Bigla naman itong natawa sa mga sinabi ko. Lumabas tuloy ang maputi at pantay niyang ngipin na ngayon ko lang nakita dahil bihira lang kasing tumawa si sir, kumbaga once in a blue moon.
"Andrea matutulog ka na ba?" bigla nitong tanong saakin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. Pero dahil marupok ako kung minsan sasagutin ko ang tanong niya.
"Hindi pa naman sir, baka ikaw antok na," saad ko na wala sa hulog. Lutang moment na naman ako kapag kaharap si sir.
"Hindi pa nga rin, so can I stay here for one hour? and we talk about ourselves," saad nito at talagang straight to the point. Napa nga nga na lang ako sa mga sinabi niya, miski ako nagugulat sa mga lumalabas sa bibig nito.
"Ahmm okay sir," saad ko. "Eh ano pa nga ba magagawa ko nag desisyon ka na," usal ko. Gusto ko sanang sabihin kaso biglang umurong ang dila ko.
"May sinasabi ka ba Andrea?" tanong nito.
"Ah! wala po sir, ang sabi ko you can stay here as long as you want, kuha muna kita ng foods at drink sandali lang," wika ko. Minsan napapaisip ako kung may lahi bang pusa si sir at palagi na lang niyang naririnig ang bulong ko. Kumuha na ako ng puwedeng lutuin sa refrigerator. Nang biglang sumulpot ito sa likuran ko.
"Ay! mukhang palaka," wika ko, sapagkat nagulat ako sa pag sulpot niya.
"Aray ha! ako mukhang palaka. Ang pogi ko namang palaka," saad nito sabay hagalpak ng tawa.
"Bakit ba kasi sulpot kayo ng sulpot sir? Nagugulat tuloy ako, akala ko kung sino na," pagmamaktol na wika ko. Nakakainis naman kasi talaga siya.
"Wala lang nabo-boring kasi ako sa sala at wala akong maka usap. Kaya sumunod na lang ako sa'yo, malay ko bang magugulatin ka pala," saad nito.
"So ngayon alam muna sir, kaya huwag kang parang kabuti na biglang susulpot," saad ko. At sinabihan ko na siyang bumalik na roon, binigyan niya muna ako ng nakakalokong ngiti bago niya ako sundin. "Gosh mababaliw ako sa sir ko." bulong ko.
Bago pa siya bumalik na naman dito dinala ko na ang foods at drinks papunta sa'kaniya. Inilapag ko ito sa mesa sa harapan niya.
"Sir, heto na ang foods and drinks niyo," wika ko sabay upo sa kaharap niyang upuan. He uttered thank you bago isubo ang lasagna na niluto ko. Sana pumasa sa'kaniya ang lasa, mukhang pihikan sa food si sir Stevenson. Napangiti na lang ako nang nag salita siya nang " Great, delicious food. Hindi mo naman sinabing masarap ka pa lang mag luto Andrea," saad nito.
Bigla yata akong natuyuan ng laway sa narinig ko, bakit ba nagiging sexy ang boses niya saaking pandinig.
"Sir kung may need pa kayo magsabi ka lang," saad ko. Sabay bukas ng t.v ganitong ganito ang eksena namin noon, pero thanks naman na hindi p*** s*** ang bumulaga saamin ngayon. Nakita kong napa ngiti rin siya, siguro naalala rin niya 'yong naiisip ko. My first embarrassing moment in my entired life. Maya maya bigla na lang itong lumapit at tumabi saakin.
"Andrea about kanina pasensiya na kung feeling mo na ini-invade ko na ang privacy niyong mag-ina. Masaya lang ako at natutuwa sa anak mo," saad nito.
"O-okay na 'yon sir," wika ko sabay atras palayo sa'kaniya paunti unti, pero umuusog rin siya hanggang sa muntik na akong mahulog sa ibaba, pero naging maagap siya at nasalo niya ako bago pa ako bumagsak. Parang nag slowmo ang lahat sa paligid ko at wala akong ibang nakikita kundi si sir lamang. Ilang minutong titigan ang naganap sa pagitan naming dalawa, natauhan na lang ako bigla nang sumigaw ang anak ko na nagising pala, kaya biglang naitulak ko siya nang wala sa oras.
Nakita ko ang pag ngiti nang anak ko. Talagang gusto niya si sir para saakin.
"Mommy and Daddy you look good together," saad nito kasabay ng pag ngiti niya. Kami naman ni sir ay biglang nahiya at nagpaalam na rin siya. Buti naman naisipan niya ring umuwi, akala ko wala na siyang balak pang umuwi. Nang maihatid ko na siya sa labas at masigurong naka alis na ang sasakyan niya pumasok na rin ako sa loob ng bahay at pumanhik sa itaas ng kuwarto.
Nakatulog nang muli ang anak ko, pero ako kanina pa pabaling baling saaking higaan, tila nagpa flash back ang naganap kanina, at iniisip ko ang susunod na pangyayari kung hindi nagising si Axel. Malamang nanakawan na naman ako ng halik nito at magpapaka marupok na naman ako, kainis lang. Dahil sa hindi ako dalaw dalawin ng antok. Nagplay muna ako ng music pero mas hindi yata nakatulong saakin ang pakikinig, mantakin mo naman kasi ang ganda ng bungad ng kanta. Bakit 'di na lang totohanin ang lahat, tila pati universe eh nanadya. Ay! ewan. Ipinikit ko na ang aking mata at nagbabakasakaling makakatulog ako ng mahimbing.
STEVENSON
Kanina pa ako nakauwing bahay pero hindi pa rin mawaglit waglit sa isipan ko ang maamong mukha ni Andrea, muntik ko na naman siyang manakawan ng halik, pasalamat na lang talaga nagising ang anak namin. Pero lubos ang pang hihinayang ko nang hindi ko man lang siya naaya na makipag date siya saakin. 'Di bali may papasok naman na siya bukas tapos na ang leave niya magkikita kami at excited na ako sa mga gagawin ko para sa'kaniya. Madami dami pa akong plano naiisip pero dinadalaw na ako ng antok, dala ng pagod at puyat ko nang ilang araw. Kung hindi lang talaga sa mag-ina ko matutulog talaga ako mag hapon.
Kinatangtanghalian nagising ako pasado alas dose na nang tanghali, f-uck napamura na lang ako bigla. Nagmamadali akong bumangon para maligo at mag-ayos ng aking sarili. Hindi na ako nag abalang kumain pa dahil late na late na ako. Nag mamadali kong pinasibat ang aking sasakyan para lang makarating agad ako ng office. Pag dating ko rito, dire-diretso lang ako hanggang sa elevator. Hanggang sa tumunog ito at may papasok halos lumuwa ang mata ko kung sino ang papasok sa loob.
"H-hi Andrea," bati ko rito.
"Hello sir," casual na sambit nito.
Sa loob ng elevator pareho lang kaming tahimik at nag aantay na bumukas ito. Bagamat nakikita ko na panay laro nito sa hawak niyang panyo kaya halata kong nate-tense ito.
"Kamusta pala si Axel?" out of nowhere bigla ko na lang natanong.
"Okay naman siya sir," mabilis nitong sagot. Dahil wala na akong ibang maisip na itanong pa, nanahimik na lang ako. Hanggang sa tumunog ang elevator at bumukas na rin ito. Pinauna ko na siyang lumabas at sumunod lang ako sa'kaniya. Papunta siya sa office ni Draeden at hindi ko maiwasang mag selos, kahit alam kong sinabi naman nito na wala siyang gusto kay Andrea. .
Lumihis na ako nang daan patungong office ko. Binuksan ko ang pintuan at naupo agad ako sa swivel chair, habang inaantay kong mag open ang computer nilaro laro ko muna ang pen na hawak ko habang pinapaikot ang swivel chair na nakita ko kay Axel. Mag-ama nga talaga kami kasi naalala ko noong bata pa lang ako ganiyan sa edad niya paborito ko ring pag laruan ang swivel chair ni Daddy. Nang bumukas ang computer ginugol ko na ang oras ko sa pagba browse nang ilang files at report nang invetories ng hotel.
Hanggang sa napabaling ang tingin ko sa Anniversary party ng hotel, akalain mo 'yon matagal tagal na rin ang hotel ko. At hindi lang isang hotel ang napatayo sa labas at loob ng bansa. Patayo na sana ako para tawagan sa intercom ang secretary ko nang bumungad ito saaking harapan.
"Please, kindly set a meeting for all the staff for next week a soon as possible," utos ko rito.
"Noted sir and copy," sagot nito bago tuluyang lumabas nang pinto at isara ito.
Bumalik naman kaagad ako sa aking ginagawa. Nang biglang bumukas ang pintuan at nang inakala kong bumalik ang secretary ko.
"May nakalimutan ka ba--" hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nang bumungad saaking harapan si Alhea, heto na naman siya kung manamit akala ko mauubusan ng tela sa Pilipinas.
"Ano na naman bang kailangan mo ha Alhea? Look I'm busy right now, madami akong gagawin ngayon kung wala kang business here, please leave me alone," saad ko na pagalit ang boses. Nang makaramdam naman siya na her not welcome here. Sabay balik nang atensyon ko sa mga nirereview kong files. And besides nangako ako kay Draeden na iiwasan ko na talaga ito, lalo pa sa lahat nang nalaman ko, at ayaw kong masaktan pa ang bestfriend ko. Kung noon ayos lang , dahil wala akong alam alam, pero ngayon no way.
"Ang sungit mo naman Steve," malanding wika nito at sinadyang yumuko para makita ko ang luluwa niya nang dibdib. Akala ba niya maaakit niya ako.
"Alhea bulag ka ba o sadyang bingi ka. Ang sabi ko busy ako at huwag mo kong ginugulo kung ayaw mong samain ka saakin ngayon," pagbabantang wika ko. Dahil kanina pa ako napipikon sa mga pinag gagawa niya. Masiyadong matigas ang ulo nito, miski ang sarili nitong magulang ay ayaw niyang sundin. Ginagawa rin nito ang lahat nang gusto niya, kahit na alam niyang makakasakit siya ng tao.
"Don't make things hard for me Steve, Please make love to me," pagmamakaawa nito habang isa isang hinuhubad nito ang kaniyang saplot, hangga't itira na lamang nito ang kaniyang mga panloob.
Sa inis ko tinigil ko muna ang aking ginagawa at nilapitan ito, sinubukan niya akong halikan pero umiiwas ako.
"Ano ba Alhea hindi ka ba titigil tala---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan. Sabay ng pag bukas ng pintuan at nakarinig na lang ako nang pagbagsak ng isang bagay. Tinulak ko si Alhea nang marinig ko ang boses ni Andrea.
"Sorry sir," saad nito sabay takbo palabas ng pinto. Halos mapasabunot na lang ako sa inis at sa nangyari. I want to kill Alhea right now. Kong pwede lang sana.