PRECIOUS ANGEL Habang nakapikit ako ay nanunuot sa ilong ko ang amoy ng perfume na gamit ni Drake at ang braso nito ay nakayakap sa akin. Tsk. Ano ba naman itong nangyayari sa akin. Pati ba naman sa aking panaginip ay ang mokong pa rin na ‘yon pa ang laman. Ang tanda ko, habang nasa byahe kami ay nakatulog ako. Mm… Nagpasya ako na magmulat ng mga mata dahil hindi ko na nararamdaman na umaandar ang kotse ni Drake. Agad akong napalunok at namilog ang aking mga mata. Hindi lang isang panaginip! Perfume nga ni Drake ang naamoy ko dahil nakayakap siya sa akin at ang mukha ko ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Tumingala ako at ang natutulog na mukha nito ang nakita ko. Mukhang mabait pagtulog… Napalabi ako. Sa ilang gabi na magkatabi kaming natutulog sa apartment ko. Never ko pang nagawa na

