THIRD PERSON POV: --------- Nanatiling nakabitin sa hangin ang mabigat na katahimikan sa hallway ng hospital. Hindi pa rin inaalis ni Ace ang kanyang tingin kay Rodora, samantalang si James ay tila naghihintay ng anumang sasabihin ng ginang. Ngunit sa halip na matakot ay galit ang unti-unting namuo sa mga mata ni Aling Rodora. Galit na sampung taon niyang pilit nilulunod. Galit na ngayon lamang muling nabuhay dahil sa pagtatagpo ng mga landas nila. Napatawa siya. Iyong mapait na tawang puno ng hinanakit. "...Ang kapal!" Mahina niyang sambit. "Ang kapal talaga ng mga mukha ninyo!" Napakunot ang noo ni Ace. "Rodora—" "Huwag mo akong lalapitan!" Mariin nitong itinaas ang kamay upang pigilan si Ace. "Wala kayong karapatang banggitin ang pangalan ko!" Mahina ngunit mabigat na wik

