"MAMA, okay po ba itong damit ko? Hindi po ba masikip sa 'kin tingnan?" natatarantang tanong ni Mila sa Mama niya.
"Anak, okay naman ang damit mo. Bagay sayo at saka ang ganda mo anak," puring sagot ng Mama ni Mila.
"Sana nga, para naman mapansin na ako ni Raven ko," nasabi ni Mila sa sarili habang tinitingnan ang kabuuan sa salamin.
Umalis na si Mila para puntahan ang kaibigang si Dina. Nagbibihis pa raw sabi ng Nanay nito. Nakita ni Mila na bumababa na si Dina sa hagdan. At si Mila naman ay naghihintay sa kaibigan sa sala. Suot niya ang isang off shoulder na gown na kakulay ng pink na rosas. Ang simple lang ng suot niya para sa Prom Night nila. Hindi naman siya kaitiman pero makinis ang kutis niya. Parehong matangkad si Mila at Dina.
Nang makababa si Dina ay gandang ganda si Mila sa kaibigan. Suot naman nito ang black gown na hapit sa beywang at may mahabang slit sa hita.
"Ang ganda mo naman, best," puring sabi ni Mila kay Dina. Napangiti si Dina sa sinabi ng kaibigan. Totoo namang maganda ang kaibigan niya na si Dina. Kahit na walang make up ay maganda pa rin ito.
"Binobolo mo pa ako pareho lang kayo ni Nanay na mahal ako," sagot naman ni Dina.
"Pareho tayong maganda. Lamang ka lang ng isang paligo sa akin," birong sabi ni Mila at tumawa na silang tatlo. Maganda din naman talaga si Mila, simple lang ang suot niya pero bagay na bagay sa kanya ang gown niya. Kitang kita ang magandang kurba ng katawan niya.
"Sige na. Lumakad na kayo at mag ingat kayo mga anak," paalala ni Aling Corazon.
Yumakap at humalik si Dina sa ina. Si Mila naman ay ngumiti kay Aling Corazon at nagpaalam.
Kabado si Mila dahil sa suot niya. Hindi niya alam kung magugustuhan ni Raven ang suot niya. Nag effort pa naman siyang mag ayos ng sarili. First time niyang maglagay ng make up sa mukha. At halata mong hindi sanay dahil sa pangangati ng mukha nito. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Raven kahit ngayon gabi lamang. First time niya ding magsuot ng gown kadalasan school uniform ang suot niya o kaya pambahay. 'Yong ganitong pagtitipon na maingay, may music at maraming tao ay hindi pa niya nalalahokan. Mas gusto kasi niya sa bahay o kaya kasama at kakwentuhan ang kaibigang si Dina.
Nang makarating sa party ay nakita agad ng mata ni Mila si Raven na nakaupo katabi si Mr. Gomez. Pareho talagang gwapo ang dalawa. Pero sa paningin ni Mila mas gwapo si Raven niya. Nakawhite tuxedo ito na bagay din sa matipuno nitong katawan.
Masaya ang lahat ng estudyante at mukhang nag eenjoy sa pagsasayaw. Hindi maalis ang tingin ni Raven sa mesa ng section nila Mila at Dina. Si Lawrence ay tahimik din na nanood ng mga estudyanteng nagsasayaw sa dance floor. Habang si Dina naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase. Nang mapansin ni Mila na nagkakasayahan na ang maraming estudyante sa pagsasayaw ay naengganyo rin siyang sumayaw kaya niyaya niya si Dina na magsayaw na din.
"Best, sayaw tayo," yaya ni Mila. Kating kati na siyang sumayaw. Minsan lang ang ganitong pagkakataon kaya lulubusin na niya.
"Mamaya na ako," sagot ni Dina.
Pumunta na lang mag isa si Mila sa dance floor at humalo sa ibang mga kaklase na sumasayaw. Pero habang sumasayaw si Mila ay hindi niya maiwasan na hindi tingnan si Raven na ang mata ay na kay Dina. Para namang nag iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ang saya na makasali sa Prom night ay magiging malungkot para sa kanya. Nakatitig pa din siya kay Raven habang sumasayaw natanggal na ang ngiti niya sa labi. Nag iba ang tugtog at nasiupuan na ang ibang nasa dance floor. Naging sweet ang tugtog na nakapagdagdag ng lamig sa gabi.
Tumayo si Lawrence mula sa kinauupuan nito at naglakad papunta sa section nila Dina at Mila. Nakita naman iyon ni Raven at sinundan ng tingin si Lawrence habang papalapit kina Mila. Lumapit si Lawrence kay Dina at nanlaki ang mata ni Mila na niyaya ni Mr. Gomez ang kaibigan na sumayaw. Kinilig si Mila para sa kaibigan.
"Ako kaya isasayaw kaya ako ni Raven ko?" nangingislap ang matang sabi ni Mila sa sarili. Pero nakita niya si Raven na nakatingin kina Dina ay Lawrence. 'Yong saya na nararamdaman ni Mila ay napalitan ng lungkot. Umupo na lang siya at hindi nagsalita. May konting inggit si Mila dahil nakasayaw ng kaibigan si Lawrence.
"Bagay sina Dina at Mr. Gomez," malungkot na sabi sa sarili.
"Para silang couple habang nagsasayaw," dugtong na sabi ni Mila sa sarili. Napadako ulit ang tingin ni Mila kay Raven. Madilim ang titig ni Raven kina Dina at Lawrence habang sumasayaw.
"Bakit kasi hindi mo pa isayaw?" saway na tanong ni Raven sa sarili. Nauunahan siya ng ka ba para yayain si Dina ng isayaw. Sina Mila at Raven pareho lang na nakatingin sa dalawang magkapareha na sweet na sweet sa pagsayaw. Nang matapos ang sayaw ay hinatid na ni Mr. Gomez si Dina. Doon na tin naupo si Lawrence katabi ni Dina. Habang nag uusap sina Mr. Gomez at Dina ay nakatingin lang ang dalawa sa kanila. Si Mila ay pinagmamasdan lang si Raven na malagkit na tumitingin kay Dina. Hindi na rin nakatiis si Raven kaya tumayo na ito at tumabi ng upo kay Mila.
"Ang swerte naman ng kaibigan ko dalawang lalaki ang nagpapakita ng interes sa kanya. Puwede kaya na akin na lang si Raven?" malungkot ang mata ba sabi ni Mila sa sarili. Gusto ng umiyak ni Mila dahil nasasaktan na siya na nakikita na gusto ni Raven si Dina ang kaibigan niya. Ayaw niya na maging hadlang sa kaibigan pagdating sa usapang puso. Pero kung siya ang papipilin kung kaibigan o puso? Pipiliin niya ang kaibigan niya dahil sa Dina lang ang nag iisang tao na kaibigan niya simula pa nuong mga bata pa sila.
"Best, ang tahimik mo. May tinatanong ako sayo," sabi ni Dina na ikinagulat ni Mila. Wala kasi siyang narinig sa tinatanong ni Dina. Lumilipad ang isip niya.
"Ano ba 'yon?" maikling tanong ni Mila.
"Kung tatanggapin ko ba 'yong inalok ni Mr. Gomez na trabaho sa kompanya niya?" sagot ni Dina.
"Best, tanggapin mo na. Pagkakataon mo na makapag aaral tapos may pangtustos ka na para sa panggastos mo sa kolehiyo," paliwanag ni Mila. Saflit na nag isip si Dina.
"Tama ka, best. Ang galing talaga magpayo ng bestfriend ko!" masayang sabi ni Dina at napayakap si Dina kay Mila. Pekeng ngumiti si Mila kay Dina. Masaya siya para sa kaibigan na matutupad na ang pangarap na makapag aral sa kolehiyo.
Magtatrabaho tin ito sa kompanya ni Mr. Gomez. Hindi naman kailangan ni Mila na magtrabaho para makapag aral dahil nakasuporta ang pamilya nito sa kanya kahit ano pa ang kunin niya na kurso. Ang mga kapatid at Papa ni Mila ay may mga trabaho kaya hindi niya magiging problema ang mga gastos sa pag aaral. Masaya si Lawrence na malaman na tatanggapin ni Dina ang alok nitong trabaho.
"Please, come in my office on Monday, Dina," nakangiting sabi ni Lawrence kay Dina.
"And Dina, can you call me Lawrence, drop the formality please," pakiusap na sabi ni Lawrence kay Dina.
Nagkatinginan naman ang magkaibigan, may makahulugan na tingin naman ang tingin na naipukol ni Raven kay Lawrence.
"Anong gusto niyong kainin? Ako na ang kukuha para sa inyo," singit na alok na sabi ni Raven.
"Samahan na kita," sagot ni Mila. Tumango lang ng ulo si Raven at tumayo na para maunang maglakad.
Tumayo na rin si Mila at humabol kay Raven na nauunang naglalakad. Ang lalaki ng habang ni Raven kaya lumayo na siya kay Mila. Si Mila naman ay nahihirapang humabol sa pagtakbo kay Raven dahil sa nakagown at nakaheels siya. Huminto si Raven sa paglalakad at hinintay si Mila na makasabay sa kanya.
"Ang bilis niyo naman pong maglakad, Sir Raven," sabi ni Mila kay Raven na hingal na hingal. Inakay na lang siya ni Raven sa paglalakad. Napatingin naman si Mila sa mukha ni Raven. May kuryenteng dumaloy sa kanya mula sa pagkakahawak ni Raven sa kanya. Naramdaman ni Mila na binitawan na siya ni Raven.
"Anong gusto ni Dina na pagkain Mila?" tanong ni Raven kay Mila.
"Ah, Sir Raven, ako na lang po ang kukuha ng para amin ng kaibigan ko. Ikaw na lang po ang kumuha ng para sa inyo ni Sir Lawrence," mahabang sagot ni Mila. At nagsimula ng kumuha si Raven para sa kanilang dalawa ni Lawrence at si Mila naman ay kumuha ng pagkain para sa kanila ni Dina. Bumalik na sina Raven and Mila sa table nila.
"Best, kain muna tayo," yaya ni Mila kay Dina. Nag abot din ng pagkain si Raven kay Dina.
"Take this," bigay ni Raven na sweets.
"Salamat po," magalang na sabi ni Dina. Nakatingin lang din si Mila at Lawrence kina Dina at Raven.
"Ah, Sir Raven, puwede po akong pahingi?" singit na tanong ni Mila. Pilit niyang kinukuha ang atensyon ng binata.
"It's okay, you can take it also," sagot ni Raven kay Mila. At tinikman na ni Mila ang sweets na dala ni Raven.
"Masarap po," masayang sabi ni Mila habang kain nang kain. Nagulat naman si Dina sa inakto ng kaibigan.
"Best, ano ka ba! Dahan dahan ka nga sa pagkain," mahinang saway ni Dina kay Mila.
"Tikman mo na, best," alok ni Mila kay Dina.
"Ano ba yan?" singit na tanong ni Lawrence sa dalawa.
"Ah, wala. Gusto ko lang ishare ang pagkain ko kay Dina," nahihiyang sabi ni Mila. Si Raven ay nakatingin lang sa kanila habang nag uusap.
"Mauunahan pa ako " wika ni Raven sa sarili habang nakatingin ky Dina.
Pinuntahan sina Dina at Mila ng mga kaklase nila at inaya na suinayaw. Naging maganda ang gabi ng Prom night nila Mila at Dina.
Hindi na nagsalita pa si Raven. Pinagmamasdan lang nito si Dina na masayang kausap si Lawrence. Habang si Mila ay lihim na pinagmamasdan si Raven.
"Puwede kayang akin ka na lang Raven?" malungkot nasabi ni Mila sa isip.
Kinabukasan maagang umalis ang magkaibigan para pumunta sa opisina ni Mr. Gomez. Inalok kasi nito ng trabaho si Dina. Si Mila ay maswerte dahil sa mga kapatid nito ang tumutustos sa pag aaral niya. Habang si Dina ay nag-iisa lang ang Nanay Corazon nito na tumataguyod sa kanya.
"Best, may gusto ka ba ky sir Gomez?" tanong ni Mila habang lulan sila ng taksi papunta ng Quezon City.
"Wala, noh, maangmaangan na sagot ni Dina sa kaibigan.
"Malay mo naman, best, may gusto rin 'yon sayo," sabi ni Mila dahil napapansin ni Mila ang laging pagpapansin ni Mr. Gomez sa kaibigan.
"Huwag na nga nating pag usapan 'yan," saway ni Dina kay Mila.
"Best, galingan mo para maimpress si Mr. Gomez sayo," tuwang tuwa na sabi ni Mila kay Dina. Tumango naman ito at ngumiti kay Mila.
Nagsisimula na nga sa trabaho si Dina sa kompanya ni Mr. Gomez. Habang si Mila ay naghahanda sa exam sa UE business administration ang kinuha niyang kurso. Hindi siya nakakuha ng scholarship kagaya ni Dina dahil hindi naman siya kasing talino ng kaibigan.
Wala nang naging balita si Mila kay Raven nitong mga nagdaang araw. Naisip ni Mila na busy siguro ito sa trabaho kaya hindi na pupunta sa eskwelahan nila. Tapos na din ang bagong building na itinayo sa Maligaya Public School.
Masayang masaya ang magkaibigan na sina Dina at Mila dahil malapit na silang magtapos ng high school at maranasan ang College life.
"Nakakaexcite naman college na tayo susunod na pasukan," sabi ni Mila kay Dina. Day off ni Dina at nasa bahay nila Dina ang magkaibigan.
"Oo nga, Mila. Anong kukunin mong kurso?" tanong ni Dina.
"Business administration. ikaw ba, anong kukunin mong course sa college?" balik na tanong ni Mila. Napaisip naman si Dina dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang naiisip na kuning kurso sa kolehiyo.
"Best, pano kaya 'yon? Wala pa kasi akong naiisip na gusto kong kunin," nag aalalang sagot ni Dina.
"Okay, lang 'yon, best. May ilang buwan ka pa naman para mag isip. Tandaan mo may makukuha kang scholarship dahil valedictorian ka sa klase natin," sabi ni Mila kay Dina na hinayaan ang kaibigan na mag isip.
Nagsisimula na nga sa trabaho si Dina sa kompanya ni Mr. Gomez. Habang si Mila ay naghahanda sa exam sa UE business AD ang kinuha niyang kurso. Hindi siya, nakakuha ng scholarship kagaya ni Dina dahil hindi naman siya kasing talino ng kaibigan.