SIDE STORY PART 1 Long-lasting Love Author’s Note: You can skip this part and proceed to the next chapter. This is just a glimpse of Aki and Saber’s story. “AKINA!” lumawak ang pagkakamulat ng mga mata ni Aki na malapit nang mamatay kanina pa at nanumbalik ang nararamdaman niya sa mundong ibabaw nang hinampas siya nang malakas sa likod ni Sasha. “Kanina pa ako salita nang salita aba eh wala ka naman pa lang naririnig,” reklamo naman nito sa kanya. Saglit na hinagod ni Aki ang sakit sa kanyang likod nang hinampas siya nito. “Bukas na ang first day natin sa internship. Baka ma-late ka! Sa law office ka pa naman na-assign,” turo naman nito sa kanya. Sandali lang ang naging epeko ng paghampas ni Sasha sa kanya. Tumango lang si A

