"Bakit wala ka sa meeting? If you want take a vacation leave ---" "Shanaya's not talking to me," malungkot niyang wika kay Ethan kinabukasan na pinuntahan siya nito sa opisina. Alas dies na siya pumasok dahil hindi niya gustong umalis ng bahay. Pero para siyang hangin na dumadaan lang sa harap ni Shanaya. "Why? What happened?" "Nakiusap si Anya sa 'kin kahapon kung puwede siyang makipagkita sa 'kin kasama ang abogado niya. Nasa Albano Hotel ako kaya't pinapunta ko na lang sa Cabana. I thought she was with her lawyer." "Hindi mo naman siguro siya hinalikan doon at naabutan kayo ni Shanaya?" "She actually tried to seduce me, pero hindi naman ako magpapadala kahit ano'ng gawin niya. Pero kahit ano naman sigurong gawin ko mag-iisip si Shanaya nang masama." "Bakit ba biglang nag

