THIRD PERSON POV: Mula sa isang sulok naman ay kitangyni Ziri ang isang grand piano na kulay itim, makintab na makintab, na tila bihirang gamitin ngunit maingat na inaalagaan. At sa kabilang bahagi ng sala ay makikita ang isang eleganteng curved staircase na may handrails na yari sa pinakintab na kahoy at bakal na may gintong detalye. Mistulang eksena mula sa isang luxury magazine. O isang mansion na makikita lamang sa mga pelikula. Hindi napigilan ni Ziri ang mapabuntong-hininga. "Diyos ko..." Mahina niyang bulong habang dahan-dahang umiikot ang tingin sa paligid. "Isang sala pa lang ito..." Napakagat siya sa labi. "Mas malaki pa yata ito kaysa buong apartment building namin, grabe.." Lalong tumindi ang kanyang pagkamangha nang maupo siya sa isa sa mga sofa. Napakalambot nito.

