bc

The Mother of My Child

book_age18+
44.7K
FOLLOW
311.2K
READ
billionaire
revenge
possessive
arrogant
dominant
brave
drama
bxg
city
sisters
like
intro-logo
Blurb

Shanaya was a rebel since she was a child. Anak siya sa ibang lalaki ng ina pagkatapos ay ipinadala sa Australia para doon mag-aral. After college, she decided to come back to attend the wedding of her sister and to rebuild the relationship she has with her mother.

One week before her sister's wedding, he met a gorgeous man in a bar and had a one-night-stand. Lingid sa kaalaman niya, ang lalaking iyon ay ang lalaking tinalikuran ng kapatid niya para ituloy ang kasal sa bago nitong kasintahan.

May puwang ba ang pag-ibig sa isang gabing pagkakamali lang? Paano kung malaman niyang abot-langit ang pagkamuhi ni Danzel Albano sa pamilya nila dahil sa pagtangay ng kapatid niya sa pera ng binata at dahilan ng pagbagsak ng negosyo nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Why do I have to attend Anya's wedding? I wasn't even invited," pagmamaktol si Shanaya sa ama na si William nang pumasok ang ama sa silid niya dala ang isang maletang walang laman. "Pero hinihiling ng Mama mo na umuwi ka. Dadalawa lang kayong magkapatid. And besides, it's time na makasama mo naman ang Mama mo." "Ano ang gagawin ko sa Pilipinas?" "You've finished your college degree in Fine Arts. Marami kang mapapasukang trabaho doon. Isa pa, may ipaaayos akong negosyo sa 'yo doon pero saka ko na sasabihin kapag nagtagal ka na doon. Enjoy your moment first with your mother." "You are literally throwing me out, Papa," pagmamaktol pa rin niya. "Of course not," nakangiting wika ni William saka umupo sa gilid ng kama niya. "It was your mother's request I cannot refuse. You know you can come back anytime." "I'll stay there for a month or two, then I will come back. Nobody wants me there..." "Don't say that. Your mother loves you." Hindi na niya isinatinig ang anumang nasa isip. Isang marahang tango ang ibinigay niya sa ama bago ito tumayo at iniwan siya sa silid. Sa isang araw pa ang flight niya pero gusto na niyang tumigil ang orasan para hindi na dumating ang araw na 'yun. Dumapa siya sa kama at binalak pang matulog nang lumabas ang ama sa silid pero hindi na rin siya dalawin ng antok. Alas sais na ng umaga sa Victoria, Australia at pumapasok na ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto niya. She was supposed to meet Erickson, his boyfriend, today, but she decided to stay home all day. Sa tingin niya ay kailangan niyang namnamin ang natitirang oras niya sa Australia. Kailan ba siya huling umuwi ng Pilipinas? Four years ago? Yes. That was after her senior high graduation. Umuwi sila ng Papa niya sa Pilipinas dahil sa isang business conference at the same time ay para makasama niya ang ina at panganay na kapatid na si Anya Valdez. She is Shanaya Ricafort. Her father was an Australian while her mother a Filipina. Ang nanay niyang si Vivian Valdez ay may totoong asawa at isang anak nang makilala nito si William Ricafort sa event sa isang hotel. Vivian was a part-time model while her father was a businessman looking for a brand ambasador for a clothing line. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa pero dahil ginamit lang ng ina ang tatay niya para makuha ang endorsements, hindi planado ang pagbubuntis sa kanya lalo na at may totoong asawa si Vivian. Ipinaglaban ni William na maisilang siya sa mundo sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan ng ama. Homer, Vivian's husband, threatened her father to accuse him of raping Vivian. Sa huli ay nagbayad ang ama niya ng malaking halaga para hindi ituloy ang demanda. Ang plano ni William ay kuhanin siya pagkasilang pero lalong nagkaroon ng dahilan ang asawa ni Vivian na huthutan ang Papa dahil sa buwan-buwang paghihingi ng sustento para sa kanya. So, her life became a mess when she was growing up. Dahil iminulat ni Homer sa anak na si Anya na kapatid siya nito sa labas, nabuo rin ang pagkamuhi sa kanya ng nakatatandang kapatid. Hindi siya nito itinuring na kapatid kung hindi katunggali sa lahat ng bagay -- lalo na sa atensyon ng ina nilang si Vivian. Kung hindi sa pera ng Papa niya, matagal na siyang pinalayas sa poder ng nanay niya. Homer was also a businessman and a real estate broker. But also a gambler. Ilang beses nagsara ang mga itinatayo nitong negosyo na kalimitan ay galing sa Papa niya ang pera. Nang tumuntong siya sa edad na sampu ay hiniling niyang kuhanin na lang siya ng Papa niya dahil lalong lumalala ang relasyon nilang magkapatid na madalas ay kinakampihan ng ina ang ate niya. Nagbayad ng malaking halaga ang Papa niya kay Homer at Vivian para makalaya siya sa poder ng mga ito. At ten years old, her father brought her to Australia. Estranghero din naman sa kanya si William noon, pero ginawa nito ang lahat para maayos ang relasyon nilang mag-ama. Sa kabila niyon ay nangulila pa rin siya sa kalinga ng isang ina habang nagdadalaga siya. She ended up partying almost every night just to ease that emptiness inside her. Kung hindi nagkasakit ang Papa niya dahil sa sama ng loob sa mga kalokohang pinasok niya kasama ang mga kaibigan ay hindi siya matatauhan. So, she slowed down. Paminsan-minsan ay bumabalik sila sa Pilipinas, pero bibira ang pagkakataon na dumadalaw siya sa ina dahil hindi niya maramdaman na welcome pa siya sa buhay ng mga ito. Four years ago, she tried to fix her relationship with her sister but failed so many times. Matanda na noon si Homer at si Anya ay nasa bente singko anyos na. Her sister was a smart, sophisticated woman and an architect. Ang alam niya ay may itinatayo itong condo noon sa bayan nila sa Antipolo, Rizal. Malaking tulong ang pera ng tatay niya para manatili ang mga ito sa marangyang buhay kahit pa sugarol si Homer. And that makes her hate her father for being so kind and forgiving. Hindi siya ganoon. May sama siya ng loob sa ina at may inggit siya sa kapatid. William married her stepmother when she was eighteen. Ipinagpasalamat na lang niyang mabait ang madrasta niya na itinuring siyang anak. May dalawang anak ngayon ang Papa at stepmother niya pero nasa edad labindalawa at walong taon pa lamang. Napilitan siyang mag-empake ng ilang damit nang hindi na makatulog. Hindi talaga siya pabor na umuwi sa Pilipinas pero noong isang buwan ay tumawag si Vivian kay William at sinabing ikakasal ang kapatid niya at kung puwede ba siyang um-attend at magbakasyon na rin sa Pilipinas tutal ay tapos na siya sa kolehiyo. It was the first time her mother requested her presence. Sa ilang pagkakataon na kinailangan niya ang kalinga nito ay madalas nabibigo siya. Vivian loves Anya so much. Nakita niya ang pagkakaiba ng pagmamahal ng ina kay Anya at sa kanya. Bumaba siya at tinungo ang dining room para mag-almusal. May pancake na sa isang pinggan at katabi nito ang maple syrup. Gumawa siya ng kape saka umupo sa silya. Tamad na tamad talaga siyang kumilos habang papalapit ang araw ng flight niya. "Can I stay at Uncle Maverick's house?" tanong niya sa ama na kasalukuyang nanonood ng football sa sala. Kinuha niya ang pinggan at lumakad patungong living room para tumabi sa ama saka inulit ang tanong. Ang tinutukoy niya ay ang kapatid ng Papa niya na nakapag-asawa ng Pilipina at doon na rin naninirahan sa Pilipinas. May apat na anak ito na mas malapit sa kanya kaysa sa sarili niyang kapatid. Ang Uncle niya na ang sumalo ng business ng ama nang magpasya si William na mag-stay sa Australia nang makilala nito ang stepmother niya. "Yes, you can. But it would be inconvenient because they live in Paranaque while your mother lives in Antipolo." "How about... having my own place?" "A condo unit? We'll see when you get there. I will talk to your Uncle Maverick for that." Natuwa na rin siya sa sagot ng ama. Kung hindi niya magugustuhan ang pagtira sa poder ng nanay niya, may option naman pala siyang tumira sa ibang lugar. O bumalik sa Australia. Nagbihis siya ng damit pagkatapos kumain para puntahan ang boyfriend na si Erickson dahil masama raw ang pakiramdam nito at hindi makakadalaw sa kanya. She wanted to spend her two days with him. Ang plano nila noon ay pag-uusapan nila ang pag-settle down oras na makatapos siya, pero naging busy si Erickson nitong mga nakaraang araw. "Are you sure you're breaking up with her? I've given you so much time, babe." "I can't right now. But don't worry because she's leaving anyway. I'll just call her and say - hey, I can't follow you there, I have a job and I don't want to leave Australia so we better just end whatever we have and move on..." Naningkit ang mata niya sa narinig na pag-uusap ni Erickson at kung sinuman ang babaeng kasama nito sa bahay ng kasintahan. She went still. Caught in the middle of indecision whether confront her boyfriend or just leave. She walked away. Isa sa mga hindi niya matutunan ay ang komprontahin ang mga taong nakasakit sa kanya ng damdamin. Having been in an incomplete family made her coward and fearful of many things like confronting and sharing her true feelings about a person. Naduduwag siyang makatanggap ng rejections dahil pagod na siyang ipagpilitan ang sarili niya. 'If you don't like me, I don't f*cking care' became her motto in life. Pero alam niyang hindi iyon ang totoo. Dahil sa kaibuturan ng puso niya ay gusto niyang may isang tao na tatanggap sa kanya ng buo at ipaglalaban siya hanggang sa huli. And Erickson wasn't that person. So she ended up travelling from Australia to Philippines with pain and uncertainties. Sa isang taong mahigit niyang karelasyon si Erickson ay bumuo na sila ng mga plano na nauwi lang din sa wala. He was her first boyfriend and now her first brokenheart. Pagdating niya sa Pilipinas ay magsasaya siya sa kalayaan niya. Magpapakalunod siya sa alak at ipagsisigawan niya na kaya niyang mabuhay nang mag-isa. She doesn't need a guy to make her feel complete. Hindi niya na iaasa sa iba ang kaligayahan niya. To hell with love!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook