bc

ANG NAG-IISANG PAG-IBIG KO

book_age18+
1.1K
FOLLOW
6.1K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
blue collar
serious
mystery
loser
cheating
like
intro-logo
Blurb

Ipinaubaya ni Mila si Raven sa kaibigan, at itinago ang kanyang tunay na nararamdaman para rito. Isang pagkakamali na nagkaruon sila ng one night stand, isang lihim na hindi maaring aminin ni Raven kay Dina.

Masakit kay Mila na itanggi ang isang gabing nagdaan sa kanila. Ngunit, ang gabing iyon ay nagdulot ng hindi inaasahan. Si Mila ay dinadala ng anak na nagmula sa kanilang nakaw na sandali ni Raven. Hindi iyon matanggap ni Raven, ang katotohanan na may anak sila.

Masakit man ay tinanggap ni Mila na kailanman ay hindi siya mamahalin ng taong mahal niya.

"Ang nag-iisang pag-ibig ko," ani Mila sa sarili.

chap-preview
Free preview
The First Meeting
"Mila! Antayin mo ako," sigaw ni Dina. Tumatakbo palapit si Dina sa kaibigan na mabilis na naglalakad. "Best, excited na ako. May bisita raw na guwapo ang eskwelahan mamaya sa program," kinikilig na sabi ni Mila. Ang pagiging jolly ni Mila ang isa sa mga nagustuhan ni Dina sa kaibigan. Hindi ka mababagot kasama ito. "Ikaw talaga, best. Napakahilig mo talaga sa guwapo," saway ni Dina sa kaibigan. Hindi niya maiwasan pagtawanan ang kaibigan dahil dito. Ang pinag-uusapan nila ay ang gaganaping school program mamaya. At si Lawrence Madrigal Gomez ang guest speaker na sponsor sa itatayong bagong building sa Maligaya Public School, isa itong anak ng bilyonaryong pamilya. Naglalakad na sila papasok sa eskwelahan. Lagi silang sabay na pumapasok sa eskwelahan na magkaibigan. Si Milagros Batungbakal at Dina Marie Falcon ay matalik na magkaibigan simula noong mga bata pa sila hanggang ngayon. Si Mila ay nag-iisang anak na babae ng Papa at Mama niya na sina Mang Mencio at Aling Josie. Isinilang sa Barrio Pag-asa pero lumaki sa maliit na bayan sa Maligaya. May apat na kapatid na puro lalaki si Mila. Si Melchor ang pangalawa, Mario na pangatlo sa kanilang magkakapatid, Marvin ang pang apat at Melencio na panganay sa kanila. Natapos na ang program sa school at umuwi ng sabay ang magkaibigan na Dina at Mila. Nag-iisang anak si Dina ni Nanay Corazon. Magbestfriend at magkababata sila Mila at Dina. Masayang masaya ang mga estudyante ng Maligaya Public School dahil sa itatayong bagong building para sa bagong mga silid aralan ng eskwelahan. Nakahanap sila ng sponsor sa katauhan ni Lawrence Madrigal Gomez na CEO ng Gomez Group Industry. "Mila, mag-asikaso ka na ng pagkain natin. At baka dumating na ang Papa mo at mga kapatid mo," utos ni Aling josie ang Mama ni Mila. "Mama nanonood pa po ako ng paborito kong korean novela," nagmamaktol na sagot ni Mila. "Itong batang ito, oh. Sige na ako na ang magsasaing," mamaya ay sabi ni Aling Josie. "Salamat po, Mama. I love you," malambing naman na sabi nito sa ina. "Binola pa ako. I love you too anak," nakangiti namang sagot nito kay Mila. Sobrang malambing si Mila sa buong pamilya niya kaya kahit na medyo tamad ito sa gawaing bahay ay hindi na lang nila pinapagalitan. Ganoon nila kamahal ang kaisa isang anak nila na babae. At ito pa ang bunso sa mga anak nila Mang Mencio at Aling Josie. Si Mila ay nag iisang babaeng anak ng mag asawang Mencio at Josie. Matagal na nilang hiniling ito sa Diyos kaya nuong ibinigay ng Diyos ang matagal na nilang hiling ay ipinagpapasalamat iyon sa Diyos. Kaya ibinibigay nito ang gusto ng anak kahit mahirap lang sila. Isang trabahador sa pagawaan ng furniture ang Papa ni Mila at isang simpleng maybahay lamang si Aling Josie. "Mila! Andito na ang Papa mo," sigaw ni Aling Josie sa anak. Tumakbo ito palapit at niyakap ang ama. "Papa, kumusta po ang trabaho niyo?" at kumangdong sa ama. "Okay naman anak. Ipagtimpla mo nga ako ng kape," utos sa anak. "Sige po. Sandali lang po, Papa," nakangiti nitong sagot sa ama. At lumakad na papunta sa kusina para ipagtimpla ng kape ang Papa niya. "Mencio, masyado mo namang iniispoil ang bunso natin," saway ni aling josie sa asawa. Nag-iisang anak nilang babae kasi si Mila kaya ganon na lang inispoil ng Papa nito kahit na mahirap lang sila. "Josie hayaan mo na ako. Hangga't nabubuhay ako ibibigay ko ang gusto ni Mila," sagot ni Papa Mencio. FLASHBACK "SUSIE, bakit hindi mo ako kayang mahalin?" tanong ni Raven kay Susie. "I'm sorry, Raven. You are my bestfriend. So how can I love you? Mas maganda na maging mgkaibigan na lang tayo kesa ipilit natin ang hindi puwede," paliwanag ni Susie. Nalungkot naman si Raven sa mga sinabi ni Susie. "Yes, bestfriend mo ako and I loved you more than that!"matigas na sabi ni Raven. Akma sana nitong yayakapin si Susie pero umiwas ito. "Di ba pinag usapan na natin ito? Sinabi ko na hindi kita puwedeng mahalin. Bakit ba pinipilit mo pa rin?! I'm really sorry," sagot ni Susie kay Raven na pinipigilan na ipakita ang pag iyak. At tumalikod na si Susie at humakbang papalayo kay Raven. Doon na tumulo ang mga luha ni Susie habang naglalakad. END OF FLASHBACK Si Susie ang bestfriend ni Raven, first loved at kababata niya. May pagtingin siya dito pero noong nagtapat siya ay sinabihan siya na maging magkaibigan na lang sila at hindi niya iyun matanggap kaya nagpasya si Raven na mag isang manirahan sa Pilipinas kesa sumama sa pamilya na naninirahan sa America. Ayaw niya munang makita si Susie dahil nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga sinabi ni Susie sa kanya makalipas ang tatlong taon. "Engineer Raven Buenaventura, bukas na po ang punta niyo sa site, sa school ng Maligaya Public School to meet Mr. Lawrence Madrigal Gomez," sabi ng sekretarya ng Boss nila. "Okay," maikling sagot nman nito. "Meeting ajorn, ang thank you everyone," pasasalamat ni Amanda ang sekretarya ng kompanya na pinapasukan ni Raven. Mas pinili kasi nito na maging isang ordinaryong empleyado kesa tulungan na palaguin ang negosyo ng Daddy niya sa America. Pagkatapos ng meeting ay lumabas na si Raven sa conference room at pumunta ng opisina niya. Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng opisina niya ng harangin siya ng mga kasamahan niya sa trabaho. "Engr. Raven, baka gusto mong sumama sa amin sa bar. Iinom konti tapos chicks hopping na," yaya ni Lino sabay kindat ng mata nito kay Raven. "Gusto niyo pa akong isama sa mga kalokohan niyo," sagot ni Raven. Hindi talaga siya mahilig magpunta ng bar. "Ang seryoso mo kasi. Konti namang landi landi sa katawan para naman happy ang life," biro ni Andy at sabay sabay tumawa ng malakas ang mga kasama niya sa trabaho. Iyun kasi ang nakikita nila na ugali ni Raven sa opisina. "Tigilan niyo ako. Uuwi na lang ako sa bahay at bukas maaga pa ako pupunta sa Maligaya Public School," sagot ni Raven na hindi kinagat ang biro ni Andy sa kanya. Kilalang loner si Raven at may pagkasuplado. Mas gusto niya yung mag isa kesa makihalubilo sa ibang tao. Hindi na nga niya malaman kung kailan siya ulit nakapasok ng bar. "Ayaw mo ba talagang sumama, pare?" kumbinsing tanong ni Logan at kumindat ulit kay Raven. "Sige na, kayo na lang," sagot ni Raven habang napapailing sa mga kasamahan niya sa trabaho. "MILA, ikuha mo nga kami ng baso at tubig," utos ng Kuya Mel niya ang pinakapanganay sa kanilang magkakapatid. "Kuya,naman mag iinom na naman kayo," inis na saway ni mila sa kapatid. "Baby sister, konti lang at saka pampatulog lng namin itong gin," sagot ng Kuya Mel niya at ituro pa ang bote ng Gin na hawak hawak sa kamay. "Papa, oh si Kuya," nagmamaktol na sumbong ni Mila sa Papa niya. Ayaw na ayaw kasi niya na nag iinom ng alak ang mga kapatid na lalaki. "Bunso, hayaan mo na ang Kuya mo. Sige matulog kana at may pasok ka pa sa eskwela," utos ng Papa Mencio niya. "Papa, manonood pa po ako ng paborito kong korean novel,"sagot nito sa ama. "Mila, anak, halika," utos nito sabay abot ng bagong cellphone. Bukas pa sana ito ibibigay ng Papa ni Mila. Nanlalaki ang mata na kinuha ito ni Mila. "Salamat po, Papa," masayang sabi ni Mila at yumakap sa ama. "Sige na, pumunta ka na sa kuwarto mo at doon ka na manood ng paborito mong korean novela," sagot ni Papa Mencio. Tuwang-tuwa naman na sumunod si Mila sa sinabi ng Papa nito. Ito ang gusto niya sa Papa niya kahit na mahirap lang sila ay nabibigay pa din ang mga kailangan niya. Ordinaryo lang sa pamilya nila Mila ang ganito may asaran, may tampuhan pero sa huli mahal nila ang isat isa. Typical na pamilyang Pilipino. Masaya ang pamilya nila kahit mahirap lalo na pag kompleto silang mag anak at nagkakasama sa isang simpleng salo salo. "Mila, dalian mo na at baka daanan ka na ni Dina," ang maagang sigaw ni Aling Josie kay Mila na tinatamad pang kumilos para pumasok sa eskwelahan. "Mama, okay lang po na mauna siya," sagot naman ni Mila sa ina. "Napuyat ka na naman sa panood ng palabas sa cellphone mo. Ewan ko ba diyan sa Papa mo binigyan ka pa ng cellphone. Lalo kang magtatamag niya" dugtong na sermon ni aling Aling Josie. "Mama, I love you," malambing na sabi ni Mila para tumigil na ang ina sa pagsesermon sa kanya. Alam na nito ang kahinaan ng sarili niyang pamilya. "Mila, dinadaan mo na naman ako sa paganyan ganyan mo," nagtitimpi pa na sabi ng ina. "I love you too, anak. Kaya dalian mo na," malambing na sagot nito kay Mila na hindi na senermonan ang anak. "Ang Mama ko po talaga," nakangiti na sabi ni Mila at lumapit sa ina at para yakapin at halikan sa pisngi. 'Yong ganitong ugali ni Mila sa pamilya niya ang hindi kaya nilang tanggihan. Malambing, masayahin kahit na may pagkatamad. Masaya ang mag asawang Mencio at Josie sa pagkakaroon ng isang Mila sa buhay nilang mag asawa. At iyon na nga ang nagyari, nauna ng pumasok si Dina sa eskwelahan at nagpahuli si Mila sa pagpasok. Natanawan nito na kausap ang lalaki na naging bisita ng eskwelahan na si Mr. Gomez. Napansin nito ang pagkamahiyain ng kaibigang si Dina pero ang nakatawag ng pansin sa kanya ay ang gwapong mukha ni Lawrence. "Ang guwapo talaga niya parang artista. Kaya lang parang type si Dina," usal sa loob loob nito. Hindi niya kayang kataluhin ang kaibigan. Bestfriend sila at nagtuturingan na parang magkapatid. Hindi nito nakita ang papalapit na si Raven kay Dina. Unang kita palang nito kay Dina ay parang hindi niya maintindihan ang sarili. Kinain niya ang mga salita niyang si Susie lang pero eto siya titig na titig sa isang estudyante ng isang Public school. "Hi I'm Engr. Raven Buenaventura and you are?" pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay para makipag kamay. Napatitig naman si Raven sa magandang mukha ni Dina. "Dina Marie Falcon po," pakilala din ni Dina at kinuha ang kamay ni Raven para makipagkamay. Titig na titig naman si Raven sa maamong mukha n Dina na hindi na napansin ang amo sa kanyang likod. "Ahmm!" tikhim ni Lawrence sa likod nila. "Let's go," aya ni Lawrence kay Dina. "Mr. Buenaventura sumama na rin po kayo sa canteen," yakag ni Dina rito Tumango lang siya at sumunod na sila sa paglalakad papunta sa canteen. "Mila, bilisan niyo na ihanda ang lamesa at parating na dito ang mga bisita," utos ni Mrs. Gonzales ang daviser nila. "Opo, Ma'am. Nakahain na po ang almusal," sagot ni Mila. "Kung gan'on, tawagin mo na si Mrs. Montero," utos ulit ni Mrs. Gonzales. At lumakad na ito papunta sa principals office. Kumpleto na sila ng may hapag. Naghanda ng almusal ang eskwelahan para sa mga bisita. Ang punong guro sa unahan na upuan, si Lawrence sa kanan na katabi si Dina. Si Raven naman sa may kaliwang upuan katabi si Mila. Kasunod ang iba pang kaklase at sa may dulong gitna ang adviser nila na si Mrs. Gonzales. Pinakilala ni Mrs. Montero ang buong section nila Mila. Si Mila naman ay parang natuklaw ng ahas dahil hindi siya makapaniwala na may katabi siyang gwapo na katulad ni Mr Gomez. Hindi na maalis alis ang mga mata niya sa lalaki. "Parang anghel sa lupa na bumaba sa langit. Hayyy," usal nito sa isip niya Habang nakatitig kay raven. Si Raven naman ay nakatingin kay Dina na nakatingin kay Lawrence. Ang masalimot na pag ibig ng dalawang pares. Si Dina at Lawrence. Mila at si Raven. "Best, tulala ka r'yan?" tanong ni Dina kay Mila habang naglalakad sila pauwi sa bahay. Kanina pa kasi ito nagsasalita pero parang wala naman doon ang isip ni Mila. Hindi kasi mawala sa isip nito ang mukha ni Raven tapos nakatabu pa niya sa pagkain. "Huh? Ah, e... May sinasabi ka ba?" tanong na sagot ni Mila na kanina pa pala napapansin ng kaibigan ang pagiging tulala niya pati nuong kumakain sila ng almusal. "E, kasi kanina pa ako nagsasalita rito para kang lutang. Ano ba 'yong iniisp mo?" tanong ni Dina. "Wala. Iniisp ko lang yung kanina," sagot ni Mila. Nagulat naman si Dina sa sinabi ni Mila. "Alin doon, best? 'Yong pagkain sa almusal o 'yong may guwapo kang katabi?" tuksong tanong ni Dina na napapangiti. Nakita niya ang mga titig ni Mila kay Raven. "Puwede ba both?" sagot ni Mila at tumawa silang magkaibigan sa sinagot ni Mila. Idinaan na lang ni Mila sa biro para hindi isipin ni Dina na nagbibiro lang siya sa mga sinasabi. "Engineer, ito na po ung plano sa gagawing building sa Maligaya Public school. Naaprubahan na po iyan. At kailangang matapos agad. Dahil iyon ang request ni Mr. Gomez," sabi ni Amanda. Tumango lang ito sa sinabi ni Ms. Amanda, sekretarya ng Boss nila. "Maganda rin ito, makurba ang katawan pero dinig ko nobyo niya si Boss," wika ni Raven sa sarili. Pero mas maganda pa rin at simple si Dina dito naisip ni Raven. Isa pa lang ang babaeng minahal niya at iyon ay si Susie. Naalala na naman niya yung estudyante sa Maligaya. Simple lang ito at maganda. Pero napansin din niya na lagi ding nkatingin si Mr. Gomez dito. "Wala pa man ay may karibal na agad ako," nawika nito sa isip niya at nagkamot ng ulo. Dumaan ang maghapon inip na si Mila sa bahay nila kapapanood ng palabas sa cellphone niya. Wala kasing pasok ngaun sa eskwelahan at wala din ang mga magulang niya pati na ang mga kapatid niya. Napagpasyahan niya na pumunta muna kina Dina para makipagkwentuhan. Malapit lang naman ang bahay nina Mila sa bahay nina Dina. "Best, curious lang ako kay Mr. Gomez kahapon kasi tingin nang tingin sayo," punang sabi nito kay Dina. "Kung ano ano napapansin mo. Ikaw nga napansin ko halos tumulo na ang laway mo kay Sir Raven," tukso naman nito kay Mila. "E, kasi naman ang gwapo niya tapos ung ilong niya ang tangos para siyang foreigner," sagot ni Mila na namumungay ang mga mata. "Best, sasabihin ko na sayo ha. Matanda 'yon sa atin. At dapat magtapos muna tayo sa college," saway ni Dina at payo sa kaibigan. Gusto kasi ni Dina na makapagtapos muna ng pag aaral. "Best malapit na ang prom may susuotin ka na ba?" tanong ni Mila. "Meron na ikaw ba, nakahiram ka na?" balik na tanong ni Dina sa kaibigan. "Meron na best kaya lang masikip. Parang ayoko na pumunta sa prom," naiinis na reklamong sagot ni Mila. "Sige, huwag kang hindi pumunta, sabi sa akin ni Mrs. Gonzales pupunta raw si Mr. Gomez at Sir Raven sa prom night." Isa si Raven sa mga magiging bisita ng eskwelahan. Nanlaki naman ang mata ni Mila sa nadinig sa kaibigan. "Talaga!" nanlalaki ang mata na sagot ni Mila. Na parang nakaramdam ng excitement na pagpunta ni Raven sa Prom Night nila. Natawa naman si Dina sa reaksiyon ni Mila. Nakikita dito ang saya sa mga labi ng malaman na pupunta si Raven sa Prom nila. Naiisip na naman ni Mila si Raven at hindi na talaga ito mawala sa isip niya. Pakiramdam niya ay gusto na niya talaga ito. Pero parang hindi naman sa kanya ang mga mata nito, kungdi sa kaibigan niyang si Dina. Mas maganda si Dina kay Mila at aminado siya doon. Maraming nagkakagusto sa kaibigan kahit sa eskwelahan. Pinapananalangin niya na hindi kasama si Raven doon. Pero kung sakali man na magkagusto si Raven sa kaibigan ay pipigilan na lang niya ang nararamdaman para dito. Napuyat na naman si Mila sa kakaisip kay Raven. Gusto na siguro talaga niya ito. Baka nga mahal na niya mahal na niya ito at sigurado na siya. Kung masasaktan man siya ay tatanggapin niya iyon. Si Raven ang magiging inspirasyon niya sa pag aaral at bubuo ng araw niya. Malaki man ang agwat ng edad nila ay Hindi ito hadlang para mahalin ni Mila. At ayaw niya muna itong malaman ng kaibigan niyang si Dina. Masaya na siya na mahalin si Raven ng lihim kahit na hindi nito alam kung magkakagusto din ito sa kanya. "Sana nga ay mahalin din ako ng pinapangarap kong lalaki na mahal na mahal ko, Raven," nawika ni Mila sa sarili. Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi nito nakita ang oras. Malalate na naman siya sa eskwelahan at maiiwan na naman siya ng kaibigan niyang si Dina sa pagpaspasok. Kaya dali dali na siyang bumangon ng higaan at naligo. Tiyempo naman na pagkalabas niya ay nakita niya si Dina na dumadaan sa harap ng bahay nila. Sinalubong ni Mila ang kaibigan at niyakag na pumasok sa eskwelahan. Nagpaalam na si Mila sa Mama nito at umalis na sila ni Dina para pumasok sa eskwelahan. Ito ang pinakamasayang araw ni Mila na malaman na nagmamahal na siya ng isang lalaki, at si Engr. Raven Buenaventura ito. Puwede kayang magmahal ng totoo ang isang labing anim na taong gulang na kagaya ni Mila sa isang lalaki na isang biente tres anyos na lalaki. Sabi nga nila "Age is doesn't matter". Madalas na sinasabi ng karamihan. Ito na ang laging nasa isip ngayon ni Mila. Natatakot siya sa anumang puwedeng mangyari dahil sa pagmamahal na ito. Kaya kailangan niya talagang itago ito sa kaibigang si Dina. Ito ang pinaka-unang naglihim siya sa kaibigan. At sana ay hindi ito magdamdam o magalit sa kanya. Napansin naman ni Dina ang pagiging masaya ni Mila sa araw na iyon. Gusto niya sanang tanungin si Mila pero naisip niya hayaan nalang ang kaibigan na maging masaya at huwag sirain ang magandang araw nito. At sasabihin din naman ito ni Mila sa kanya. Wala naman silang lihiman na magkaibigan. Si Mila lang ang nag-iisa niyang kaibigan at ayaw niyang masira iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook