Chapter 24- Secret in the Past

1263 Words
"G*** bata pa ako noon. First time ko nga nang may nangyari saamin at vir--," sambit ko. I pause at baka madulas ako. At isa pa hindi naman marami ang naka s*x ko. "Hindi halata buddy, mukha kang beterano," pang-aasar nito. "Sira ***," sambit ko sabay kuha nang beer in can at ininom ito. Medyo okay na ako, dahil may naka usap na ako. "Buddy siya nga pala huwag na huwag mong sasabihin sa girlfriend mo ang mga nalaman mo kundi babalian talaga kita ng buto," pananakot ko sa'kaniya, pero hindi ko naman talaga gagawin 'yon. "Grabe ka, hindi naman talaga kita pangungunahan asshole. Problema mo yan gawan mo ng solusyon. Hindi mo nga ako tinawag noong ginawa niyo yan," pang aasar nito. Na lalo ko.ng ikina badtrip. "G*** pinag sasabi mo. Ang gawin mo seryosohin mo na yan si Tanya, ikaw din baka tumanda kang binata. Buti pa ako may anak na," saad ko at binawian ko siya ng asar. "Yabang mo rin ano, hayaan mo mag aanak na rin kami mamaya," wika nito. Hindi ko alam kong biro ba o seryoso siya sa mga sinabi niya. "Mag anak ka ng sampu," pang-aasar ko pa lalo sa'kaniya. Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa'kin. Halatang pikon na siya kaya tumigil na rin ako. "Maiba tayo, nanliligaw ka ba talaga kay Andrea?" biglang tanong nito. Mukhang hindi yata sita naniniwala sa mga kilos ko. "Oo, bakit type mo ba? Kung type mo sorry ko na lang, lalo na ngayon alam ko na ang totoo so back off ka na lang," saad ko. "Baliw wala akong gusto kay Andrea. I like Tanya, kasi mas compatible kaming dalawa at kaya niyang sakyan ang trip ko sa buhay. Pero I'm not sure kong mahal ko na nga ba talaga siya, kung nakalimutan ko na ba si Alhea," mahabang lintanya nito at naumid ako sa narinig ko. "Ano kamo Alhea? Anong meron sainyong dalawa na hindi ko alam," tanong ko, sapagkat bigla akong naguluhan. " Actually she's my ex- girlfriend during high school. Never kaming nag out, dahil sa kagustuhan niyang itago kong anong meron kami. We've been secret couple for three years, for pete sake. Tiniis ko ang lahat lahat dahil mahal na mahal ko siya, kahit alam kong ikaw ang mahal niya tinanggap ko 'yon huwag niya lang akong iwan, pero hindi pa rin pala sapat iniwan pa rin niya ako. Ang sakit sakit buddy, gusto kong magalit sa'yo pero paano wala ka namang alam. Kaya tinanggap ko na lang ang pakikipag hiwalay niya," pagku kuwento nito na ikinagulat ko. Parang bomba itong sumabog sa tainga ko. Tinapik tapik ko ang likod nito, para medyo gumaan ang pakiramdan niya. "Sorry buddy. I didn't know and besides parang nakababatang kapatid lang ang turing ko sa'kaniya at alam niya 'yon. "I know at ilang beses na siyang umiyak saakin dahil sa paulit-ulit mong pang rereject, pero g*** ako kaya hinayaan ko lang. Minahal ko siya ng buong puso pero ang isinukli niya puro sakit. Tanggap ko naman kung ano ang naging papel ko sa buhay niya. Isa lang akong rebond, taga comfort at taga pag aliw niya. Hindi ko nga naramdaman na tinuring niya akong boyfriend nang 2 years. Ni I love you, hindi ko narinig na sinabi niya kahit isang beses lang," dagdag pa nito. Mas lalo tuloy akong naawa sa bestfriend ko, bakit ba kasi naging busy ako sa pag-aaral at nakalimutan ko ito. "Pero kong ako ang mas tatanungin Alhea or Tanya, I choose Tanya for you. Napaka bratinela ni Alhea kaya hindi kayo mag mamatch talaga. Palayain muna ang puso mo sa nakaraan, mag simula ka sa present at sa magiging future mo," wika ko habang inaalo ito. "Tama ka naman buddy. Simula nang makilala ko si Tanya unti-unti kong nabura sa sistema ko si Alhea pero nang bumalik siya at nakita ko siya parang tinapon ko ang lahat. Naging manhid na naman ako at may nangyari saami. Paano ko sasabihin kay Tanya ang lahat," saad nito na halatang gulong gulo. "What? g*** ka bakit ganyan ka. May girlfriend ka na, bakit nagloloko ka pa rin," sigaw ko rito. Dahil napikon ako sa huling sinabi niya. "Lasing kami noon. At hindi ko naawat ang sarili ko. Akala ko kasi after noon magkakabalikan kami, pero nang sinundan ko siya alam mo kung saan siya nag punta? Sayo! kitang kita ko kong paano siya lumuhod sa harapan mo at nagmamakaawang mahalin mo lang siya. Ang sakit makitang ang pinaka iniingatan mong babae ay nababaliw sa isang lalaki at ang masakit pa roon sa bestfriend mo pa. Ganto ba mag laro ang tadhana? Kung ganito puwes makiki ayon na lang ako para hindi na ako masaktan pa," saad nito at sumisinghot singhot na dala nang luha nito nang hindi niya namamalayan. Wala akong masabi dahil speacheless ako sa mga nalaman kong rebelasyon, dama ko ang sakit na nararamdaman niya. At ang mas masakit pa roon nakakasakit na pala ako ng damdamin niya nang wala akong kaalam-alam. Nakita kong nag pahid ito ng luha at nag salita. "Siguro nga kailangan kong umamin kay Tanya sa nangyari at kung patatawarin niya ako at bibigyan ng chance hinding hindi ko na sisirain ang tiwala niya," wika nito at biglang sumeryoso ang mukha. "Tama buddy, ganiyan nga si Tanya ang para sa'yo. Hayaan muna ang baliw na Alhea na 'yon. Kahit na ako sumasakit ang ulo ko sa'kaniya. Para siyang batang hindi maka intindi na ayaw ko sa'kaniya. Mabait si Tanya alam kong mapapatawad ka nito," pagpapalakas ng loob ko rito. Dahil ramdam kong pinang hihinaan na siya ng loob. Marami pa kaming napag kuwentuhan at marami rami na rin kaming alak na naubos, pero isa lang ang malinawa saakin. Matibay ang pundasyon na itinayo namin mag bestfriend at walang makaka sira noon miski na babae pa 'yan. Medyo lumalalim na rin ang gabi kaya tinapos na lang namin ang huling can beer na nabuksan namin. Minabuti kong mag stay na lang muna sa bahay nito dahil masyado nang gabi kong mag da drive pa ako pauwi. "Buddy mauna na ako sa'yo," pagpapalam nito sabay pasok ng kaniyang kuwarto. Naiwan naman akong mag-isa at pilit ina absorbe ang mga rebelasyong nalaman ko kani kanina lang. Akala ko siya ang magugulat sa sasabihin ko, ako pa pala ang magugulat sa mga sinabi nito. Nilagok ko na ang last can ng beer at tumayo na rin ako papuntang master bedroom. Sapagkat alam ko naman ang bawat sulok ng bahay nito, dahil dito rin naman ako halos nag stay noong College pa lang kami. Pamana nito ng kaniyang mga magulang bago sila mawala kaya saaming lahat siya ang unang nagkabahay at ginawa naming tambayan ito. Medyo malaki na rin ang pagbabago ng kaniyang bahay, sapagkat marami na rin siyang pina bago rito simula nang naging license architect na siya. Pumasok na ako sa loob at isinalampak ang aking katawan, sapagkat pakiramdam ko nabugbog ako ngayong araw tila pagod na pagod ang aking katawan pati na rin ang aking isipan. Pumikit ako at lumabas sa balintataw ko ang masasayang sandali namin ni Andrea sa Palawan, naalala kong bukas na pala ang balik nila kailangang sunduin ko sila sa airport. Nag iwan lang ako ng messages rito. Bago ako gupuin ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Kinabukasan nagising ako sa pag ring ang cellphone ko. Kahit medyo antok pa sinilip ko kung sino ang natawag. Ang secretary ko pala, dahil talagang antok pa rin ako. Nag off muna ako ng cellphone para walang maka istorbo sa tulog ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD