ACE'S POV: ----- Simula nang araw na iyon ay isinantabi ko na muna ang galit ko kay Ellora. At kahit mabigat sa dibdib ko. Isang bagay ang napagdesisyonan ko. Habang pinagmamasdan ko kasi Ang anak ko noon na masayang kumakain ng cake na gawa ng Mommy niya— unti-unting lumalambot ang puso ko. ---- Kaya naman simula noong araw na iyon ay pinili kong manahimik na muna. Hindi dahil naniniwala na ako sa mga paliwanag niya, hindi rin dahil nabura na ang mga larawang nakita ko at lalong hindi dahil nawala na ang sakit. Nandoon pa rin ang lahat. Parang isang sugat na sariwa pa rin sa tuwing naa-alala ko ang gabing iyon. Tahimik akong nakaupo noon sa kabilang dulo ng dining table. Habang sa harapan ko ay masayang-masayang kumakain ng birthday cake si Asher. Nakatawa siya habang ipinapa

