ZIRI'S POV: PilÃt kong iginuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko habang nakatingin kay Mama. "Hindi ka ba papasok ngayon, Ziri anak? Aba, wala ka pang matinong tulog ah. Saka may klase ka pa mamayang hapon, hindi ba?" Tanong ni Mama habang siya ay naghahanda na para umalis. "Opo, Ma. Hindi bale po. Nakatawag na po ako sa opisina. Papunta na po rito 'yung messenger namin. Ipapakuha ko na lang po 'yung mga inuwi kong paper works kagabi. Kailangan daw po kasi nila ngayon." Sagot ko naman. Tumango si Mama. "O siya. Basta sigurado ka bang okay lang na iwan kita? May mga labahin pa kasi ako sa kabilang barangay, anak. Sayang din ang kikitain ko." Pinilit kong ngumiti. "Sige na po, Ma. Kaya ko na po ang sarili ko. Matutulog na lang po ako mamaya bago pumasok sa school. Alas dos pa nama

