PRECIOUS ANGEL “Hoy, Drake! Bakit mo sinabi sa kanila na wife mo 'ko?” mataray na sita ko sa kasama ko habang naglalakad kami papasok sa main door ng bahay. Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakayakpos sa aking bewang pero hindi ko nagawa dahil sa higpit ng kapit niya sa akin. Binuksan ni Drake ang main door. Tahimik dito sa loob pero sa labas ng bahay ay maingay at abala ang mga tao sa pagluluto. “Shhh, ‘wag kang maingay babe. Natutulog na ang mga tao dito.” mahinang suway naman sa akin ni Drake. Patuloy lang niya akong inakay sa paglalakad papasok sa loob ng kabahayan. At dahil naiihi na talaga ako kaya naman isinantabi ko na lang muna ang pakikipagtalo sa kanya. Isa pa, ang sabi nga niya ay natutulog pa ang mga tao dito. Nakakahiya sa may ari ng bahay at respeto ko na rin rito

