THIRD PERSON POV: ---- Nanatiling nakataas ang kamay ni James, hawak pa rin ang bouquet ng red roses. Tahimik ang buong sala. Tanging ang mahinang tunog lamang ng electric fan ang maririnig. ---- Samantala... Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ni Ziri. Hindi niya alam kung bakit, pero may kutob na siya. No... Please... huwag naman sana. Unti-unti niyang binalikan sa isip ang lahat ng nangyari mula kagabi. Ang mansion. Ang pulang silid. Ang lalaking hindi niya kailanman makakalimutan.. Ang lalaking umangkin sa kanya ng buong-buo. Si ACE WILLIAMS. Hanggang sa pagbalik ng kanyang sariling katinuan. Ang pag-uusap nila. Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Ang pag-aalala. At ang hindi maipaliwanag na lungkot na nakita niya sa mga mata nito sa huling pag-uusap nila. Cou

