PRECIOUS ANGEL Malakas ang t***k ng dibdib ko habang naglalakad ako papasok sa building kung saan ako nakatira. Malayo pa lang ako ay natanaw ko nang kaagad si Tita na nakatayo sa harap ng pinto ng apartment ko. Mas dumagundong naman ang mabilis na t***k ng aking dibdib lalo na nang makita ako ang hindi maipinta ang mukha ng aking tita. Nang makita ako ni tita, habang papalapit ako sa kanya. Pinagmamasdan niya ako mula ulo-hanggang paa na animoy sinusure niya ang bawat parte ng aking katawan kung may nagbago ba sa mga ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang mailang sa paraan ng paninitig niya sa akin. “M-mano po Tita,” magalang na sabi ko sa kanya at pilit na iwinawaksi ang kaba sa aking dibdib at ang mapangatal sa aking pagsasalita. “Kaawaan ka ng Poong maykapal.” mabilis na sagot naman

