_UNANG ARAW SA TRABAHO
The story you are about to witness is purely fictional. Any similarities to actual events, names of characters, or places are purely coincidental.
NOTE: This story contains sensitive content that is prohibited for minors. Strict supervision is required.
A SNEAK PEEK INTO THE STORY'S CONTENT ( This is about to happen )
ACE’S POV:
Hindi ko maramdaman ang mga paa ko habang nakatitig lang ako sa lumang folder na nanginginig sa kamay ko.
Death certificate.
Hospital records.
Organ donor consent.
At ang pangalan na pilit kong kinakalimutan sa loob ng maraming taon ay naroon. Buhay na buhay sa bawat letrang nakasulat sa papel.
“She never betrayed you, Mr. Williams.”
Parang may sumabog sa ulo at pandinig ko. Napailing ako habang mabigat akong napahawak sa gilid ng mesa ko.
“No…” paos kong bulong.
“Hindi… imposible ito.” Pero isa-isang binasag ng doktor ang lahat ng pinaniwalaan ko noon.
Hindi siya tumakas. Hindi siya nagloko. Hindi niya ako iniwan kundi namatay siya.
Sa gabing akala ko’y pinili niyang iwan ako… duguan pala siyang nakahandusay sa loob ng wasak na sasakyan habang pilit pang inililigtas ang ibang tao.
At bago tuluyang mawala ang t***k ng puso niya—she donated her heart.
Para sa isang batang babaeng naghihintay ng milagro sa kabilang kwarto ng ospital.
“Recipient name…” marahang basa ko habang unti-unting nanlalamig ang buong katawan ko.
“…God.”
Napatakip ako ng aking bibig. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang may humigpit sa dibdib ko habang nagflash sa isip ko ang mukha ng isang babae—ang mga ngiti niya, ang paraan ng pagtitig niya sa akin, at kung bakit sa unang araw pa lang na makita ko siya ay pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala.
Fuck!
Hindi…
Hindi puwede!
Kaya ba ako nahuhulog sa kanya…
dahil siya ang babaeng minamahal ko ngayon? O dahil sa bawat yakap ko sa kanya—ang pusong tumitibok sa dibdib niya ay pag-aari pa rin ng babaeng hindi ko kailanman nalimutan?
Napapikit ako nang mariin.
My mind and my heart are in turmoil.
_____________________________________
ZIRI’S POV:
“Ziri! Baka mahuli ka sa first day mo!”
Napapitlag ako sa malakas na sigaw ni Mama mula sa kusina habang pilit kong isinusuot ang mumurahin kong heels na halos bumigay na sa kakagamit. Napa- buntong-hininga pa ako ng malalim nang mapigtas ang strap nito.
“Shocks…” bulong ko habang mabilis na inaayos iyon gamit ang maliit na safety pin.
Huminga ako nang malalim at minasdan ang sarili sa salamin.
White long sleeves. Black pencil skirt. Simpleng make-up. At buhok na nakapusod nang maayos.
Mukha naman akong presentable… kahit papaano.
“Anak, kumain ka muna kahit tinapay man lang!” muli ay tawag ni Mama sa akin.
“Mama, male-late na po ako!” sagot ko habang dinadampot ang bag kong halos matastas na ang gilid at halos bumigay na ang zipper nito.
"Hindi kaba susunduin ng boyfriend mo anak?" napalingon ako kay Mama saka ngumiti.
"Hindi niya po alam na ngayon ang unang araw ko Mama—kilala niyo naman po si Asher, ayaw niyang magtrabaho ako." sagot ko pa kay mama.
Si Asher—anim na buwan ko nang boyfriend. Sobrang protective, at sobrang strict. Gusto niyang ibigay ang lahat sa akin, ang mga bagay na tinatamasa niya sa buhay. Pero siyempre, hindi ako papayag, dahil gusto ko, lahat ay paghihirapan ko. Umangat man ako sa buhay—dahil iyon sa sariling pagsisikap ko.
"Gusto ko si Asher anak. Mabait, magalang, pero katulad nga ng palagi kong sinasabi sayo, mag-iingat ka dahil hindi natin kilala ang pamilyang pinagmulan niya..hindi natin alam anak, baka mamaya niyan ay mga mata-pobre pala sila, at tayo mahirap lang anak, hindi tayo nababagay sa mundo nila." napabuntong- hininga ako.
Ito ang palaging paalala sa akin ni Mama at hinding-hindi ko iyon nakakalimutan.
"Alam ko Ma, tatandaan ko po 'yan palagi.." saad ko saka ako ngumiti at lumabas na.
"Think positive, Ziri, pasasaan ba't giginhawa rin ang buhay ninyo! maibibigay mo rin sa Mama ang kaginhawaan na ninanais mo.." napapikit ako sabay buga sa hangin dahil sa isiping iyon.
Paglabas ko ng maliit naming apartment, sinalubong agad ako ng mainit na hangin at ingay ng kalsada. Maaga pa pero parang buong Maynila ay gising na.
Ngayon ang unang araw ko bilang intern sa Williams Corporation.
At hindi ako puwedeng pumalpak.
Hindi maalis-alis ang kabog ng dibdib ko habang nasa jeep ako. Ilang beses kong chineck ang cellphone ko para siguraduhing tama ang address.
WILLIAMS CORPORATION..
Isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. At isa rin sa pinakamahirap na pasukin.
Hindi ko nga rin alam kung paano ako natanggap. Baka awa na lang talaga ng Diyos at sinwerte ako.
Pagdating ko sa mismong building, literal na natigilan ako. Napakataas nito.
Glass walls. Modern architecture. At may fountain pa sa harapan nito na parang nasa ibang bansa.
“Grabe…” bulong ko.
Pakiramdam ko ay sobrang liit ko sa lugar na iyon. Humigpit ang hawak ko sa bag ko bago ako naglakad at tuluyang pumasok sa loob.
Malamig na hangin ang kaagad na sumalubong sa akin. Ang bango. Ang linis. At lahat ng tao rito ay mukhang mamahalin.
Napaayos tuloy ako ng suot ko pagkakita ko sa ilang empleyado, at masakit man pero nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko nang makita ko kung gaano kaayos at kaganda ang mga kasuotan nila. Samantalang ako, nakasuot ako ng damit na pinaglumaan lamang ng amo ni Mama kung saan siya naglalabada.
“Miss, can I help you?” magalang na tanong ng receptionist.
“A-Ah… intern po ako. First day ko po ngayon.” sagot ko.
"Name?”
“Ziri Lorenzo.” tugon ko. May tinype siya sa computer bago ngumiti sa akin.
“You’re assigned on the executive floor.” saad niya na siyang ikinakurap ko.
Executive floor?
“P-Po?”
“Twenty-fifth floor.” muli ay wika niya na halos ikalaki ng mga mata ko.
Hindi ba usually sa mabababang department lang nilalagay ang interns?Bakit executive floor kaagad?
Pero bago pa ako makapagtanong ay binigyan na niya ako ng ID lace.
“Good luck!” Napangiti ako nang pilit.
Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
Pagpasok ko sa elevator, halos hindi na ako makahinga. Puro professionals ang mga kasama ko.
Mga naka-designer suits. High heels. Mamahaling relo. Samantalang ako… ay mukhang taga labas lang na naligaw sa kanilang mundo.
Pagdating sa twenty-fifth floor, mas lalong nanlamig ang mga kamay ko.
Mas tahimik. Mas elegante. At mas nakaka-intimidate.
Lumapit ako sa isang babae na mukhang nasa late twenties. Nakasuot siya ng fitted beige dress at red lipstick.
“Yes?” taas-noo niyang tanong.
“I’m Ziri… iyong new intern po.” Mula ulo hanggang paa ay tiningnan niya ako na tila sinusuri ang kabuuan ko. Lalo na naman akong nanliit sa sarili ko. At hindi ko gusto ang tinginan niya sa akin na parang nang-uuyam lang.
“Follow me!” Maikling sambit niya. Tahimik akong sumunod habang pilit kinakalma ang sarili ko.
“I’m Monica. Ang eecutive assistant ni Mr. Williams.” wika niya.
Mr. Williams.
Parang biglang nag-iba ang atmosphere.
Kahit simpleng pangalan lang iyon, parang may bigat.
“Makinig ka,” malamig niyang sabi habang naglalakad kami.
“Ayaw ni Mr. Williams ng mabagal. Ayaw niya ng makalat. At higit sa lahat, ayaw niya ng incompetent.” Napayuko ako at tumango-tango.
“O-Okay po.” Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking double doors.
“Dito ang office niya.” Wika muli ni Miss Monica. Napasinghap ako nang bahagya. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Iyong tipong aatakihin na ako sa sakit sa puso.
“Pumasok ka!” utos niya.
“Ako lang po?” tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Do you see me volunteering?” Napayuko ulit ako, napahiya ako.
“Opo…” mahinang sambit ko.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. At pagkabukas ko ng pintuan ay doon ko siya unang nakita ang isang lalake. Napatigil ako.
Isang matangkad na lalake. Nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling windows habang may kausap sa phone.
Black suit. Malapad na balikat, at malalim na boses na parang kayang patahimikin ang buong silid.
“Fix it!” malamig niyang sabi sa kausap bago pinatay ang tawag.
Tahimik ang buong opisina at pakiramdam ko kahit paghinga ko ay naririnig na.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at doon ay muntik na akong mawalan ng balanse.
Napakagwapo niya. Pero hindi iyong tipo ng gwapong nakakakilig kaagad.
Siya iyong klase ng lalaking nakakatakot lapitan. Matigas ang panga. Matalim ang mga mata. At iyong aura niya… sobrang dominante.
Para siyang taong sanay na ang lahat ay sumusunod sa gusto niya.
"Sino kaya siya?" tanong pa ng isipan ko saka ko inayos ang sarili ko.
“Who are you?” malamig niyang tanong. Muntik pa akong mapautal.
“I-I’m Ziri Lorenzo, sir. New intern po.” buong tapang na sagot ko kahit nauutal-utal pa ako. Tahimik niya akong tinitigan.
Diyos ko! Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
“Age?” Napakurap ako.
“P-Po?”
“How old are you? Tatagalugin natin, baka hindi mo naiintindihan. Ilang taon kana?” Lihim naman akong napangiwi.
“Nineteen po.” Sagot ko naman. May kung anong dumaan sa ekspresyon niya bago siya muling naging malamig.
“College?”
“Business Administration po.” Tumango lang siya bago umupo sa swivel chair niya.
“Can you type fast?”
“Opo.”
“Organized?”
“Opo.”
“Can you follow orders?” Bigla akong natigilan sa paraan ng pagkakasabi niya.
Parang may kakaibang bigat.
“O-Opo…” Ilang segundong katahimikan ang lumipas at pagkatapos ay itinuro niya ang mesa sa may gilid.
“You’ll work there.” sabay turo niya sa mesa.
“Sir… intern lang po ako.” protesta ko.
“I know.” Parang mas lalo akong kinabahan.
“..but from now on, you assist Monica, you'll be the CEO's secretary."
“Po?" awang ang bibig ko, nanlaki kapwa ang mga mata ko.
“Don’t disappoint me, Ms. Lorenzo. You're mouth is too big.. pwede bang itikom mo iyan at baka pasukin pa ng langaw iyan!” Iritable niyang saad sa akin.
Kaagad kong tinakpan ang bibig ko. Diyos ko! Sino ba naman ang hindi magugulat gayong intern lang ako pero naging secretary kaagad ako?
Tinitigan niyang muli ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nanghina ang tuhod ko sa simpleng titig niya sa akin. Tumango-tango na lamang ako.
“I... I won’t, sir.” sagot ko.
“Good.”
Lumabas ako ng office na parang hinahabol ng kung ano o sino. Pagkasara ng pinto, saka lang ako nakahinga nang maayos.
"Diyos ko!!" Sabay napapabuga sa hangin na isinandal ang aking likuran sa dahon ng pintuan.
“Oh?” nakangising sambit ni Monica habang nakasandal sa desk niya.
“Hindi ka pinaiyak?” Napakurap ako saka napakunot ang noo ko.
“Ha?” awang ang bibig ko.
“Most interns cry on their first day.” Napatawa ako nang alanganin.
“Ganun po ba kahirap ang lahat?” alanganing tanong ko.
“Worse.” Napalingon ako sa saradong opisina.
Ace Williams.
Ngayon ko lang napansin ang nameplate sa pinto.
ACE WILLIAMS
CEO
CEO?!
Bigla akong napatakip ng bibig. Nanlaki ang mga mata ko.. "God!"
Hindi ko inaasahang ang pinakaunang makakaharap ko ay ang mismong CEO ng kumpanya. At mas lalong hindi ko inaasahang ganoon siya ka-intimidating.