Chapter 2

1628 Words
Malamig na ang simoy ng hangin na sumalubong sa kanya paglabas ni Shanaya sa eroplano bandang alas singko ng hapon. It was in mid-September. Usually, people in this country were excited as the 'ber' months season is approaching. Noong bata siya, excited na sila ng Ate Anya niya na magsabit ng pulang medyas sa bintana. It was one of her treasured memeories with her sister. Pero pagkatapos no'n ay unti-unti nang nagbago ang lahat. Nalugi na kasi ang negosyo ng tatay nito at palagi nang mainit ang ulo. Kapag nagpapadala ang Papa niya ng mga regalo sa kanya, nakikipagkumpetensya si Homer na bigyan din ang anak ng mamahaling regalo. Hindi nito pinapayagang kuhanin ni Anya ang mga laruan niya dahilan para kainggitan siya ng kapatid sa maraming bagay. Una, sa kabila ng marami ang nagsasabing magkamukha silang magkapatid, mas maganda siya kay Anya dahil na rin sa isang Australiano ang tatay niya. Pangalawa, mayamang di hamak ang ama niya kay Anya. Pero kung kinaiinggitan siya si Anya sa materyal na bagay, siya naman ay kinainggitan kay Anya ang atensyon na binibigay ng ina nilang si Vivian sa mas nakatatandang kapatid. Natutulog pa ang Ate Anya niya sa silid ng Mama nila pero siya'y hindi man lang malapitan ang ina kapag nariyan si Homer na asawa nito. Isa pang kinaiingitan niya kay Anya ay ang presensya ng ama nito lalo sa mga school activities. Kaya siya nagpasyang hilingin na lang sa ama na kuhanin siya sa poder ng Mama niya. Kung hindi man niya makamit ang atensyon ng Mama niya, nariyan naman si William para magpakaama sa kanya. Tamad na lumabas siya ng airport para magpahatid sa isang hotel. Alam ng Uncle Maverick niya na uuwi siya ngayon sa Pilipinas pero bilin ng Papa niya na deretso siyang tutuloy sa bahay ng Mama niya. But she hasn't decided yet. May sapat naman siyang savings at credit card para manatili sa isang hotel kahit pa isang taon. Sa Albano Hotel siya dinala ng mga paa. Dahil nagdadagsaan na rin ang turista sa Pilipinas sa ganitong panahon, marami-rami rin ang nagchi-check-in sa hotel na siyang isa sa pinakasikat at magandang hotel sa Pilipinas. Sinalubong siya ng isang staff ng hotel para tulungan siya sa bagahe niya. Mula sa sulok ng mga mata niya ay may isang lalaking nakatingin at nakakunot-noong nakatitig sa kanya. He must be six-feet tall, medium-built, and has that striking appeal which made a lot of women turn their heads on his side. At dahil sa kanya nakapako ang nangungusap nitong mga mata, nakaramdam siya ng pagmamalaki. Kunsabagay, marami ang nagsasabi na malakas ang appeal niya sa kalalakihan. Bukod sa magandang kutis at magandang hubog ng katawan, nakuha niya ang features ng ina na dating nagmo-modelo noon at naging endorser ng clothing brand ng Papa niya. Sa mata lang sila nagkaiba ni Anya. She has small-round, dark brown eyes, while Anya has asymmetrical. At di hamak ding maputi siya kay Anya. Bagay na ikinaiinggit ng kapatid sa ama. Naging conscious tuloy siya dahil sa mapanuring mga mata na tila laging nakasunod sa kanya. Bigla naman itong nawala sa paningin niya nang igiya siya ng staff ng hotel sa reception area. "Good morning, ma'am! Welcome to Albano Hotel. How may we help you?" masayang bati ng magandang receptionist. "One single room, please..." aniya. "I'm afraid we don't have single room as of the moment. Would you like to consider our Cabana? We can offer a big discount while you enjoy a private pool and a nice view of the sunset." Ngayon lang niya narinig ang ganoong klase ng silid sa isang hotel dahil madalas naman silang nagchi-check-in ng Papa niya na madalas ay Executive Suite o magkahiwalay lang na Single Room. No wonder why Albano Hotel was considered the best hotel in the country. It offers grand and luxurious amenities. "How much do you charge for a one-week stay?" "Our Cabana costs eighteen thousand a day, but we are giving you huge discount at seven thousand a day. One week would be forty-nine thousand, and we included meals that will be served at your room during breakfast, lunch and dinner." Napatango na lang siya sa sinasabi ng receptionist dahil wala naman sa amenities ng hotel ang atensyon niya. Pilit na hinahanap ng mata niya ang lalaki kanina pero wala na ito roon. Nang iabot sa kanya ng receptionist ang key card ng magiging silid niya ay sumunod na siya sa room attendant na may dala ng bagahe niya. Sa fortieth floor pa siya dinala ng room attendant at kumanan sila sa isang mahabang pasilyo hanggang marating nila ang isang silid na may nakalagay na D. G. A. -- in gold plate. Hindi na siya nangtanong kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang 'yun. Nang buksan niya ang pinto ng silid gamit ang key card ay tumambad sa kanya ang executive suite na may katamtamang swimming pool sa labas. Nagpasalamat siya sa room attendant bago niya isinara ang pinto at muling iginala ang mga mata. Tama ang receptionist -- it was a perfect place to sit and watch the sunset. Tanaw mula roon ang Manila Bay habang nagtatampisaw siya sa pool. Magandang relaxation iyon bago siya humarap sa pamilyang kinupkop siya pero hindi naman siya minahal. Nine days from now is Anya's wedding. Saka na siya pupunta sa bahay ng Mama niya sa Antipolo kapag malapit na ang kasal. Wala naman na siyang kilala halos sa mga kamag-anak nila dahil sampung taon siya nang huling tumira roon. Kapag bumibisita naman siya dahil sa pagpipilit ng ama ay matagal na ang dalawang araw na naglalagi siya roon. ------- "Did she accept the Cabana room?" tanong ni Danzel nang dumaan siya ulit sa reception area. "Yes, sir. Naka-check-in na po s'ya." Marahan siyang tumango saka umakyat sa ika-apat na pong palapag ng Albano Hotel. Tinungo ang executive floor kung saan matatanaw ang silid niya na ipinagamit niya ngayon sa babae. Sinabihan niya kanina ang receptionist na huwag ibakante ang anumang silid na gusto nitong rentahan. The woman looked familiar... or she's not. But there was something about her he can't explain. Well, sanay naman siyang makakita ng magandang babae. Pero iba ang dating ng isang 'yun. At first, she looked like Anya -- but in the most exquisite and graceful way. Pero habang tumatagal ay lumalayo ang pagkakahawig na 'yun. Gayunpaman, binuhay ng babaeng 'yun ang kuryusidad niya. Hindi dahil kamukha ito ni Anya, kung hindi dahil may napukaw ito sa damdamin niya na ngayon lang niya ulit naramdaman. Nagdesisyon siyang sa Albano Hotel na lang mamalagi habang iniisip ang mga hakbang. Anya's wedding was set few days from now. Tinangay nito ang pera niya at kahit ang bagong tayong kumpanya na matagal niyang pinangarap na itayo ay nagsara na dahil pa rin kay Anya. Nakansela ang mga kontrata niya sa mga kilalang clothing brands dahil naagaw ang mga kontratang iyon ng kalabang kumpanya. Anya's fiance was an importer of cheap and junky perfumes. He met Anya after college when he was struggling with his career. May malaki silang kumpanya kung saan nagtatrabaho ang mga pinsan pero mas gusto niya ang magtayo ng sariling negosyo. Maybe because his own father, Dr. Zandro Albano, had his own career apart from being the shareholder of Albano Corp. Hindi sila namulat na doon nagtatrabaho, hindi katulad ng mga pinsan niya na playground na ang opisina ng mga magulang. His brother was a soccer player, while he was a novelist and a perfumer. Hindi alam ni Anya kung gaano sila kayaman dahil hindi niya ipinaalam na anak siya ng isa sa may-ari ng Albano Corp. He didn't deny being a part of the clan though. Pero nakita ni Anya kung paano niya pinagsikapang itayo ang sariling negosyo nang walang anumang tulong ng Daddy niya o ng mga Uncle niya na bihasa na sa merkado. Nang unti-unti nang lumalago ang kumpanya niya, nakilala ni Anya si Gerard na isang Chinese businessman. Nasilaw ito sa yaman ng negosyante na nagtayo rin ng perfume company at inagaw ang lahat ng kliyente na dapat ay papasok sa kumpanya niya. He later on found out that they were engaged which made him furious and hated Anya for her betrayal. Ngayon ay nagtatrabaho siyang muli sa Albano Corp. bilang assistant ng pinsan na si Ethan Albano na siya ngayong CEO ng Albano Hotels. Paminsan-minsan ay bumabalik siya sa pagsusulat. At habang hindi pa humuhupa ang galit niya kay Anya at Gerard, mananatili muna siya sa Albano Corp. Hindi rin biro ang natangay ni Anya sa kanya na dalawampung milyong piso dahil sa sobrang pagtitiwala sa dating kasintahan. Malay ba naman niyang ang isang tulad ni Anya na apat na taon niyang naging karelasyon ay tatraydor sa kanya dahil lang sa pagkagahaman sa pera? Kung malalaman lang nito na ang tinangay nito sa kanya ay kakarampot lang ng yaman ng buong angkan nila, tiyak magsisisi ito. If he wished to accept help from his family, he could afford to put perfume laboratory and factory that could produce thousands of perfume a day. Napailing siya sa kinasapitan ng pag-ibig niya kay Anya. Katulad din siya ng Kuya Duncan niya na binigo nang matagal ng karelasyon. Thea cheated on his brother. Samantalang ang dalawang pinsan niya na mapaglaro sa babae noon ay masaya namang namumuhay ngayon kasama ang kani-kanilang asawa. Is it high time to play the games of the fools? Muli niyang tinanaw ang babae sa Cabana room ngunit wala na ito sa gilid ng pool. Aalis na sana siyang muli nang makitang palabas na itong muli sa silid para tumungo sa swimming pool. Natulala siya nang makitang naka-two piece suit na lang ito. At kung kanina'y nagising lang nito ang kuryusidad niya, ngayon ay ginigising nito ang buong kalamnan niya. Holy f*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD