PROLOGUE
"Finally, I have my freedom." I looked around outside the airport.
"My only problem is that I don't have any money and clothes. s**t, napaka-bobo mo naman talaga Amanda, hindi ka manlang nag-dala ng damit at pera!" halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis bago naglakad.
Hindi pa ako kumakain simula kahapon nang umalis ako sa bahay, wala pa rin akong tulog. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.
Pero kahit anong mangyari, hinding hindi ako babalik kila mommy. Ayaw ko ng maging sunod-sunoran nilang dalawa ni daddy. Lagi na lang sila ang nasusunod na para bang hawak nila ang buhay ko.
Gusto ko namang tumayo sa sarili kong mga paa at ipag-patuloy ang pangarap ko. Ang maging modelo. Pero kailangan ko munang mag-hanap ng tutuluyan at trabaho para matupad ko ang pangarap ko at magawa ko lahat ng gusto ko.
"I feel d-dizzy." hindi ko na alam kung nasaan na ako.
Nahihilo na ako dahil sa init, dahil na rin siguro sa wala pa akong kain at tulog.
Bumigat na ang talukap ng mata ko at naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
"Shh, 'wag kang maingay Caiden. Baka magising siya." rinig kong sabi ng isang babae.
"Manang, who is she? Is she my mom!?" rinig ko ring sabi ng isang bata.
"Huh? Aba'y ewan ko rin." napa-mulat na ako ng mata dahil sa naririnig ko.
"She's awake, manang!" napa-tingin ako sa isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa apat o limang taong gulang pa lamang.
"Ay hija! Gising ka na pala. May masakit ba sa'yo? May gusto kang kainin?" sunod sunod na tanong nung babae na sa tingin ko ay nasa early 60's na.
"Nasaan po ako?" takang tanong ko sa kaniya at dahan dahang bumangon.
Tinulungan naman niya ako na sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan ko.
"Hello! You're in our house po! I'm Caiden po!" masayang sabi nung batang lalaki na nakapag-pangiti sa'kin.
"Hi Caiden," bati ko naman sa kaniya at ginulo ng bahagya yung buhok niya.
"Are you my mother?" naka-ngiting tanong niya kaya napa-tigil ako.
"Caiden! Tara na nga, at baka magalit pa ang daddy mo." saway ni manang sa kaniya.
"Lalabas na kami, hija. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka." naka-ngiting sabi ni manang.
"Sige po, salamat." ngumiti ako pabalik sa kaniya bago sila lumabas.
Kumaway pa sa akin si Caiden kaya kumaway rin ako ng bahagya sa kaniya.
Nilibot ko ang paningin ko, maayos at maganda ang kwarto.
Napa-tingin ako sa pinto nang bumukas 'yon at may pumasok na isang gwapong lalaki na naka-suot pa ng long sleeve polo, black slack at leather shoes. Halatang mayaman.
"You're awake," sabi niya habang naka-titig sa akin.
Napansin kong may kakaiba sa titig niya kaya bahagyang tumagilid ang ulo ko habang naka-tingin sa kaniya.
Bakit parang kilala ko siya? Bakit parang napaka-pamilyar ng mukha niya? At bakit iba ang naramdaman ko nang makita ko siya?
"Who are you?" mahinang tanong ko habang naka-kunot ang noo.
"You? Who are you?" tanong niya pabalik.
"I'm Amanda. Amanda Alvarez. Now answer my question." sagot ko sa tanong niya habang inaalala pa rin kung saan ko siya nakita.
"I'm Carson Valter." sagot niya rin sa tanong ko kanina.
"Stop staring at me, woman." malamig na sambit niya pero hindi ko 'yon pinansin.
Dahan dahan naman siyang lumapit sa'kin at naupo sa kama.
"I'll tell the driver to take you home. Where do you live?" tanong niya sa'kin kaya napa-yuko ako.
"I don't have a place to live here." mahinang sabi ko habang pinag-lalaruan ang daliri ko.
"Then why are you here? Don't lie to me, woman. You're wearing an expensive clothes and accessories." sabi niya kaya napa-angat ako ng tingin.
"I r-ran away from h-home. I'm from California." sabi ko sa kaniya kaya napa-kunot ng bahagya ang noo niya.
"Don't you have any money?" tanong niya ulit na inilingan ko lang.
"The doctor says you haven't eat anything, eat first, and I'll talk to you later." sabi niya na tinanguan ko lang.
"Can you walk?" tanong ulit niya.
"I can't," mahinang sagot ko.
Narinig ko ang buntong hininga niya bago tumayo at lumapit sa side table.
"Manang, can you prepare a food and bring it here? Thank you." nag-salita siya doon sa intercom.
"Wait for the food." sabi niya na tinanguan ko lang.
Lumabas siya sa kwarto at sakto namang dumating si manang na may dalang isang tray.
"Hija, kumain ka muna. Saktong sabaw ang niluto ko." naka-ngiting sabi ni manang kaya nginitian ko siya.
Nag-simula na akong kumain at umalis na rin si manang. Hindi ko pinansin si Carson na pumasok ulit sa kwarto.
Kahit alam kong pinapanood niya akong kumain, hindi ko siya pinansin.
Pag-katapos kong kumain tsaka ko tinignan si Carson na naka-tayo sa tapat ko.
Mag-sasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Caiden.
"Hello po!" tumakbo siya palapit sa akin kaya napa-tayo agad ako nang muntik na siyang madapa.
Nahawakan ko agad siya sa braso kaya napa-yakap siya sa'kin at napa-upo ulit ako sa kama.
"Careful son," sabi ni Carson.
Huh? Son? Anak niya si Caiden? Ibig sabihin may asawa na siya? Pero wala naman akong nakita. At parang wala naman, dahil tinanong ako ni Caiden kanina kung ako daw ba ang nanay niya.
"Can I ask po?" naka-ngiting tanong niya.
"Sure, baby boy." sagot ko naman na mas nakapag-pangiti lalo sa kaniya.
"Are you my mom po ba?" tanong niya ulit kaya napa-tingin ako kay Carson.
"Caiden, stop it." saway sa kaniya ni Carson kaya napa-nguso siya.
"But dad, she looks like my mom!" sabi naman ni Caiden na nakapag-pakunot sa noo ko.
"Eat your dinner first, Caiden." sabi ni Carson kaya napa-simangot si Caiden bago padabog na nag-lakad palabas.
"Caiden Valter!" tawag sa kaniya ni Carson pero agad siyang tumakbo palabas.
"That kid, he really have his mother's attitude." rinig kong sabi niya bago siya tumingin sa'kin.
"I have an offer for you." sabi niya kaya napa-kunot ang noo ko.
"What is it?" tanong ko naman.
"Be my son tutor, and I'll help you do what you want. Or I'll help you hide from your parents." he told me while looking straight to my eyes.
"Deal," naka-ngiting sabi ko.
"Alright, stay here for now and rest. Then we'll buy clothes for you tomorrow." sabi niya kaya napa-ngiti ako.
"Can I have a favor?" naka-ngiting tanong ko sa kaniya.
"What favor?" tanong naman niya.
"Can you help me be a model?" napansin kong napa-tigil siya saglit.
"Yes, I can. Just wait for a week." sabi naman niya kaya tumango ako.
Sabay kaming napa-tingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok ulit si Caiden.
"I already eat my dinner, dad! Can I stay with her po?" maligalig na sabi niya.
"No, let her take a rest. Let's sleep." sabi niya at hahawakan sana sa kamay si Caiden pero tumakbo siya palapit sa akin at humiga sa tabi ko bago yumakap sa bewang ko.
"Caiden," parang nag-babantang tawag ni Carson sa kaniya.
"But dad, I want to sleep with my mom." napa-iwas ako ng tingin kay Carson dahil sa sinabi ni Caiden.
"Caiden, don't make me come and get you." sabi ni Carson.
"It's fine, he can stay with me." sabi ko naman sa kaniya.
Napa-titig pa siya sa'min ni Caiden pero tumango rin kalaunan bago patayin yung ilaw at lumabas na sa kwarto.
"Let's sleep, little boy." naka-ngiting sabi ko sa kaniya bago humiga ng maayos.
"Good night, mom." sabi niya na nakapag-patigil sa'kin.
Mas humigpit ang yakap niya sa'kin habang naka-sandal sa'kin.
"Good night," mahinang sabi ko bago siya yakapin pabalik.