ANDREA
Naka pag pack-up na kami at ready nang bumalik ng Manila. Mahaba habang paalamanan muna, sapagkat kanina pag na ti- tear eye ang mommy ko, dahil mami-miss niya raw kami ng kaniyang apo. Nangako naman ako rito na kapag puwede na ulit ako mag leave sa hotel babalik kami ni Axel para mag bakasyon.
Tinawagan ko rin si Tanya para sunduin kami kasama si sir Draeden. I dialed her number and luckily she answered my call quickly.
"Beshy pauwi na kami ni Axel mamaya, baka puwede niyo kaming sunduin," tanong ko rito. "Please beshy," dagdag ko pang sambit.
"Oh! sure bhesy ikaw pa ba, at saka miss na miss ko na rin iyang inaanak ko. Maiba tayo anong oras ba ang baba niyo ng Manila airport?" tanong nitong muli.
"Mga around 12 noon beshy," saad ko. Wala naman kasi akong ibang maaasahan kundi siya lang. Since College siya na talaga ang takbuhan ko sa lahat dahil kapatid na ang turingan namin lalo na pareho kaming maagang nawalay sa mga magulang namin at sanay kaming maging independent. "Oh! siya beshy see you later," dagdag kong sambit bago ko i-off ang call.
Nang matapos kaming makapag-usap ni Tanya linapitan ko si mommy na magang maga ang mukha kaka iyak.
"Mommy huwag na po kayong malungkot, babalik naman kami dito ng apo mo, promise po," saad ko. I gave he assurance na babalik talaga kami, sapagkat hindi na rin naman sila bumabata pa ni daddy. I'll offer them to leave in Manila with us. Kaso nga lang ayaw naman nila iwanan ang bahay nila, dahil sanay na raw sila sa buhay nila rito. Wala naman akong magagawa pa at ayaw ko ring pilitin sila.
"Sige na baka mahuli pa kayo sa byahe," wika nito. Sabay talikod at naglakad papasok sa'kaniyang kuwarto. Hinabol ko siya at niyakap patalikod at bumulong ma-mi miss kita mommy.
Kumalas na ako sa pag yakap at dumiretso na ito sa kuwarto niya para mag pahinga. Ayaw na ayaw niya kasing inihahatid ako, dahil nalulungkot raw siya. Kahit noon pa man noong dalaga pa ako ni minsan hindi niya ako hinahatid kapag pabalik na ako ng Manila. Lumabas na kami ni Axel at nag antay ng tricycle na palabas papuntang bayan. Ilang sandali lang may tumigil sa tapat namin kaya kaagad kaming sumakay rito.
"Saan kayo ineng?" tanong nito.
"Sa bayan po kuya," sagot ko. Kasabay nang pag papandar nito ng tricycle na mabilis.
Ilang minuto lang nasa bayan na kami. Nag abot ako ng 1000 pesos dito na ikana laki ng kaniyang mga mata.
"Ineng sobra ang ibinigay mo," saad nito at dumudukot pa sa belt bag niya nang panukli.
"Opo kuya okay lang sainyo na po lahat 'yan," wika ko. Habang nag-aantay naman ng taxi papuntang airport.
"Nako ineng. Maraming salamat pagpalain ka ng poong may kapal," maluha luhang wika nito.
"Kayo rin po kuya. Salamat rin po. At umalis na at nag drive, sa katunayan nahabag kasi ako sa'kaniya nasa 55 years old na siya pero nagta trabaho pa rin.
Kanina pa kami nag-aantay ng taxi pero wala yatang dadaan. Hanggang sa nagutom na si Axel at naghahanap nang makakain. Naglakad lakad kami at naka kita kami ng doughnut, pumayag naman siya na 'yon na lang ang bilihin namin.
Nang matapos kaming bumili sakto namang may dumaang taxi at pinara ko kaagad. Dali-dali kaming sumakay sa loob at sinabi kong dalhin kami sa airport rito. Kaagad naman nitong pinaandar ang taxi at medyo nakahinga na ako ng maluwag, sapagkat dalawang oras na lang bago kami dapat mag boarding. Muli kong tinawagan si Tanya at sinabing pa airport na kami, pinatay ko kaagad kasi mukhang may ginagawa silang kakaiba ni sir Draeden.
Kung minsan hindi ko rin masisi si Tanya, buti siya kilala niya iyong nakakasama niya, iyong saakin never mine na nga lang. Hindi naman na siguro kami magkikita pa. Sobrang tagal na rin kasi noon saka lasing ako hindi ko rin talaga matandaan ang mukha niya maliban sa balat niyang kulay pula na hugis puso. Hindi naman puwedeng pag hubarin ko isa-isa ang mga lalaking maiisip ko na aman nito, iniisip ko pa lang sobrang nakakahiya na.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumigil si manong, napa tingin ako sa lugar medyo malayo pa naman kami. Kailangan niya daw magpa gas sandali, napasabunot na lang ako. Huwag sana kaming mahuli sa flight abot abot ang dasal ko.
Matapos makapag pa gas ni manong umandar nang muli ang taxi. At pasalamat na lang na walang masiyadong traffic nang araw na 'yon kaya mabilis kaming nakarating nang airport. Inabot ko ang bayad ko at bumaba na kami ng sasakyan. Tinulungan rin ako ni manong na ibaba ang mga bagahe ko. Lubos naman ang pasasalamat ko sa tulong niya, nag abot rin ako nang pa sobra rito, nag pa salamat naman siya saakin.
Nang maibaba nito ang lahat nang gamit namin naglakad na kami ni Axel papasok ng airport habang tulak tulak ko naman trolly. Naririnig ko na ang cabin crew na pinapaalalahan ang lahat ng passenger na malapit nang mag boarding ang mga byaheng pa Manila.
Buti na lang naka abot kami ng anak ko. Pinasakay na kami nang eroplano na nag assist saamin. Pinatulog ko muna si Axel, dahil para hindi siya mabagot sa byahe na puro ulap ang kaniyang makikita.
Bago umalis ang eroplano na katawag nang muli ako kay Tanya at ang bruha tawa pa rin ng tawa at halatang kinikiliti siya kung mag salita, ang sarap niya tuloy kuritin ang singit pag nag kita kami.
STEVENSON
Nagising ako sa ingay nang dalawang nag haharutan. Hindi na ako magtataka kung sino ang mga 'yon. Nasa Mansiyon ako ni Draeden, minabuti kong dito na lamang matulog. Bumangon ako at nag stretching sandali bago lumabas ng kuwarto at sa sala ko sila nakitang naghahalikan.
"Ehemm," tikhim ko pero tila mga bingi ito. Kaya nag diretso na lang ako sa comfort room para mag ritwal. Napasipat ako sa wristwatch ko pasado alas diyes na pala. May mga ire-review pa akong files. Hindi naman ako puwede maligo rito dahil ayokong mang hiram nang gamit. Hindi ko ugaling mang hiram nang gamit noon pa man. Pag labas ko nang comfort room, buti na lang hindi na sila nag hahalikan.
"Good morning," sabay na bati ng dalawa.
"Morning," walang ka gana-gana kong bati sa mga ito. Masakit pa rin kasi ang ulo ko sa dami nang nalaman ko at dagdag pa ang alak na nainom ko.
"Siya nga pala buddy, ngayon ang dating nila Andrea at Axel sa airport, nagpapasundo kasi saamin. Baka gusto mong ikaw na lang mag sundo sakanila?" tanong nito. Na nagpa buhay nang sistema ko.
"Okay akong oras ba ang lapag ng eroplano?" tanong ko. Sana lang hindi ako gino- good time ng asshole na 'to.
And this time si Tanya na ang sumagot.
"Sabi niya around 12 noon," saad nito. Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa nag paalam na ako sakanila, sapagkat may dalawang oras na lang ako.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko, simadya kong mag high speed dahil maaga-aga pa naman kaya okay lang. Nakakahiyang pag antayin ko ang mag-ina ko. Ang saya sa pakiramdam ang salitang mag-ina, sana lang may lakas ako ng loob na aminin na sa'kaniya ang lahat ng nalaman ko.
Panay sipat ako ng wristwatch ko dahil unting minuto lang palapag na ang eroplanong sinasakyan nilang dalawa. Kanina pa ako nakaupo sa loob ng airport at nag hihintay sa pagbabalik nila. Sobrang miss na miss ko na ang anak ko, halos hindi ako nakatulog nang maayos nang nalaman ko ang totoo.
Ganito pala ang pakiramdam na maging ganap na ama, sayang nga lang hindi ko siya naalagaan nang maliit pa lamang siya. Pero hindi bali ngayong alam ko na babawi ako sa lahat lahat ng pagkukulang ko sakanilang dalawa.
Naririnig ko na ang announcement nang crew, halo halo ang kabang nararamdaman ko sapagkat hindi ko alam paano ko haharapin si Andrea na alam ko nang siya ang babaeng pinagkakaingatan ko sa puso ko noon pa, ni hindi nga ako pumasok ng relasyon dahil si Andeng lang ang naging laman nito.
Sa five years naging loyal ako sa'kaniya nasira lang nang kilala ko si Andrea na iisang tao lang naman pala.
Bakit ko nga ba siya nakalimutan? bakit hindi siya kaagad nakilala ng puso. Oo maraming nag bago sa pisikal na kaanyuan nito kaya siguro kahit mismong mga mata ko ay nalimutan siya.
Napatayo ako nang lumabas si Axel at Andrea palinga linga ito at hinahanap siguro sila Tanya. Nakita ko rin na kinuha nito ang cellphone niya at nag dial nang number. Kaagad na akong lumapit sa kinaroonan nila.
"Daddy," sigaw ni Axel sabay nagpabuhat agad saakin.
"Beshy saan ka na--" bigla itong napatigil sa pag sasalita nang makita ako. Sir Stevenson, gulat na gulat na wika nito. Marahil hindi niya alam na ako nga ang susundo sakanila ngayon.
"Tanya anong ibig sabihin nito?" tanong nito sa kaibigan at rinig na rinig ko, sapagkat malapit lang naman ako sa'kaniya.
Para matapos na ang diskusyon nang dalawa nagsalita na ako.
"Okay lang gusto ko rin naman kayong makitang dalawa," saad ko. Bigla naman itong napanganga sa tinuran ko.
"P-pero sir nakakahiya naman, inabala pa kayo nila. Kung alam ko lang na ayaw nila nag taxi na lamang kami. Pasensiya na talaga sir," saad nito at panay hingi ng pasensya.
Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing okay lang talaga. Wala naman akong work ngayon. Dahil makulit ako wala na rin siyang nagawa kundi mapa buntong hininga na lamang at sumunod saamin ni Axel palabas ng airport.