DRAKE “Ano?! Gusto mo na ikasal kayo ngayon ni Angel dito sa Batangas? Drake naman, ano bang trip mo at ngayong araw mo pa talaga napili na ikasal kayo ni Precious Angel?” hindi maipinta ang mukha na sabi ni Aldrine sa akin. Kahit hindi nito direktang sabihin sa akin, obvious naman sa mukha niya na ayaw akong suportahan sa gusto ko. “Parang hindi mo naman kilala ‘yang si Drake, may sayad ata ‘yan!” si Jake na walang ginawa kung ‘di ang salungatin ako sa mga plano ko. “Baka nakakalimutan mo, Saturday ngayon, Drake. Sige nga, paano kayo magpapa-civil wedding dito sa Batangas aber?” “Oo nga, sabado ngayon. Kaya walang mag-aasikaso sa sa atin doon sa munisipyo dahil sarado.” sabi naman ni Aldrine. Nayayamot na napahawak ako sa aking batok. “Kayong dalawa, akala n’yo hindi ko napapansin

