_ TERRITORIAL BOYFRIEND

1421 Words
ZIRI'S POV: “Sorry?” Hinging paumanhin ko kay Asher. Napailing siya habang mariing hinawakan ako sa kamay at halatang pinipigilan niya ang pagkainis. “Ilang beses na kitang sinabihan na huwag mong pinapahirapan ang sarili mo, ah, Ziri?” Napayuko ako. Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nagagalit si Asher, para akong batang nahuhuling may kasalanan. “H-hindi naman ganoon kabigat ang trabaho ko…” mahinang depensa ko. “Talaga?” Tumaas ang kilay niya. “Tingnan mo nga sarili mo. Mukha kang pagod na pagod. My God, Ziri, you look so hagard!” Hindi ako kaagad nakasagot. Napalunok ako. Totoo naman kasi. Unang araw ko palang sa trabaho, ramdam ko na ang pagod ko, pero hangga't kaya kong pagsabayin ang trabaho ko at ang skwela ko ay gagawin ko. Wala akong balak na sumuko. “Ziri…” Bahagyang lumambot ang boses niya sa akin. “Bakit ba kailangan mong gawin ’to? Alam mo namang kaya kitang suportahan, hindi ba? Kaya kong ibigay ang lahat sa'yo.” Wika na naman niya. Ito na naman kami. Ito ang palaging dahilan ng pagtatalo naming dalawa ni Asher. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tiningnan nang diretso saka nagsalita. “Asher… ayokong habang-buhay akong umaasa sa ibang tao.” wika ko. Napatigil siya. “Gusto kong may mapatunayan ako. Hindi lang para sa sarili ko… kundi para kay Mama.” Saglit siyang natahimik. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya habang mariin akong tinitigan. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lamang. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?” mahinang tanong niya. Agad akong napailing. “Hindi sa gano'n, hindi iyon ang ibig kong sabihin.” “Then what?” Bahagyang tumaas na ang boses niya. Huminga muna ito ng malalim saka tumingin sa malayo at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. “Bakit parang kailangan mong akuin ang lahat ng mag-isa?” Napakurap ako nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Kasi ganoon naman talaga ako nasanay. Simula pagkabata, wala naman kaming ibang inasahan kundi ang isa’t isa ni Mama. Hindi kami mayaman. Hindi kami privileged. Kaya habang maaga pa ay tinuruan ko na ang sarili kong lumaban sa hamon ng buhay. Tinuran ko na ang sarili ko kung paano maging isang independent woman. “Hindi mo kasi naiintindihan eh,” halos pabulong kong saad. Bigla siyang natahimik. Ilang segundo kaming parehong walang imik habang ang malamig na hangin ng gabi ay dumadampi sa balat ko. Hanggang sa marahan siyang napabuntong-hininga at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. “Ang hirap mong suyuin. Ang hirap kunin ng loob mo sa totoo lang.” bulong niya na may halong pagsuko.ang boses niya, bahagya akong napangiti. “Sorry…” Napailing ulit siya saka marahang hinawakan ang kamay ko. “Come on. Ihahatid na kita sa inyo.” “Hindi na, kaya ko naman—” “Ziri.” Isang tingin lang niya, natigilan na agad ako. “It’s already late.” Napakagat ako sa labi bago marahang tumango. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin. Ngunit bago ako tuluyang makasakay, may isang itim na sasakyan ang mabilis na huminto sa hindi kalayuan. Kasunod noon ang pagbaba ng isang lalaking nakasuot ng mamahaling suit. Malamig ang mga matang diretso akong tinitigan. At sa unang pagkakataon… ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba. "Ziri babe, okay ka lang ba?" Untag sa akin ni Asher. "Ahm.." napakurap ako ng mata bago ko nagawang sumagot kay Asher. "Wa-wala ito, si-sige na Asher, tara na!" Saad ko na lamang, mabuti na lang at hindi niya napansin ang lalakeng sakay ng itim na kotse, si Sir Ace Williams. Tahimik naming binaybay ang kalsada pauwi sa maliit naming apartment. Pero habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Sir Ace. Ang mga titig niya sa akin. Ang mga mata niyang sa tuwing tumingin sa akin ay pakiramdam ko'y hinuhubaran ako nito at pinapabilis niya palagi ang t***k ng puso ko. Napakagat-labi ako. Shocks! Mali ito. Maling-mali Ziri. Nasa tabi ko si Asher pero ang isipan ko ay nasa boss ko. "Gising Ziri! Nagkakasala kana niyan! Gising!" Wala sa sariling natampal ko ang noo ko at pilit na binubura sa isipan ko si Sir Ace. "Kita mo iyan, pagod kana talaga. I think, kailangan na muna nating kumain bago kita ihatid sa inyo.." suhestiyon niya. "Hah?! Hi-hin-di! Ano kasi eh, tiyak nagluto si Mama. Hindi iyon kakain hangga't wala ako. N-next time na lang Asher.." saad ko naman habang pilit ang aking pagtanggi. "Mm.. is that so? Bakit lahat na lang tinatanggihan mo?" May tampo sa boses nitong sabi. "Ash? Intindihin mo naman ako.." huminga siya ng malalim. "Hmm.. Okay, ikaw ang masusunod. Sige, sa Saturday night labas tayo, gusto kitang masolo, gusto kitang makasama Ziri, please babe?" Tipid akong ngumiti at marahan na tumango. Sa simpleng ngiti ko lang, alam na ni Asher ang sagot. "Yes! Thank you babe," at maya't-maya pa ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko saka ako hinagkan sa likuran ng palad ko. Ang sweet ni Asher, alam na alam niya kung paano pagaanin ang loob ko. "I love you Ziri, kahit anong mangyari akin ka lang.. territorial ako, kung ano ang akin ay akin lamang. What is for Asher cannot be for Peter. Remember that Ziri." Sabay halik niyang muli sa palad ko. Sa sinabi niyang iyon, tila nanlamig ang buong katawan ko, parang tila napakabigat ng dating nito para sa akin. "TERRITORIAL " tila ba sinasabi niyang wala na akong kawala pa sa kanya. Pagkarating namin sa kanto kung saan papasok sa tinitirhan naming maliit na apartment ay tumigil na ang sasakyan ni Asher. Hindi niya pwedeng ipasok ang sasakyan hanggang sa looban dahil makipot ang daanan, tanging tricycle lamang ang pwedeng pumasok doon. Siya ang naunang bumaba at pagkatapos ay binuksan niya ang passengers seat upang ako naman ang makababa. "Hindi kana ba papasok sa looban Asher? Baka gusto mong saluhan na lang kami ni Mama sa hapunan." paanyaya ko pa sa nobyo ko. "Ahm, masyadong late eh..saka Daddy texted me. Hihintayin niya daw ako for dinner." "Ah," tumango-tango na lamang din ako. "So, paano—bye, babe..see you tomorrow. Susunduin kita, okay.." Humalik muna siya sa pisngi ko bago siya tuluyang sumakay pabalik ng kanyang kotse. Ngumiti naman ako sa kanya at saka ako kumaway. "Bye Ziri.. I love you.." matamis ang pagkakangiti niya bago tuluyang umalis. Pagkaalis ni Asher ay— "Ziri!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. "Andeng.." masaya akong napalingon ng makita ko ang best friend ko simula high school—habang may hawak na dalawang fishball cup. “Oooh, sosyal!” tukso niya paglapit sa akin. “Intern na sa malaking kumpanya!” Napatawa ako na tila proud para sa sarili ko. “Oh, kumusta ang first day?” Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung paano ikukuwento si Sir Ace sa kanya. “Okay naman…” sagot ko habang umiiwas ng tingin. “Iyong totoo?” “Oo nga ..” “May pogi?” Halos mabilaukan ako. “H-Ha?!” Bigla siyang humagalpak ng tawa. “Hahah.. ayan! Meron nga!” “Wala no!” “Ziri Lorenzo, kilala kita.” Napairap ako. “CEO namin.” tipid na sagot ko, kaagad siyang natigilan. “ANO?!” “Shhh!” “Gwapo?” Hindi ako agad nakasagot. At doon ko narealize ang nakakainis na katotohanan. OO. Sobrang gwapo. Pero hindi lang iyon. May kakaiba sa kanya. Iyong tipong isang tingin pa lang ay parang kaya ka na niyang kontrolin ang lahat. “Hmm.. Medyo,” mahinang sagot ko. “Medyo? Aba’y kinikilig ka!” “Hindi nga!” “Single?” “Hindi ko alam!” “Matanda?” “…Oo.” “Mas okay.” Napangisi siya. Siniko ko kaagad siya. “Baliw!” “Eh ano? Age gap is life!” sagot pa niya ng nakataas ang kilay. Napailing na lang ako habang tumatawa siya. Pero habang naglalakad kami pauwi… ay biglang sumagi na naman sa isipan ko ang mukha ni Sir Ace. Iyong titig niya kanina sa pantry. Iyong paraan ng paghawak niya sa kamay ko. At iyong malalim niyang boses na parang diretsong tumatama sa dibdib ko. Napailing agad ako. Hindi puwede. Hindi ito dapat! Boss ko lang siya... pero bakit bawat titig niya, parang may karapatang angkinin ang puso ko? Ang trabaho ko ay sundin ang utos niya—ang problema, pati puso ko yata sumusunod na rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD