehh.
I came from a very known family, not because of so called wealth but because of Godly manners. Opo mayaman kami. But I don't consider myself as a rich kid. I don't dress like one. I don't act like one and most of all, I don't want to be like that. All I wanted to be is being with myself of all time. Like simple and plain. 'Cause I prefer on reading books than going outside hanging out on useless people. Yes, I called it useless its because all they do is just to waste time, effort and money without even knowing how difficult our country is now because of the crisis. Maraming taong naghihirap samantalang sila nagpapakasaya at nag-aaksaya lang.
Oops sorry if I did mention that. Sensitive kasi ako sa ganyang pangyayari sa henerasyong nakikita ko ngayon.
Ayaw kung may nakikitang nasasaktan at naghihirap. Kaya naman todo supportive ako sa organizations at charities na pinatayo ng parents namin para makatulong sa mga pulubi. By that I can be a helping hand.
But all of it was just a past....
Hindi na ako ang plain, simple, boring etc. na babae dyan...
Na palagi nilang tinatawag na.
Nerd.
Weird.
Alien.
Etcetera.
I now changed for the better....
At dahil iyon sa isang lalaking nagpabago sa akin....
Nagpatino or nagpalabas sa totoo kung sarili or whatever you call it...
Sya iyong kumuha sa akin sa lungga na pinagtataguan ko sa mahabang panahon....
Siya ang nagpalabas sa totoo kung kulay....
At siya din ang dahilan kung bakit iba na ako kesa dati.....

