Episode 12: Hilot

1158 Words
“Aray ko ang sakit” “Teka lang ang likot mo kasi eh” “Dahan-dahanin mo kasi!” inis na wika ni Allyssa. “Dinadahan-dahan na nga ah! At ‘wag kang sumigaw” mahinang wika niya rito “Ano ka ba Patrick hindi naman kamay ko iyang hinahawakan mo !” “E ano ba ‘to?” natigilan rin siya sa nakapa, pinisil pisil pa niya. Hindi talaga iyon kamay dahil napakalambot noon. Nakaramdam naman siya ng matinding sakit ng balat, kinurot siya ni Allyssa. “Pwede ba tulungan mo na akong magbihis!” “Parang kasalanan ko pang nadulas ka doon a?” Tinitigan siya nito ng masama. A edi kasalanan ko nga. Nakita ko siya sa banyong naka-bukaka at hindi magkandatuto sa pagtataklob ng mga pribadong bahagi. Hindi ko naman sinasadyang makita ang MGA nakita ko. Tumalikod ako agad pero tinawag niya ako at nagpatulong na maupo ng maayos. Nanatili akong nasa labas lang ng banyo habang inuutos-utusan niya akong kumuha ng shampoo, kumuha ng sabon etc. Nag-volunteer ako para maghilod ng likod niya pero sinamaan lang ako ng tingin. Ako na nga ang nagmamagandang loob! Kanina pa nagagalit ang dragon niya pero binabawal niya iyon. Mag-behave ka diyan! Kapatid ‘yan ni Anthony. Para silang mag asawa nito nang buhatin niya si Allyssa mula sa banyo, yung bridal carry. Pilit itinatago ng dalaga ang mukha ngunit kitang kita niya ang pamumula noon. Nagpatulong na rin ito sa pagbibihis. Na-dislocate yata ang kung anong buto. Nang matulungan niya iyon ay nakangiwi parin ang dalaga. “Saan ba masakit?” Itinuro nito ang balakang at ang braso na tila iiyak na. Kahit papaano ay maalam naman siyang maghilot dahil nagpapahilot lagi dati ang kaniyang lola. Naalala niya ang binili kahapong pang-hilot sa labas ng simbahan. “Diyan ka lang, kukuha ako ng pang- hilot” Tumango lang ito. ** Ngayon pa lang San Pedro kuhanin niyo na po ako. Hindi ko kinakaya ang mga kahihiyang ito. Papaano kung nakita ni Patrick ang pugad lawin niya na hindi pa niya natatabas? Nakakahiya! Nagpabihis siya dito ng maluwang na damit at pajama. Mahirap na baka pagtangkaan siya ni Patrick. Ang gilid ng utak niya ay natuwa. Huy! Tigilan mo self! Ramdam naman niya ang genuine concern nito at talagang matiyagang tinulungan siya na hindi nag- take advantage. Bumalik si Patrick na may hawak hawak na boteng puti. “Baka gayuma ‘yan ha”, alangang biro niya. “Hindi na kita kailangang gayumahin” wika nito sa seryosong mukha. Kinabahan naman siya bigla saka ito sinipa na pinagsisihan niya. Nanakit kasi lalo ang kaniyang katawan “Ayan mapanakit ka kasi, karma is digital Allyssa.” Nakatawa nang wika nito. E kung bakit kasi siya nanloloko. “Ewan ko sa’yo, hilutin mo na ‘ko” wika niya saka pumikit. “May bayad to ha” “Okay Patrick” Narinig niya ang malalim nitong buntong hininga. Namomroblema na yata. Banayad ang mga kamay nitong humaplos sa kaniyang braso. Pakiramdam niya ay bine-baby siya. “Tumaob ka nga”, biglang wika nito. “Ay teka anong gagawin mo sa akin?” bigla siyang naalimpungatan. Sa tingin niya ay sandali na siyang nakatulog e. “Ano ba Allyssa kung may gagawin ako sa’yo kanina pa. Pero hindi ako ganoon. Hihilutin ko lang yung parteng likod mo” Napasapo siya sa dibdib. Overthinker lang pala siya. Mainit ang mga kamay ni Patrick. Bawat hagod noon ay napapaungol siya na hindi niya mapigilan “Ang sakit diyan” “Tiisin mo lang, mawawala rin iyan” “Okay salamat” usal niya. Iyon ang huli niyang naaalala dahil nagising na siya sa tunog ng alarm. Maayos na naka-tuck ang kaniyang kumot at may dalawang unan sa kaniyang gilid. Paano nga ba siya nakatulog? Hindi niya na alam. Kinapa niya ang katawan. Mukha namang hindi ginalaw iyon. Mahirap na. Kamangha-manghang nawala ang sakit ng kaniyang katawan. Kinapa pa niya ang braso at balakang, wala nang sakit doon. Tumayo na siya at naghanap ng makakain. Hindi na siya nakakain kanina. Biglang may kumatok sa pinto. “Delivery po ma’am” wika ng delivery guy na nakangiti sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo. “Wala naman po akong ino-order, baka po sa ibang unit iyan” sabi niya saka inakmang isasara ang pinto. “Mam pinadeliver po ito ni sir Patrick para po kay Allyssa. Hindi po ba kayo si Allyssa?” tanong pa nito. Ay teka lang.. “Ah ako nga si Allyssa, magkano po iyan?” tanong niya. ”Bayad na po ito mam, pinapasabi po pala ni sir…” Bigla itong natigilan saka parang kinikilig na ngumiti. “Sana daw po hindi na masakit yung katawan niyo dahil sa nangyari kagabi” Napaawang ang bibig niya. Ang delivery guy ay humahagikgik na ngayon. Talaga nga naman Patrick oo! Kung ano ano ang naiisip. Teka tama naman ah pero bakit iba ang dating? “Nako ito si kuya ang likot ng isip. Sige na salamat” paalam niya rito. Pinadalhan siya nito ng 1pc chicken meal sa KFC at may mushroom soup den saka fries. Dali dali niya iyong nilantakan dahil sa kagutuman. Mananaba yata siya dahil sa lalaking ito e. ** Hindi na siya nakatulog muli nang madaling araw na iyon, umaga pa lang ay naubos na ang energy niya kay Allyssa. Na-upset siya nung inakala nitong may gagawin siyang masama. Mabuti ang kaniyang intensyon, never siyang gagawa ng bagay na ikakasama niya. Baka makasuhan pa siya ng rape. Imagine sisikat siya sa maling paraan. Patrick the rapist. Siya na rin ang kumain nang bacon and egg na kaniyang niluto kanina. Mabilis lang ang training, 'yun nga lang ay inaantok siya. Lunch nang naisipan niyang baka hindi kumain si Allyssa bago umuwi kung kaya't inorderan niya ito sa KFC. Scheduled delivery iyon nang pang 3:30. Sigurado na gising na ito. Mabilis pang natapos ang training ng hapon. Agad agad siyang lumabas ng training room saka tumambay sa mga upuan malapit sa entrance. Siguradong papasok na rin si Allyssa. Namataan niyang pumasok ang grupo ng mga bakla at babae. Ito iyong kahapon na nakita niyang palabas ng building. He kept his cool, kunwari ay hindi nakikita ang mga iyon at nagce-cellphone lamang. "Swerte talaga ako bakla, andito ang bebeloves ko" wika nung matabang bakla na pinakamalaki sa lahat. "Ay bakla sundo ko 'yan. Sorry" wika naman nung babaeng may purple at blonde na buhok. Naalala niya. Ito nga pala iyong kinakasama ni Dorin. "Be, kakahiwalay niyo lang ni Dorin meron ka na kaagad. Hindi ka na nagmove-on ah!" bulalas ng isa pang bakla. So hiwalay na nga sila. Good for you Angela. Napangiti siya, hindi niya napigilan ma amuse sa nangyari. How can he, a nobody affects other people that easily? "Gosh beh! ngumingiti siya. OM! Kumpleto ang ngipin pasado na talaga!" "Daddy! ch*ke me" "Hoy! ngayon lang kayo pumasok mga angels ko?" pamilyar ang boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD