THIRD PERSON POV: ----- Pagkalabas ni Ziri ng banyo ay dali-dali siyang nagtungo sa kusina. Pilit niyang inayos ang kanyang tindig kahit halos hindi pa rin niya makontrol ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Nagulat si Aling Rodora nang makita ang anak at agad niya itong nilapitan. "Anak, hindi ka ba nilamig? Akala ko ba magha-half bath ka lang? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito. Napalunok si Ziri. Huminga siya nang malalim at pinilit patatagin ang kanyang boses upang hindi mahalata ang panginginig nito. Inayos niya ang tuwalyang nakabalot sa kanyang ulo at pilit na ngumiti. "A-ang init kasi ng pakiramdam ko, Mama. Sobrang maalinsangan po kaya napagdesisyunan kong maligo na nang tuluyan," Paliwanag pa niya habang bahagyang hinihimas ang kanyang noo, na p

