"Shanaya..." Tinig ni Danzel ang nagpagising sa kanya. Hindi niya namalayang nakatulog siya dahil sa traffic. Sa harap ng Albano Hotel sila nag-park na agad bumaba si Danzel at pinagbuksan siya. "Bakit tayo nandito?" "May meeting tayo kay chef para sa pagkaing ihahanda sa kasal. I bet, nagugutom ka na rin." Totoong nagugutom na siya dahil hindi siya gaanong nakakain sa tanghalian. Pero dahil nasa dibdib pa niya ang inis, mas gusto niyang magmukmok sa silid. "Pa'no kung ayaw kong kumain?" "Why? Dahil na naman kay Anya? Hindi ka na pupunta sa bahay ng nanay mo simula ngayon, naiintindihan mo? Kung gusto mo siyang makita ipapasundo ko s'ya sa driver." "Pahihirapan mo pa si Mama sa b'yahe." "You're pregnant anyway, hindi ka na rin dapat napapagod sa byahe. Tapos stress lan

