SIDE STORY PART 2 Long-lasting Love “HINDI na naman ba pumasok ang intern mo?” ang bungad naman sa kanya ni Vina nang sinundan siya nito sa kanyang office. Napatingin si Saber sa pwesto ni Aki, dahil ngayon ang pangatlong araw na hindi na ito pumasok. “Palagay ko ay hindi ko na desisyon kung papasok pa siya o hindi…” malamig na sabi naman ni Saber sabay upo. “Kahit na, mukhang masyado mo siyang napagsabihan kaya hindi na pumasok. Nakasalalay pa rin ditto kung gra-graduate siya o hindi…” “Hindi ko siya susuyuin…” napataas nang bahagya ang boses ni Saber. “She’s not a kid anymore, she’s now adult to shrug off things in the workplace and prioritize her work. If she can’t do that, she’s not ready.” Katuwiran naman ni Saber. “Hindi ko naman

