PRECIOUS ANGEL “Drake and Precious Angel, kayo ba ay nangangako at sumusumpa na anumang problema at pagsubok ang darating sa inyong buhay ay hindi niyo iiwan ang isa’t-isa?” ani Mayor sa amin ni Drake habang magkaharap kami at magkahawak ng mga kamay. “Drake, nangangako ka ba?” tanong ni Mayor. “Opo, Mayor.” agad na sagot naman ni Drake habang nakatitig sa akin. “Precious Angel, nangangako ka ba?” bahagya pa akong napaigtad sa tanong ni Mayor sa akin. Napalunok ako at pakiramdam ko ay umatras ang aking dila dahil hindi ko makuhang sumagot kay mayor. “Nangangako ka ba, Precious Angel?” ulit ni mayor sa akin. “P-po? Uh, o-opo!” agad na sagot ko naman ng tumikhim si Drake at pinangmulatan ako ng mga mata saka piniga ang palad ko. “Sa harapan namin lahat na narito, gusto namin m

