ANDREA
Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot nang nagpaalam si sir.
"Ayan kasi kapag andyan halos pag tabuyan mo, kapag wala hinahanap hanap mo Andeng," saad ni Mommy na biglang sumusulpot.
"Mommy naman, hindi naman po sa ayaw ko kay sir. Natatakot lang siguro ako na baka pakitang tao lang lahat nang ipinapakita niya," saad ko sabay buntong hininga ng malalim.
"Andeng Anak, paano mo malalaman kong hindi ka susugal. Kung masaktan ka, natural 'yon, sapagkat nag mahal ka ng totoo. Hindi lang puro saya ang relasyon, kaakibat nito ang lungkot, pighati, dusa. Diyan mo masasabi na nag mahal ka ng totoo," mahabang lintanya nito.
"Eh! mommy ano po bang nakikita niyo kay sir Stevenson," tanong ko, dahil kailangan 'di ako basta-basta mag padalos kapag usaping love life.
"Para saakin, mabuting tao siya. Nakikita ko naman na mahal na mahal ka niya maging ang apo ko," saad nito. "Ikaw rin baka mag sisi ka sa huli kapag pinakawalan mo pa ang isang tulad niya," dagdag pa nito.
Natahimik na lang akong bigla at ina-absorbed ang mga sinabi ni mommy. Ready na ba talaga ulit akong pumasok sa magulong mundo ng pag-ibig. "Sa limang taon na single ako at nasanay na dalawa lang kami ni Axel, handa na nga ba talaga ako?" usal ko.
Aminin ko man o hindi hinahanap ko ang presensiya niya, lalo na ngayon mag-isa ako. Natutop ko bigla ang aking bibig "Am I falling in-love to him?" tanong ko saaking sarili.
Napatingin ako sa wall clock malapit na pa lang mag takip silim. Hindi pa ito tumatawag o nagte-text saakin. "Bakit kayo ba?" hiyaw ng utak ko. Masakit manampal ng katotohanan ang utak ko kung minsan.
Last day na namin ngayon dito. Mami-miss ko na naman si mommy at daddy at siyempre ang lugar na kinalakihan ko. Malayong malayo ito sa lugar nang Manila na punong puno ng populasyon.
"Mommy, mommy, where are you?" sigaw ni Axel.
"Yes anak, nandito si mommy halika," sagot ko rito.
Kaagad namang lumapit saakin ito. At nag salita.
"You look bother mom. Do you have a problem. Tell me, maybe I can help you," tanong nito at napangiti na lang ako sa mga pinag sasabi niya. He is five years old but he's really a smart boy. Hindi dahil anak ko siya, pero ayon ang nakikita ng lahat kahit na ang mga teachers niya sinasabi saakin 'yan.
"Do you think son?" tanong ko rito sabay gulo ng kaniyang buhok. Napasimangot naman ito bigla.
"What?" tanong ko. "Why are you mad at me," dagdag na sambit ko. Hmmm malapit nang mag tampo ang mommy, bakit kay sir okay lang guluhin niya ang buhok mo.
"Mom I love you so much. Huwag na po kayong mag tampo," saad nito. And I am verry happy na kaya niya nang mag tagalog paunti-unti.
"I love you too son. Mommy ask you something," wika ko. Hindi ko alam kong ito na ba ang tamang panahon para tanungin ko siya, kung papayag siyang may man ligaw saakin. Dahil lagi niyang ina-awat at pinag seselosan ang mga manliligaw ko before. Naalala ko pa nga nang lagyan niya ng peanut butter ang sofa at tawang tawa siya nang makitang naupuan nito 'yon at sabay sigaw na ewww. He's poof on his pants. Natatawa na lang talaga ako kapag pumapasok sa ala-ala ko 'yon.
"Yes Mom. What is it po?" tanong nito at napangiti na naman ako kaso kahit na nag e-english siya hindi pa rin nawawala sa'kaniya ang pag galang.
Naka ilang buntong hininga ako para makasagap ng hangin. Bahala na nga nakikita ko naman na he really like sir Stevenson. Binuhat ko siya at pina upo sa lap ko.
"Son what if, what if may manliligaw na naman kay mommy it is ok with you, if not I won't let him to court me," saad ko at sa wakas nasambit ko rin. I always considered his feelings in every decision that I've made. Lagi siyang kasama and he's never left behind.
"Hmmmm if other man I wont mom. Baka saktan ka lang nila. If daddy, yes 100% I'm very happy," saad nito. Na touch naman ako bigla saaking narinig.
"Noted son," saad ko. Sabay pugpog ko ng halik rito.
"Mommy, don't kiss me please. I'm not your baby," pag mamaktol nito.
"Na miss ko lang ang baby ko. Ang bilis kasi ng panahon," saad ko.
"I know Mom, so sino po ba nanliligaw sa'yo?" makulit na tanong nito.
"Si sir Stevenson son, sorr---" he cut me for a while so that I can't finish what am I supposed to say. I saw him verry happy and I'm feeling sure now.
"Yehey magiging daddy ko na siya for real," wika nito sabay biglang tahimik.
"Why son?" tanong ko medyo nagulat kasi ako sa biglang pananahimik niya.
"Ahmm naisip ko lang po. Kailan po ang wedding," seryosing tanong nito kasabay nang pagkunot ng kaniyang mukha. Muntik na akong mahulog sa upuan sa tanong niya.
"Son matagal pa 'yon. Wala pa sa isipan ni mommy. Gusto ko muna siyang kilalanin ng lubos kung karapat dapat nga ba siya na maging parte ng buhay natin.
"Okay Mom. But I know he is definetely a good catch," saad nito. Talaga 'tong anak ko ang daming alam kung minsan kapag kausap ko siya iniisip ko hindi na siya bata.
"May pa good catch ka pang nalalaman anak, well let see if he reall is," saad ko. Bago ko siya bitawan sapagkat magluluto pa rin ako nang hapunan namin, dahil masama ang pakiramdam ni mommy kaya ako muna. Sulitin ko na rin ang bawat sulok ng tahanan namin, dahil paniguradong mami-miss ko ito nang sobra sobra.
Lingid sa kaalaman ko na binalita na pala nang pilyo kong anak ang napag usapan namin. I don't know paano niya na dial ang number nito basta naririnig ko na lang na kausap niya na ito.
"Hello, Daddy are you busy?" tanong nito at nag bibilang ng one, two and three. Hindi ko alam anong meaning nang kaniyang ginagawa, sapagkat medyo malayo ako sa'kaniya at natatanaw ko lamang siya.
"Slight. I'm here at office son. Maybe I should call you later," saad nito.
"Ok Dad, just take care. Mommy and I love you so much," dagdag na sambit nito. Sabay off na nang call. Halos takbuhin ko ang kinaroroonan niya para bawiin kay sir ang sinabi nito kaso hindi ko na naabutan dahil pinatay niya na kaagad ang call button, kaya pinandilatan ko na lamang siya.
"Axel VillaRuiz.. Ano 'yong narinig ko," tanong ko.
"What is it po mom?" patay malisya nitong tanong. Akala niya yata hindi ko narinig 'yon.
"The mommy and I love you so much. Hindi magandang biro po 'yon anak," saad ko. Ako na ang nahihiya agad-agad kay sir.
"Sorry Mom. I thought.., never mine," saad nito at biglang napahinto at nag lakad palayo saakin. Haixt nagtampo na naman ang aking unico hijo.
Bumalik na ako sa kusina para ipagpatuloy ang aking ginagawa. Mamaya ko na lang aamuhin ang anak ko, hahayaan ko muna siyang mag isip-isip para malaman niyang mali ang ginagawa niya.
STEVENSON
Sa pag pasok ko sa coffee shop tanaw ko na ang private investigator na kumakaway saakin siya ang katatagpuin ko ngayon. Naglakad ako palapit rito at nakipag kamay.
"Have a seat sir," saad nito.
"Thank you," wika ko at naupo na rin sa katapat niyang upuan.
Inabot niya saaking ang envelope at naka ilang buntong hininga muna ako bago ko ito binuksan. Ang laman nito ay mga larawan ni Andrea noong teenager siya hanggang sa mag dalaga. Siyang siya nga ang babaeng nakilala ko five years ago. At ang mas gumimbal pa saakin nang malaman ko na nag da- dalantao siya nang mga panahong nasa America ako. Kung bibilangin saktong siyam na buwan mula nang magkita kami sa bar, buhat nang manganak siya kay Axel. Bigla na lamang tumulo ang luha ko nang hindi ko maipaliwanag, luha ito ng kaligayahan.
Sapagkat nahanap ko na rin siya at akalain mo 'yon may anak na pala kami.
Tinago ko sa bag ko ang mga ito. Nagpasalamat ako sa private investigator at inabot sa'kaniya ang aking payments, dahil sa galing niya binigyan ko pa siya nang bonus.
Nag paalam na ako sa'kaniya at masayang lumabas ng coffee shop. Hinanap ko agad ang aking sasakyan para puntaha si Draeden at ibalita sa'kaniya ang nalaman kong katotohanan.
Excited akong nag drive papalayo rito. Tinawagan ko muna siya at tinanong kong kasama ba niya si Tanya, buti na lang hindi sila magkasama ngayong araw. Mabilis kong pinasibat ang aking sasakyan at diretso ako sa bahay ni asshole.
Mga ilang oras lang nasa tapat na ako ng bahay nito. Kaagad naman akong pinapasok ng katulong niya. Mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Sinalubong ako ng loko loko kong kaibigan. Kahita kailang talaga b-weset ito sa buhay ko.
"Oh! asshole anong sa atin, bakit napa sugod ka sa gyera," pagbibiro nito. Kahit kailang talaga wala itong magawa sa'kaniyang buhay.
"Sira *** may sasabihin ako sa'yo at huwag kang mabibigla," saad ko.
"Seryoso ba 'yan? Sandali may kukunin lang ako saglit," anya. Tumayo ito at nag lakad pag balik niya may dala-dala na itong alak. "Oh etong sayo, mas mainam mag-usap pag may alak," dagdag pa nito sabay abot saakin ng alak at kinuha ko naman ito.
Nag simula na akong mag kuwento simula nang magkakilala kami ni Andrea, hanggang sa sabihin kong anak ko ang bata.
"Ha? paanong nangyari anak mo si Axel?" nagtatakang tanong nito.
"Remember the girl na hindi ko makalimutan five years ago at kung saan-saan ko siya hinanap. Nag patulong pa nga ako sainyo right," wika ko. Bigla naman itong napakunot ng noo.
"Kaya pala nang unang beses kong nakita si Andrea she looks familiar, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita," saad nito na nag iisip isip pa.
Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa'kaniya ay isang stolen shot picture nito. Ninakawan ko kasi siya ng pictures dahil gandang ganda ako sa'kaniya nang araw na 'yon.
"Tama siya nga, so anong plano mo buddy ngayong alam muna ang totoo," tanong nito sabay inom ng can beer na hawak nito.
"Ahmmm. I don't know. Hindi pa ako handa mag sabi, ayokong magulat siya. Sapagkat nagtataka rin ako kung bakit hindi niya ako maaalala," saad ko kasabay nang malalim kong pag hinga.
"Kaya ng buddy, paanong hindi ka niya matatandaan wala naman nag bago sa'yo," nakakalokong tawa nito.
"G*** bata bata pa ako noon. First time ko nga nang many nagyari saamin," sambit ko. Dahil 'yon naman talaga ang totoo.