THIRD PERSON POV: Mula sa labas ng matibay na gate ng mansyon, isang babaeng may matapang, mapang-akit na tindig ang biglang dumating—agad siyang sinalubong ng mga nakabantay na guwardiya. "Sino po kayo, Ma'am?" magalang ngunit maingat na tanong ng matandang guwardiya. Tinaasan siya nito ng kilay ng dalaga habang gumuhit ang isang may pagmamalaking ngiti sa kanyang mga labi. "Manong, hindi niyo po ba ako kilala? Hindi ba dapat alam niyo nang darating ako?" Saad nito. "Ahm, hehe... Ma'am, hindi na po ako magtatanong kung kilala ko na kayo," napakamot na lang sa batok ang guwardiya, medyo napahiya. Talagang nakabibighani at sexy ang itsura ng babae may makinis at maputing kutis, nakasuot ng pulang bodycon dress na mahigpit na yumayakap sa bawat kurba ng kanyang katawan at sakto lang a

