THIRD PERSON POV:
“After carefully reviewing both proposals… and looking not just at the numbers, but also at your integrity and long-term plans…” huminto siya saglit, nagpalipat-lipat ng tingin kina Ace at Fabiano.
"The Singaporean Investment Group has decided… to award the contract to——— Williams Group.”
Nanlaki ang mga mata ni Fabiano at halos mapaatayo sa inis.
“What?! That can’t be! You can’t choose him over us!” sigaw niya, halatang hindi makapaniwala sa narinig.
Ngumiti nang tipid at may halong tagumpay si Ace habang dahan-dahang nakahinga nang maluwag. Ramdam niya ang mahinang pagtapik ni James sa kanyang balikat bilang senyales ng panalo.
“With all due respect, Mr. Laurenti,” mariing sagot ni Mr. Tan nang hindi natitinag.
“Your offer is indeed big, but Mr. Williams presented a plan that is more sustainable, transparent, and truly aligned with our goals. That is what matters most to us.”
Namula sa galit si Fabiano, mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao.
“Mark my words, Ace Williams. This is not the end. Magkikita pa tayo… at sa susunod, hindi ako magdadalawang-isip na pabagsakin kayo.”
Tumayo si Ace at tiningnan ito nang diretso sa mga mata, walang bahid ng takot.
“Bring it on, Fabiano. But always remember—we win fair and square.”
Walang nagawa pa si Fabiano kundi umalis nang padabog kasama ang kanyang abogado, habang si Mr. Tan ay tumayo at inilahad ang kamay kay Ace.
“Congratulations, Mr. Williams. We are very pleased to have you as our partner.”
“Thank you, Mr. Tan. I assure you, you won’t regret this decision,” sagot ni Ace nang may kumpiyansa habang tinatanggap ito.
Matapos pirmahan ang lahat ng dokumento at magpalitan ng ilang pormal na paalam, tuluyan nang natapos ang pulong.
Pagkalabas nila ng restaurant, saka lang tuluyang nakahinga nang maluwag si James.
“We did it! Akala ko talaga sa kanila mapupunta ‘yun,” sabi ni James na halatang gaganahan.
“Celebration drinks later? My treat!”
Ngumiti lang si Ace, pero sa halip na sumang-ayon agad, agad na inilabas ang kanyang telepono. Ngayong tapos na ang negosyo, ang tanging laman ng isip niya ay si Ziri.
“Next time na, James. I have somewhere way more important to be right now,” sagot niya habang mabilis na naglalakad papunta sa kanyang sasakyan.
“Text me the details later. Just handle the rest of the paperwork here.”
“Got it, boss,” sagot ni James habang nakangiting umiling—alam na niya kung sino ang naghihintay sa isip at puso ng kaibigan. BABAE..
Sumakay agad si Ace sa kanyang kotse at pinaharurot ito nang mabilis pauwi sa direksyon ng apartment ni Ziri.
Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang init na naiwan nito, at mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang bumawi sa oras na nagambala.
"Wait for me, Ziri. Babawi ako… at walang sinuman ang makakaabala sa atin ngayon."
____________
Mabilis na pinaharurot ni Ace ang kanyang sasakyan, halos hindi na alintana ang bilis ng takbo basta't makarating agad siya kay Ziri.
Pero ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay bigla siyang napamura nang mariin habang malakas na hinampas ang manibela.
"s**t!"
Napailing siya sa matinding inis sa sarili.
"Saan nga ba siya nakatira? Damn it..."
Sa sobrang excitement at pananabik niyang makabawi sa dalaga, nakalimutan niyang hindi niya pala nakuha ang eksaktong address nito.
Agad niyang dinampot ang cellphone at mabilis na tinawagan si Monica—ang tanging taong alam niyang makakatulong sa kanya.
Ilang ring pa lamang ay sumagot na ito.
"Monica, listen. I need Ziri's exact address. Right now. It's important."
Walang paligoy-ligoy ang tono niya.
Makalipas ang ilang sandali ay tumunog ang kanyang cellphone.
Message from Monica.
Kasama roon ang address ni Ziri at maikling direksyon papunta sa bahay nito.
Awtomatikong sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi.
"Finally..."
Napailing siya habang muling pinabilis ang takbo ng sasakyan.
"Wait for me, baby girl. Darating si Daddy , I'll make it up to you. I promise."
Pakiramdam niya ay napakagaan ng lahat.
Successful ang deal.
Maayos ang negosyo.
At higit sa lahat, makakasama niyang muli si Ziri.
Punong-puno ng plano ang kanyang isip.
Ipagdiriwang nila ang tagumpay ngayong gabi.
Bibigyan niya ng oras ang dalaga.
Babawiin niya ang lahat ng pagkakataong nasayang.
Walang makakasira sa gabing ito.
At wala ring makakahadlang sa kanila.
Ngunit nang marating niya ang makipot na kalsadang papunta sa bahay ni Ziri...
Biglang tila huminto ang buong mundo niya.
Parang may nagyelong tubig na ibinuhos sa kanyang katawan.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang mukha.
At kasabay nito ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.
Sa may tapat ng gate...
Nakatayo si Ziri.
Pero hindi siya nag-iisa.
Mahigpit itong nakayakap sa isang lalaki.
Isang lalaking nakatalikod sa direksyon niya kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Nanigas si Ace.
Parang may kung anong mabigat na pumisil sa kanyang dibdib.
Dahan-dahang humigpit ang kanyang panga.
Ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela ay mariing nakakuyom hanggang sa mamuti ang kanyang mga buko.
At lalo pang kumulo ang dugo niya nang makita ang sumunod na eksena.
Marahang yumuko ang lalaki.
Pagkatapos ay dahan-dahang hinalikan ang gilid ng labi ni Ziri.
Simple. Maingat. Banayad.
Ngunit puno ng pamilyar na lambing.
Lambing na para bang matagal na nitong ginagawa.
At ang mas masakit....Hindi umiwas si Ziri. Hindi rin siya nagalit, sa halip ay ngumiti ito.
Isang maliwanag na ngiti.
Masaya. Totoo. At puno ng pagmamahal.
Isang ngiting akala ni Ace ay para lamang sa kanya.
"Fuck..."
Mahina ngunit puno ng galit ang pagkakabigkas niya sa mura.
Pakiramdam niya ay may humahawak sa kanyang puso at unti-unting pinipiga iyon.
Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa matinding selos at galit na pilit niyang pinipigilan.
Gusto niyang bumaba.
Gusto niyang hilahin palayo ang lalaking iyon.
Gusto niyang malaman kung sino ito.
And most of all...
Gusto niyang maintindihan kung ano ang nangyayari.
How?
Why?
Kanina lang...
Nararamdaman niya kung gaano siya kagusto ni Ziri.
Kanina lang ay magkasama sila.
Kanina lang ay naniniwala siyang siya lang ang laman ng mundo nito.
Pero ngayon... Narito siya.
Nakatitig habang may ibang lalaking nakayakap dito.
May ibang lalaking hinahalikan ito.
At mukhang masaya si Ziri sa piling nito.
Masayang-masaya.
Dahan-dahan niyang pinatay ang makina ng sasakyan.
Ang excitement na bumalot sa kanya ilang minuto lang ang nakalipas ay tuluyan nang naglaho.
Napalitan iyon ng mabigat na pakiramdam.
Galit.
Selos.
At sakit na hindi niya maipaliwanag.
Nananatiling nakapako ang kanyang mga mata sa dalawang taong nasa tapat ng gate.
"Damn it..."
Mahina niyang bulong.
Punong-puno ng emosyon ang kanyang boses.
"Sino siya? Is he her boyfriend? Who is he again—ahm, _____ Agggg!"