Chapter 26- Little bit arguments

1543 Words
Habang nasa byahe kami hindi ko man lang marinig ang boses ni Andrea sa tingin ko nahihiya pa rin ito na ako ang sumundo sakanila. Dahil busy ito sa kaka kalikot ng cellphone niya si Axel na lang ang tinanong ko kong gusto niyang kumain kami. "Anak gusto mo bang kumain? baka nagugutom ka na," tanong ko rito. "Yes, Daddy. I'm hungry now," saad nito sabay hawak ng tummy niya na uma-acting na gutom na talaga siya. "Okay anak, hanap lang tayo nang restaurant," wika ko. Napansin ko naman napatigil sa kaka kalikot nang cellphone nito si Andrea at nag sabi. "Nako sir huwag na sobrang abala na kami sayo," saad nito sabay baling kay Axel na pilit kino-convince ito na huwag na pero ang anak ko mukhang saakin nag mana at naninindigan sa'kaniyang sinabi. Kaya napabuntong hininga na lamang si Andrea, at ako naman ay napapangiti habang nagda drive. Sinadya kong idaan sa restaurant para hindi na makatanggi ito, sapagkat kanina pa siya kinukulit ng anak namin. "Mommy let's go. I'm feeling hungry now," wika nito sabay hawak sa tummy nito at nagmamakaawang facial expression nito. "Okay pero last na 'to Axel sobrang nakakahiya na kay sir," wika ko. Kasi ako na talaga ang nahihiya sa mga pinag gagawa ng anak ko. "It's ok Andrea, nothing to worry about. Sabi ko naman sayo parte ito ng panliligaw ko sayo," saad ko. Nakita ko naman ang pag pula ng pisngi nito. Ibig sabihin kinilig siya sa mga sinabi ko. "Tara na," dagdag kong sambit. Nginitian niya lamang ako bago bumaba ng kotse. Nauna kaming nag lakad ni Axel at sumusunod ito saamin. Pumasok kami sa isang fine dining restaurant, ibinaba ko na rin si Axel dahil sa kagustuhan niyang mag libot-libot sa loob. Namangha siya sa mga magagandang disenyo na naka design sa wall ng restaurant. Bumaling ang tingin ko kay Andrea na abala naman sa kausap nito. Mukhang si Tanya ang kausap niya base sa boses nito na naiinis. May lumapit naman na staff saamin at inassist kami. "Do you have a reservation sir?" tanong nito. "No," mabilis kong sagot. "Reserved for 3 seats," pahabol kong sambit rito. Bago tumalikod at nag hanap ng vacant seats. Habang nag hahanap ang staff, pasimple kong nilapitan si Andrea at sinabihan. "Are you okay? You look mad," tanong ko. Tinapunan naman niya ako nang tingin at tinigil ang pakikipag usap sa cellphone at itinago na sa'kaniyang bag. "Yes sir, no worries." saad nito.. "Are you sure?" muli kong tanong rito. Nginitian niya lang ako, tanda na okay lang siya. Pagkatapos nilapitan naman nito si Axel at pinagalitan, sapagkat nakabagsak ito ng vase nang hindi sinasadya. "What did you do son?" tanong nito. "Sorry Mommy, hindi ko po sinasadya." nalulungkot na wika nito. Namagitan na ako sakanilang dalawa. "Magkano ba 'to?" tanong ko sa staff. Babayaran ko na lang nang matapos na 'to natatakot na ang bata. "Ten thousands sir," sagot ng staff. "Ten thousand. Here's my card," sabay abot ko rito nang matigil na. Kawawa naman ang anak ko na pinapagalitan ng Mommy niya. Inawat ko na si Andrea dahil kanina pa naiyak ang bata. "Andrea enough, binayaran ko na okay na 'yon," wika ko. Pero mukhang minasama pa niya. "Ayon na nga sir binayaran mo, masiyado nang na spoiled yang bata na 'yan. Dahil binibigay mo ang lahat, sino ka ba sa buhay namin? Bakit ka ba nakikialam," sigaw na tanong nito. Ang sakit lang marinig sa'kaniya ang mga ganyan, gusto ko nang isigaw sa harapan niya na anak ko ang bata pero pinigilan ko ang aking sarili. "Wala. I'm your boss," saad ko na malumanay. Bigla naman itong namutla nang marinig ang salitang boss. Masiyado siyang nadala ng emosyon niya at nakalimutan niya kong sino ba ako sa buhay niya. "Sorry sir, hindi ko sinasady na pagtaasan kayo ng boses," paghingi naman nito ng pasensya. "It's ok. Siguro naman puwede na tayong kumain right? Kanina pa nagugutom ang bat at pinapa iyak mo pa," saad ko. Binuhat ko na ang bata at pinunasan ang luha nito. Sobra akong nasaktan nang makitang umiiyak ang sarili kong anak at wala man lang akong karapatan na ipag tanggol siya. Naupo na kami at unti-unti na ring sini-served ang pagkain. I ask Axel kong ano pa bang gusto nito pero tumanggi ang bata. Sinabi niyang okay na ang lahat nang 'yon. If I know ayaw lang mag salita nang bata, dahil kanina pa siya pinandidilatan ni Andrea. Napangiti na lang ako bigla, sapagkat kahit galit ito maganda pa rin siya sa paningin ko. "Why are you smiling Daddy?" tanong na bulong ng bata. "Nothing," sagot na bulong ko rin. Panay bulungan lang kami, dahil pareho kaming takot sa amazonang Mommy niya, tawang tawa naman ako sa mga pinagku kuwento nito kapag nagagalit ang Mommy niya sa'kaniya. Hindi ko akalain na ganiyan pala si Andrea, sabagay naalala ko nga ng first time ko siyang nakawan ng halik at sinundan sa cafeteria halos madurog na ang steak sa kakahiwa niya. Ngayon pa lang good luck na saakin talaga. Napansin niya yata na nag bubulungan kami at tinapunan ako ng tingin. "Sir kumain na kayo at nang makauwi na kami," wika nito at halatang bagot na bagot na. Nginitian ko siya nang ubod ng tamis pero yumuko lamang ito at bumalik sa kaniyang kinakain na pagkain. Habang ang anak ko naman ay maganang kumain. ANDREA Kanina pa ako nako conscious sa kakatingin ni sir saakin. Hindi ko naman sadyang masigawan siya kanina, sobrang nahihiya lang talaga ako dahil siya pa ang nag bayad nang kasalanan ng anak ko. Kung tutuusin hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Tulad nang sinabi ko hindi naman kami magka ano-ano, boss ko lamang siya at hanggang doon lang 'yon. Napag isip-isip ko rin na babastedin ko na siya habang mas maaga pa. Hindi ko pa talaga kayang pumasok ng isang relasyon sa ngayon. Gulong gulo pa rin ang isipan ko. May mga tanong sa nakaraan ko na pilit kong hinahanap pa ang mga sagot. Lalo na sa tunay na ama ni Axel, dapat ko na ba siyang hanapin para makapag simula na rin ako ng panibagong buhay ko. Napatingin ako sa kinaroroonan ng dalawa at para silang mga bubuyog na bulong nang bulong. Kanina ko pa pinandidilatan ang anak ko pero mukhang patay malisya ito, nandiyan kasi ang kakampi niya. Minsa talaga naiinis ako kay sir, kasi pakiramdam ko masiyado niya nang ini-invade ang privacy naming mag-ina. Gusto ko na ngang mainis sa ginagawa niya, pero may bahagi ng puso ko na nag pipigil na hindi ko mawari. Natigil ako sa pag iisip ng tinitigan niya ako kaya napatanong ako rito. "Bakit sir, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko kasi mas lalo pa akong na conscious sa pag titig nito. "Wala naman ang ganda mo kasi," prangkang sambit nito. Hindi ko naitago ang pag blush ngcheeks ko. Kaya natawa na lang ito bigla, yumuko ako dahil sa hiya. Hindi ako makatingin sa'kaniya ng diretso, grabe naman kasi si sir hindi ba uso dito ang salitang busina lahing straight to the point nakakabaliw minsan kausap. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi ko na siya nilingon pa kahit anong tawag pa nito. Hanggang natapos kaming kumain hindi ko pa rin siya pinapansin, bahala siya sa buhay niya naiinis pa rin ako sa'kaniya. "Mommy, are you okay?" tanong ng anak ko, nakita niya yata na hindi ako kumikibo kanina pa. "Yes son, Mommy is always okay," wika ko sabay ngiti rito. "Are you sure Mom, you look bothered," muling tanong nito. Minsan talaga napapa isip ako sa ama niya nag mana ang anak ko. Masiyado siyang matanong at talagang laging may kasunod na tanong at parang ayaw pang maniwala sa mga sinasabi ko. "Yes son, tara na?" ako naman ang nag tanong sa'kaniya para tigilan niya na ako. "Yes Mom," kaagad na sagot nito. Sabay na kaming naglakad at si sir naman ang sumusunod saamin. Sumakay kami sa backseat at wala pa rin kaming imikan, nakatulog na si Axel sa byahe dahil medyo ginabi na kami sa layo, hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng bahay ko. Lumabas na si sir para pagbuksan kami ng pinto, dahil tulog na rin si Axel bubuhatin ko na sana siya nang sumingit si sir at nahawakan ang kamay ko, para akong na ground kaya inalis ko agad ang kamay ko para siya na ang mag buhat kay Axel na ngayon ay nahihimbing na sa pag tulog.. Binuksan ko na lang ang gate para makapasok siya maging ang pintuan para dire diretso ang pag panhik niya hanggang sa itaas ng kuwarto nito. Ako naman ay sumunod na lang rin sa taas sakto namang palabas ng kuwarto si sir at nagkatitigan kami, mga ilang minuto rin ang tinagal hanggang sa hindi ko rin kinayang makipag sabayan sa'kaniya kaya ako na lang ang umiwas. "Sige sir kung gusto niyo na pong umuwi, hatid ko na kayo sa ibaba," wika ko. "Hindi sa pinapalayas kita sir ha, baka sabihin mo na naman kasi," dagdag kong wika. Bigla naman itong natawa sa mga sinabi ko. Lumabas tuloy ang maputi at pantay niyang ngipin na ngayon ko lang nakita dahil bihira lang kasing tumawa si sir, kumbaga once in a blue moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD