Chapter 3

1985 Words
"I've been calling you for half an hour, Shanaya, wala ka pa raw sa bahay ng Mama mo." Tinig ng ama ang bumungad sa kanya nang sagutin niya ang walang humpay na tunog ng telepono. Katatapos lang niyang magtampisaw sa swimming pool at na-relax siya nang husto. "Hindi pa ako umuuwi doon, Papa. Maybe by next week." "What?! And where are you staying?" "At the Albano Hotel. Naka-book ako dito ng isang linggo." "Hinahanap ka na ng Mama mo, Shanaya. And what's the point in staying in a hotel when you have a home two hours away from the airport?" Home. Tuwing mababanggit ang salitang 'yan ay gustong magprotesta ng dibdib niya. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman na may bahay siyang uuwian. "Gusto ko pang gumala sa Maynila dahil matagal akong hindi nakauwi." "I understand your hesitation. But it is important that you go to your mother and show up. She misses you." "I will, Papa... After a week." "Shanaya... You don't understand..." "Please, Papa. Hindi ko gustong pagtalunan pa natin ang bagay na 'yan. Sumunod ako sa gusto niyo na um-attend sa kasal ni Anya. That's nine days from now. It's too soon to stay in their house," hindi niya napigilang wika. Tutal alam na ng ama na umiiwas siya, kailangan niya nang maging tapat. "I have something to tell you. And I hope it would change your mind." "What is it?" "Your mother requesting you to come home is more than just your sister's wedding, Shanaya. Your mother is sick and she needs you." It took a while before she realized that her father was serious about sending her home. Her mother has a breast cancer. She underwent chemotherapy and radiation and now she's recovering. But knowing how cancer works, everyday is uncertain. "Why didn't you tell me the truth?" it was almost a whisper. Kahit may sama siya ng loob sa ina, hindi niya gugustuhing mapunta ito sa kalagayan nito ngayon. "I don't want to make it sound like we are forcing you to go to your mother. Besides, you will find out anyway." She took a deep breath and tried to calm herself. Kahit sabihin niyang wala siyang pakialam, sa kaibuturan ng puso niya'y masakit iyon. Ni hindi pa nagagawa ni Vivian na makabawi sa mga pagkukulang nito sa kanya. Hanggang sa huli ay si Anya ang kapiling nito. Siya'y nangungulila pa rin... Pilit na hinahanap ang presensya nito sa buhay niya. "Pupuntahan ko ho mamaya, Papa..." pangako naman niya sa ama. "Please do. She's waiting for you." Nang ibaba niya ang telepono ay napilitan siyang magbihis para tuparin ang sinabi niya sa Papa niya na pupuntahan ang ina sa Antipolo. Hindi niya muna dinala ang mga gamit. Mas komportable pa rin siyang sa hotel uuwi at matutulog. Isang oras at kalahati ay narating niya ang bahay ng pamilya ng Mama niya sa Antipolo. It was a big modern house with five bedrooms. Ngunit sa kabila niyon ay maliit ang bahay na iyon para sa kanila ni Anya. Hindi sila magkasundo ultimo sa harap ng hapagkainan. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Hindi niya alam kung paalis pa lang si Anya o kararating lang. She was wearing skinny jeans, tank top and stiletto. "Visiting my mother," tipid niyang sagot. Hindi itinago ni Anya ang iritasyon sa tinig kaya't hindi rin niya itinago ang malamig na pakikipag-usap. "She's doing fine. Huwag kang pumunta dito na parang namamalimos pa si Mama sa oras mo." Napakunot ang noo niya. "Kanina ka pa dapat nandito pero sa hotel ka tumuloy. Ano'ng gusto mong palabasin?" "Ano ang masama kung sa hotel ako tumuloy? Sa 'yo ko ba kinuha ang ipinangbayad ko doon?" "That's the problem with you, Shanaya. Lahat ng salita mo'y may kinalaman sa pera. You haven't changed." "Ma'am, tawag po kayo ng Mama niyo," wika ng katulong na galing sa loob ng bahay. Napatingin siya kay Anya na umirap muna bago siya iniwan sa garahe. Isang buntunghininga na lang ang pinakawalan niya bago sumunod sa loob ng bahay. "Shanaya..." Nagulat siya pagbungad ng ina na nakaupo sa wheelchair. Tumanda at pumayat ito tanda ng dinaranas nitong sakit. Her felt her heart squeezed and her eyes became misty. "Mabuti at nakauwi ka na, anak..." Her mother's voice became soft and tender. Something she never was. Noon, kapag dumadating siya'y sulyap lang ang itatapon nito sa kanya pagkatapos ay aalis na. Ngayon, sa pakiramdam niya'y gusto pa siyang salubungin ng halik kung magagawa lang nitong tumayo mula sa wheelchair. Nangungusap ang mga mata nitong tila gustong makiusap sa kanya na siya na ang lumapit. So she did. She reached for her mother's wheelchair and gave her a warmth hug. Vivian didn't want to let go. Hawak pa rin nito ang kamay niya kahit nailayo niya na ang katawan matapos yumakap sa ina. "I came to visit..." "Ang sabi ng Papa mo'y mananatili ka dito sa mahabang panahon." "Until Anya's wedding," pagtatama niya. Wala sa usapan nilang mag-ama na mananatili siya sa poder ng ina nang matagal. "Kumain ka na ba? Halika at sabayan mo 'ko. Kaunti lang ang kinain ko kanina dahil ang sabi ng doktor ay hindi maganda ang kumain nang marami." Alam niyang pinasisigla lang ng ina ang tinig para mapalagay siyang muli. Nakasunod naman si Anya sa kanila hanggang sa komedor. "Paborito mo ang ipinaluto ko sa mga katulong. Kapag may oras ka ituturo ko sa 'yo ang pagluluto ng masarap na kaldereta." "Don't waste too much effort on her, Mama," basag ni Anya sa pagsasalita ni Vivian. "Aalis lang din 'yan kapag nagsawa na rito." "Ang sabi ni William ay magtatagal dito ang kapatid mo," pagalit namang wika ni Vivian sa anak. "Hindi ba't may lakad kayo ni Gerald?" "Bakit hindi mo na lang tanungin nang deretso ang anak niyo para magkaalaman na kung ano ang totoo?" "A-anong totoo?" "Kaya ka pinauwi ng Papa mo dito ay para mag-alaga kay Mama. Walang nagtatagal na nurse sa kanya kaya ikaw ang naisip naming kuhanin. Now, tell me... Are you willing to do the job or not?" Napipilan siya sa mga narinig kay Anya. Tila naghahamon pa ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Siya'y pilit kinakalma ang sarili matapos ipamukha ng kapatid na ang kailangan nila sa kanya'y gawin siyang katulong o tagapag-alaga ng maysakit. Doon niya naintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagiging mabait sa kanya ni Vivian ngayon. Siya ang papalit sa mga nurse nitong hindi naman nagtatagal. And she felt betrayed by her own father. Isinuong siya nito sa isang giyera na wala siyang dalang bala. Kung sana'y sinabi na lang ng Papa niya ang totoo para nakapagdesisyon siya nang maayos. But no. Her father chose to keep the truth and let her find it out by herself. On the spot. Para wala na siyang karapatang tumanggi. At wala naman talaga siyang kakayahan pa na tumanggi. "Y-yes..." "Hindi mo naman obligasyon na um-oo, anak... Alam kong mas gusto mong magtrabaho..." "I don't have a job yet. I can stay here after Anya's wedding. Naka-book ako sa hotel ng isang linggo." Gusto nang tumulo ng luha niya sa samu't saring emosyon sa mga sandaling 'yun. Hindi niya alam kung kanino siya unang magagalit - sa Papa niya, kay Vivian o kay Anya. Nang umupo siya sa hapagkainan ay halos hindi siya makakain. Gusto na lang niyang lumayo sa lugar na 'yun. "I'll go ahead, 'Ma. Nandiyan naman si Manang na titingin sa 'yo pansamantala." Humalik si Anya sa ina nila at nagpaalam na aalis muna. Ni wala itong iniwang huling salita sa kanya. Nang matapos ang hapunan ay nagpaalam din siya kaagad kay Vivian. Ang pangako naman niya dito ay tapusin muna ang kasal ni Anya bago siya lumipat para alagaan ito. Gusto niyang namnamin ang isang linggong malaya siya mula sa mga responsibilidad. Gusto niyang magwala dahil sa panlilinlang ng Papa niya sa kanya. Noon pa man ay sunod-sunuran naman itong lagi kay Vivian. Ni hindi siya tinanong mgayon kung gusto ba niyang alagaan ang ina na hindi naman nagpakita gaano ng pagmamahal habang lumalaki siya. Dapat ay si Anya ang nag-aalaga sa matanda dahil parerho naman nilang ina 'yun. Sa Zen Club siya napadpad na malapit lang sa hotel na tinutuluyan niya. Agad siyang um-order nang nakalalasing na inumin. Alas dyes na ng gabi. Titiyakin niyang bubunuin niya ang gabing ito na masaya siya. Kahit pa dahil sa espiritu ng alak. "You should'nt be drinking alone..." Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at halos magdikit ang mukha nila dahil may inabot itong baso mula sa bartender habang nasa likod niya ang lalaki. She realized she was drunk because heat flowed over her body by the touch of his skin against hers. Halos nakayakap na ito sa kanya kung tutuusin dahil hindi na nito inalis ang kamay na nakapatong sa bar counter. "Sanay naman akong uminom mag-isa," pagalit niyang wika para itago ang matinding atraksyon sa lalaki. Ito ang nakita niya sa lobby ng hotel na sinuri siya mula ulo hanggang paa. "But it's better to be with someone else." "And who is that someone. You?" sarkastiko niyang tanong. "Why not?" "No. I'd rather drink alone or go back to the hotel." Tumayo siya para umalis sa kinauupuan pero nakaramdam siya ng hilo. Her body swayed and the man was fast enough to hold her body and keep her in balance. Pero sa pagkakahawak ng kamay nito sa baywang niya'y nagdulot naman ng bolta-boltaheng kuryente na hindi niya inaasahan. At sa dami ng nainom niya'y mahirap panaigin ang matinong kaisipan. Tumingala siya at nakitang nakatitig ang lalaki sa kanya. "You have brown eyes... You're not a Filipino..." pag-aanalisa nito. "Do you understand Tagalog?" "Pilipina ako," pagtatama niya bago matamis na ngumiti. Nakahawak pa rin ang braso ng lalaki sa baywang niya at ramdam niya ang p*********i nitong tumutusok sa tyan niya. "Hmmm... So what's your other half? American? Canadian?" "Australian." Tumaas ang isang kamay nito at dinama ang pang-ibabang labi niya. She bit her lip as she tried to seduce him. "Don't do it when you're with other men. They'll get crazy..." "How about you?" "I won't. But I'll be damned if I don't taste your lips and find out if they're as sweet as your perfume..." Bago pa siya makahuma ay bumaba na ang labi nito sa labi niya sa isang banayad na halik. Banayad na nauwi sa mapusok dahil tumugon siya. His kisses were different. No man had ever kissed her the way this man kisses her now. It's satisfying -- something you'd wish you could have more. Nang matapos ang halik ay bigla naman siyang natauhan. Dumaan sa dibdib ang pagkapahiya. Gusto niyang umalis sa lugar na 'yun para hindi na sila magtagpong muli ng lalaki. Hindi niya gustong isipin nito na gan'on lang siya kabilis bumigay. "I... I have to go..." "Ihahatid na kita." Lumakad siya palabas at pinilit lumakad ng tuwid. Ipinilig niya ang ulo para bawasan ang kalasingan -- kung nakakatulong man lang ba ang ganoon. Paglabas niya'y naglakad pa siya palayo dahil wala naman siyang sasakyan sa parking lot. "Ang sabi ko'y ihahatid na kita." "Huwag ka nang mag-abala, Mr..." "Danzel. My car is in the parking lot." Hinila na siya nito hindi pa man siya nakakasagot. Huminto sila sa nakaparadang itim na BMW. "Get in." "Hindi kita kilala. Hindi ako sasama sa 'yo." "Kapag hindi ka sumakay sasamahan pa rin kita kahit saan ka magpunta dahil mag-aalala lang ako. Hindi ako masamang tao, kahit itanong mo pa sa guard ng club ngayon. Napilitan siyang sumakay at inihatid siya nito sa hotel. Pero nang akala niya'y tapos na ang pagsunod nito sa kanya, nagkakamali siya. Habang naglalakad sila sa loob ng hotel ay hawak nito ang kamay niya hanggang sa marating nila ang fortieth floor. Nang buksan niya ang pinto ng Cabana Room niya'y nakapasok din ito kaagad ay muli siyang siniil ng mapusok na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD