PRECIOUS ANGEL Buong lakas kong tinulak si Drake sa dibdib palayo sa akin para pigilan siya sa paghalik sa akin. Alam ko, kapag hindi ko pa siya sinupil sa paghalik sa labi ko, mas magiging malalim at mapaghanap pa ang lalaking ito at hindi magtatagal ay mauuwi sa bagay na kinatatakutan ko. Ang mauwi kami sa kama. “A-anong ginagawa mo dito? Nandito ang Tita ko, Drake. Kaya umalis ka na!” giit kong pagtataboy sa kanya paalis. “Yes, alam kong nandito ang Tita mo. Nakita ko s’yang sumakay ng tricycle.” “Oh, eh alam mo palang nandito ang Tita ko. Bakit pumunta ka pa dito sa apartment ko? Baka mahuli niya tayo!” “I came here for this,” mabilis niya na tinawid ang distansya naming dalawa at pagkatapos ay hinahawakan ako sa aking magkabilang pisngi. “To kiss my wife, because she left me w

