Allyssa’s POV
“Let’s call it a day. Thank you everyone and see you tomorrow, remember ClAYGo” wika ng trainer 2:05 AM na.
Sa wakas, out na den. Sabay sabay silang nagtungo sa CR. Nag-retouch at umihi. Nagpaalam na si Charlene at Mitch—si Charlene ay susunduin ng jowa. Si Mitch ay susunduin ng tatay nito. Ang swerte nila. Samantalang ako magpapalipas ng oras.
Naglalakad siya nang biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Tawag iyon mula sa Unknown number. Pinatay niya iyon. Maya maya ay tumawag ulit ang number, accidentally na nasagot niya ito. Tinig iyon ni Patrick. Paano niya nalaman ang number ko?
“Kasi delikadong umuwi ng ganitong oras, babae ka pa naman. Sunduin ba kita?” tanong ni Patrick. Natigilan siya. Bakit parang ang sweet niya sakin?
“Naku hindi na, magpapalipas muna ako dito hanggang 4:00 saka ako uuwi.” Sagot lamang niya. May pasok pa ito mamaya, naaabala pa ang tulog.
“Seryoso ka ba? Ano lang gagawin mo diyan?” tanong nito. Ang ganda ng boses ni Patrick, soothing. Lalo pa at kagigising lang niyon.
Napansin niya si TL Jaime na makakasalubong niya.
“Wala, hihintayin lang lumipas ang oras.” Mahina niyang sagot kay Patrick.
Ibinaba niya ang cellphone nang malapit na ang supervisor.
“Allyssa may gagawin ka pa ba? Out niyo na no?” Tumango siya.
“Libre sana kita ng chocolate drink or something…” Nagulat siya sa sinabi nito at hindi alam ang isasagot, naga aya agad lumabas. Wala na sila Charlene ah.
“Ah TL nakakahiya naman po ililibre niyo po ulit kami? Baka po maubos na pera niyo niyan.” Sagot niya saka nag-fake ng tawa. Inilagay niya sa bag ang cellphone. Hindi niya alam kung connected pa iyon o hindi.
“Hindi, tayo lang sanang dalawa. Ano payag ka ba? Kukunin ko lang gamit ko sa locker tas magpapaalam ako sa team saglit, go na tayo?”
Teka bakit parang nagdesisyon na ito agad? Hindi pa nga siya nasagot eh
“Naku TL, next time na lang po. Uuwi na po ako e. Napagod na po ” nahihiya niyang sabi, naaasiwa na siya sa presensiya nito, kung makatingin kasi sa kaniya para na siyang huhubaran.
“Ah ganun ba? Sige magi ingat ka ha?” tanging nasabi nito saka dumiretso ng lakad. Bumalik siya sa may training rooms. Wala nang mga tao doon at doon niya laging pinipili na magpalipas ng oras plus, nahaharangan ito ng mga locker. Wala talagang nagagawi roon.
Naupo siya sa isa sa malaking upuan doon na may foam naman. Makaidlip muna.
Hindi niya alam kung panaginip lang ito o totoo pero may bulto ng lalaki ang naglalakad papunta sa kaniya,
“Patrick? Anong ginagawa mo rito?”, tanong niya.
“Sinusundo ka.” Sagot nito saka naupo sa pinakamalapit na upuan sa harap niya. Nakasimpleng t-shirt lang ito at gulo gulo pa ang buhok pero walang kaso dahil gwapo parin. Nakakatuwa naman, may tagasundo na siya ngayon pero siguradong panaginip lang ito. Wala namang maga-aksaya ng panahon para sa kaniya.
“Bakit ka pangiti-ngiti diyan?”
“Nagseselos ka yata e” panloloko niya.
“Sino ba yung nagyaya sa’yo kanina? Baka kasi mapahamak ka e, alam mo naman ang mga tao ngayon—
Hindi niya ito pinatapos. Inilapit niya ang hintuturo sa bibig nito para patahimikin.
“Patrick, you cannot fool me.” Bumaba ang tingin niya sa labi nito at iginalaw galaw ang hintuturo duon. Teka bakit parang hindi naman panaginip to? Totoo nga yatang buhay na Patrick ang kausap ko.
Hinawakan nito ang kamay niya. Ay inang kupo! hinalikan iyon habang hindi inaalis ang titig sa kaniyang mga mata.
“That’s the last thing I’ll do to you my princess” me? I’m a princess, hindi parin maprocess ng utak niya ang nangyayari.
Lutang na lutang siya, napapitlag siya sa narinig na Ehem sa likuran. Si TL Jaime iyon. Oo nga pala sinabi niyang uuwi na siya kanina. Hindi niya malaman ang gagawin, anong idadahilan niya?. Nagpanic rin siya ng tanungin nito kung bakit hindi pa siya umuuwi. Nabisto siya. Nagu-usap ang dalawa pero tila may sarili siyang mundo na hindi niya maintindihan ang usapan ng mga lalaki. Real life na nga talaga ito. Paano kung sesantihin siya dahil bawal ang PDA sa company? Huminga siya ng malalim at ikinalma ang sarili pero sa totoo lang ay gusto niyang humiyaw sa hiya. Ano pang mukha ang ihaharap niya kay Patrick? Bakit kasi naisipan niyang gawin iyon. At bakit naman siya nito pinuntahan. Uhuh! Kasalanan niya rin. Mga lalaki talaga.
Lumilinaw na ang usapan ng dalawa sa paligid. Sa wakas, tuluyan na siyang gising.
Pumagitna na siya. Nakatingala siya sa mga ito, ang tatangkad kasi at ang lalaki ng mga katawan. Anumang oras ay magsusuntukan na
“Stop it Patrick, tl Jaime.” Wika niya saka hinatak si Patrick na mapang-inis.
“Sorry po TL. Happy birthday po ulit” pagpapakumbaba niya sa supervisor saka tumalikod at nang matapos na ito once and for all.
“Sabihin mo diyan sa kaibigan mo hindi pa kami tapos pero salamat Allyssa. Magi-ingat ka, see you tomorrow" nakangiti pa itong nagpaalam sa kaniya. Nginitian niya nalang rin pabalik.
“I’m just here and you can’t say it to my face. Huh, what a coward” pangi inis pa ni Patrick. Ano ba naman iyan, talagang hindi magpapatalo!
Lalapit pa sana si TL Jaime nang humarang na siya.
“Get over it already!” nakakapikon na talaga. Parang mga bata.
“Sorry Allyssa.” Wika nang mga iyon saka parang naging mga maamong tuta. Lumabas na sila ng company. Hindi na niya alam ngayon kung paano kakausapin si Patrick. Sagad sa buto ang hiya niya rito.
Nanghingi nanaman ito ng patawad. Nginitian na lang niya iyon pabalik at nagpasalamat dahil sa totoo lang ay sinave siya nito. Ayaw niyang sumama kay TL Jaime. Mukha talaga iyong hindi gagawa ng matino.
“Ganun ba? Kaya pala may pa-drama play ka pa kanina”, natigilan siya ng sabihin iyon ni Patrick, “Kaya sinabayan nalang kita, alam ko na nasa isip mo” sa isip niya ay nagtatatalon na siya sa tuwa. Mabuti naman at drama lang ang tingin ni Patrick doon. Hindi na niya kailangan pa na magpaliwanag.
“Gusto ko kasi ako ang nangmamanyak” natigilan siya nang lumabas sa bibig niya iyon. Sa utak niya lang ‘yun dapat ah. Kita niya ang pagkagulat ni Patrick. Pati rin naman siya ay nagulat. Ano bang meron sa akin ngayon? Bakit hindi nakiki-coordinate ang utak sa katawan ko.
Ito pang Patrick na ito, hulaan daw niya ang nasa utak ko.
“Well you’re thinking I’m hot and attractive” ehm totoo naman pero hindi iyon ang nasa utak niya talaga kundi ang pagiging lutang niya,
“Ah! Try harder Patrick” saka niya nito inirapan at nauna nang maglakad. Hiyang hiya na siya sa mga nagawa at nasabi. Iniwasan niyang kausapin ang lalaki sa biyahe, napaka-gentleman naman nito sa kaniya sa kabila nang pangi- snob niya.
Nagugutom na siya. Sabi na e, gutom lang tong nararamdaman ko.
Binalak niyang mag-take ng cold shower pagkauwi para naman tuluyan na siyang magising. Isang buka pa ng bibig niya baka disaster na ang kasunod.
Kinuha na niya ang tuwalya at pumasok sa banyo. As usual, inalis niya lahat ng suot at itinupi sa gilid. Naghilamos siya. Binabanlawan niya ito nang mapansin niyang iba ang amoy at napakadulas ata. Pagkatingin niyang muli sa bote ay PH care pala. Dali dali niya iyong binanlawan at mabilis na pumunta sa shower. Sa hindi inaasahan ay nadulas siya sa tiles, nakahawak naman siya sa shower curtain ngunit kasama itong nahigit niya sa paglagapak. Ramdam niya ang panunuot ng sakit sa balakang at likod.
**
PATRICK’S POV
“Ha ka diyan” tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Natigilan naman si Allyssa.
“Bakit ganiyan ang tingin mo?” kunot noong tanong nito.
“Let me guess what you’re thinking right now.” Wika niya saka ito pinagmasdang mabuti.
“Ok take a guess” panghahamon niyon saka tumawa.
“Well you’re thinking I’m hot and attractive”
“Ah! Try harder Patrick” saka siya nito inirapan at nauna nang maglakad. Hinabol niya iyon ng tingin, Geez hindi talaga ako magtataka kung bakit pati supervisor gusto na siyang bakuran.
Hinabol niya ito. Hindi iyon nagsasalita. Ano ba talaga? Ang hirap naman basahin ng babaeng ‘to.
He opened the car door for her. Sumilay naman sa mukha nito ang pilit na ngiti.
Hindi na iyon nagsasalita sa kanilang biyahe. Nakikiramdam lang siya.
“I’m hungry Patrick” walang kagana-ganang wika nito.
“What do you want to eat?” kaya pala moody ay gutom!
“I don’t know, noodles?”
“I’ll make you real food when we get home” kaswal na wika niya saka ito nginitian. He felt a bit sad or maybe disappointed. He thought they had a moment earlier ‘yun pala ginamit lang siya para mapalayo ‘yung lalaking ‘yon.
Pagkarating sa apartment complex ay ipinagbukas niyang muli ito ng pinto. He wanted to do this for her, he felt more of a man serving this lady.
“Maliligo lang ako, I feel so hot”, paalam nito. Walang kaemo-emosyon ang mukha.
“Sige, pagkabalik mo, kakain ka na” wika niya saka diretsong pumunta sa refrigerator, naglabas ng bacon at itlog.
Chineck niya ang oras, a las tres na rin. Mukhang hindi na siya makakatulog.
Naluto na niya ang ulam at inaayos na lamang ang lamesa nang makarinig ng kalabog at malakas na Aray! Nanggagaling iyon sa banyo. Instinct niya ang tumulong kaagad sa nangangailangan kaya dali dali niyang binuksan ang pinto. Ganun nalang ang kaniyang gulat nang mamasdan si Allyssa sa ganoong posisyon.