"Ma..." "Naku, ito talagang si Danzel, ganyan din 'yan kakulit kay Anya dati. Hindi ko naman masisisi, sa edad niyang 'yan dapat naman talagang mag-asawa na siya," nakangiting wika ng Mama n'ya. "You agree, 'Ma?" nakangiti namang wika nito na tila nakahanap ng kakampi. Napapairap na lang siya sa inis. "Papayag ho ba kayo kung yayayain ko ng kasal si Shanaya?" Nanlaki ang mata niya kay Danzel pero hindi siya nito pinansin. "Of course. Sa palagay ko'y hindi naman ako ang dapat tanungin mo kung hindi si Shanaya. Handa na ba siyang mag-asawa? Kaga-graduate pa lang niya sa kolehiyo nang umuwi dito." "Then, let's plan the wedding. Kahit sa civil muna habang inaayos pa namin ang church wedding." "Pumayag na ba 'ko?" naiinis pa rin niyang sabi. Inakbayan siya ni Danzel at hinali

