Habang inaayusan si Andrea nang make-up artist na kinuha ko, hindi ko maiwasang humanga sa ganda nito kahit simpleang ang ayos niya lumalabas pa rin ang natatangi niyang ganda. Siya ang e-eskortan ko ngayong gabi kaya hindi rin ako papayag na hindi ako magiging pogi sa mga mata nang girlfriend ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinagot niya na ako, habang nag aantay ako sakaniya napapansin ko ang panakaw nakaw na sulyap nito. Akala ba niya hindi ko 'yon mapapansin, masiyado naman kasi siyang nagpapahalata kaya nang nag tama bigla ang aming mga mata nginitian ko siya at umiwas naman siya nang tingin, pero halata naman sakaniya na kinikilig rin ito. Nang matapos ayusan ang mga babae kabilang na rito si Andrea kaagad ko siyang nilapitan at niyaya palabas. "Ang ganda mo, ikaw ang pinak

