THIRD PERSON POV: ---- Siya ang tinatawag na Daddy ng bestfriend niyang si Andeng, at siya ay kaibigan din ng Daddy Ace niya. Unti-unti niyang pinagdikit-dugtong ang mga pangyayari. Naalala niya ang gabing umuwi siya galing sa mansion ng mga Williams. Naalala niya kung paano siya tinulungan ni James, at higit sa lahat... Naalala niya ang mga tinging ibinigay sa kanya ni James noon na tila sinusuri ang hitsura niya. Biglang kumabog ang dibdib niya at nanlaki ang kanyang mga mata. Teka... noong umagang iyon.. Saad ng isipan niya. Nanlamig muli ang kanyang mga palad. Hindi na pala kailangang magsalita pa ni James. Hindi na nito kailangang magtanong. Dahil malinaw na ngayon ang lahat. Alam na niya... Alam na niyang si Ace ang lalaking kasama niya noong gabing iyon. Ang dahilan ku

