ZIRI'S POV: ----- "ANDREA!" Mabilis niyang nilapitan si Andeng hanggang sa mapansin niya ako. "What's taking you so—" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil napatigil siya nang mapatingin sa akin. Mula sa namumugto kong mga mata hanggang sa paraan ng pagkakatayo kong halos hindi na makatayo nang maayos. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Good God..." Mahina niyang sambit. "Andrea...What happened to her?" Napalunok si Andeng. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "I don't know yet..." Mahina niyang sagot. "But whatever happened, she needs us Daddy James." Napatingin sa akin ang lalaki na puno ng pag-aalala. At sa gabing iyon.. Sa unang pagkakataon matapos ang pinakamadilim na gabi ng buhay ko ay naramdaman kong may mga taong handang sumalo sa akin habang wala pa akong lakas na

