Habang nag-uusap sina Nathan at Sky ay bumababa naman si Jeff sa hagdan, nakabihis at handa nang umalis papunta sa opisina. Nakita niya ang dalawa sa may hapagkainan na tila seryoso sa kanilang usapan.
“Oh anak. Andito ka na..?”
“Opo Papa. Kakauwi ko lang” sagot naman ni Sky sa ama “Papasok ka ba sa office?”
“Oo anak. Late na nga ako eh”
“Ako na lang ang papasok Papa”
“Huwag na anak. Ako na lang muna dahil may gagawin pa ako sa opisina” tanggi ni Jeff sa alok ng anak “May contract signing pa kasi ako sa opisina eh”
“Tungkol pa rin ba ‘to sa tumawag kahapon, Papa?”
“Yup. Bibilhin ko ng 53% ang kanilang shares”
“Wow. That’s good news”
“Oo nga anak. Mabuting balita nga ito sa atin” dugtong naman niya. Pero napansin ni Jeff na mabigat ang mukha ng kanyang anak “Anak. Ayos ka lang?”
“Okay na yan si Sky, babe” sulpot naman ni Nathan sa usapan “Meron lang siyang maliit na problema sa kanilang dalawa ni Calvin, Pero okay na sila”
“Talaga?” at sumulyap siya sa anak “Ano ba ang naging problema ninyong dalawa?”
“Tungkol lang po sa pagseselos ni Calvin, Papa. Pero okay na ako. Meron lang kasi kaming hindi napagkaintindihan” paliwanag ni Sky sa ama “Salamat dahil andito si Daddy kanina, Papa”
“Really?”
“Yes Papa. Daddy made me realize na may kasalanan din ako sa away naming dalawa ni Calvin”
“Good to know that” sagot ni Jeff “Mabuti naman ay nakinig ka sa Daddy mo”
“Oo nga po Papa eh”
Ngumiti lang siya sa sinagot ng anak at tinignan niya ang relo sa kanyang telepono. “I need to go na” paalam niya sa dalawa “Sobrang late na talaga ako sa opisina” sabay halik niya sa dalawa.
“Sige po Papa. Mag-iingat po kayo”
“Ingat babe”
***
Samantala. Sa opisina ng Teng Prime Holdings
Maraming ginagawa at parang hindi maiistorbo si Mike sa kanyang mesa. Marami pa kasi siyang dapat tapusin at pipirmahan ng mga papeles sa kanyang pagbabalik mula sa kanilang bakasyon.
“Hey babe”
Napatingin si Mike sa taong pumasok at tumawag sa kanya. Hindi niya inaasahan na bibisita sa kanyang opisina si Anthony. Wala siyang nagawa kundi lumaki na lang ang kanyang mga mata sa pagpasok ng kanyang partner.
“Babe. Bakit ka nandito?”
“Wala lang naman. Naisip ko lang kasi na dumerecho na lang dito dahil malapit lang ang trabaho na inaplayan ko eh”
“Talaga..??” pero hindi niya pinansin si Anthony at dumerecho siya sa pintuan at sumilip siya sa labas para tignan kung may nakasunod na tao sa pagpasok ni Anthony.
Nakatingin naman sa kanya si Anthony habang nakakunot ang noo nito sa kanya “Okay ka lang babe?”
“Okay naman” sabay sara ng pinto “Tinignan ko lang kung may nakasunod sa’yo. Mahirap na”
“Wala babe” buntong-hininga niya kay Mike “At ano naman ngayon kung nandito ako?”
“Alam mo naman ang sagot sa tanong mo diba?”
“I know. Pero wala naman silang pakialam kung sino ang pumapasok o lumalabas sa opisina mo. Diba? Ikaw naman ang mangyari?”
“Pero ayaw ko lang ng tsismis babe eh”
Dahan-dahang lumakad si Anthony sa kanya. Nilagay ang dalawang braso sa mga balikat ni Mike at hinalikan ang ilong nito. “Diba sabi ko sa’yo, magrelaks ka lang? Everything will be fine naman kapag hindi mo ito pinoproblema”
“Sorry babe. Stress lang kasi ako eh. Parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kumpanya at sa buhay ko”
“Andito naman ako para tulungan ka eh” sabay halik nito sa labi ni Mike.
Sa kalagitnaan ng kanilang lambingan ay may biglang pumasok sa opisina. Nabitawan nila ang isa’t-isa at napatingin sa lalaking pumasok.Isang pamilyar na lalaki ang nakapasok at nakatingin din sa kanilang dalawa at tila nagtataka sa ginagawa nila.
“Stephen? Brad! Ikaw pala yan” sambit ni Mike sa lalaking pumasok “Kanina ka pa ba diyan?”
“Hindi naman Mike. Kakarating ko lang naman” at tumingin siya kay Anthony “Parang busy ka pa ata, brad. Lalabas muna ako”
“No. Hindi ka nakakaabala, brad. Sa katunayan ay aalis na nga ang kaibigan ko eh” sabay sulyap ni Anthony sa kanya na hindi sang-ayon sa sinabi ni Mike “Diba..? Aalis ka na?” nanlilisik na mata ni Mike sa kanya.
Wala namang nagawa si Anthony kundi sinunod na lang niya ang utos sa kanya ng kanyang partner. Kaagad siyang umalis at tuluyan nang lumabas ng opisina.
Samantala ay nakatayo pa rin si Stephen sa may bandang pintuan ng opisina. Malagkit ang mga tingin nito sa pinsan ni Sky na parang nagdududa na ito sa kilos ni Mike.
“You may sit down, brad” alok ni Mike sa kanya. Kaagad naman nagtungo si Stephen sa bakanteng upuan at doon umupo “Kamusta ka na brad? Long time, no see ah. Saan ka ba galing?”
“I’m okay, brad. Pumunta lang ako doon sa Amerika para doon maghanap ng trabaho” sagot niya kay Mike “Suwerte naman ay nakakita ako kaagad ng trabaho at doon na lang ako tumira ng mahabang panahon”
“Talaga? Hindi ko alam yan ah. Ilang taon ka dun?”
“Two years”
“Wow. So mayaman ka na ngayon kasi you’re earning dollars”
“Hindi naman. Sapat lang naman”
“So what brings you here? Bakit ka bumalik dito sa Pilipinas?”
Huminga muna ng malalim si Stephen bago niya sinagot ang tanong sa kanya “Well. Naisip ko na nakapag-ipon naman ako ng sapat na pera. So I decided na magresign na lang sa trabaho ko doon at balikan ang pamilya ko dito sa Pilipinas”
“What? Sayang naman ng opportunity na iniwan mo sa Amerika brad”
“I know. Pero mas importante sa akin ang Daddy ko at ang kapatid ko eh. Namimiss ko na sila”
“Kung sa bagay. Kung ako man ay ma-ho-homesick dahil halos dalawang taon kayo hindi nagkita” dugtong ni Mike “So napuntahan mo na ba sila?”
“Yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito brad eh” panimula ni Stephen sa totoong dahilan niya kung bakit siya sa opisina ni Mike “Hihingi sana ako sa’yo ng tulong”
“Tulong?” ulit ni Mike “Tulong para sa ano brad?”
Huminga ulit ng malalim si Stephen bago niya sabihin kay Mike ang pakiusap niya dito.
“Gusto ko sanang isorpresa si Daddy at ang kapatid ko na nandito na ako, brad. Kaso hindi ko alam kung papaano eh. Baka matulungan mo ako?”
“Ha? Bakit ako brad?”
“E wala naman akong iba pang kilala bukod sa’yo na pwedeng makatulong sa akin”
“Why don’t you ask my cousin? Si Sky?” biglang natahimik si Stephen sa mungkahi sa kanya ni Mike “Ay sorry brad. I forgot. Wala na pala kayo”
“No its okay, brad. Don’t apologize, wala ka naman kasalanan eh”
“Teka nga. Paano pala kayo nagkahiwalay ni Sky? Hindi ko kasi alam ang buong kuwento eh” tanong niya dito “Hindi kasi kwinento ni Sky ang buong rason eh”
“Wala naman. Meron lang kasing mga pagkakataon na akala mo na kayo na talaga para sa isa’t-isa pero dumadating sa buhay ninyo na naging busy na kayo sa mga personal ninyong buhay at hindi na ikaw ang priority niya”
“Wow. Hugot ah” dugtong ni Mike “So let me guess, sa sobrang busy ninyo sa isa’t-isa, na-fall-out of love na kayo sa isa’t-isa?”
“Oo na hindi”
“What do you mean, brad?”
“Six months na hindi kami nag-uusap o nagkikita man lang. Wala na talaga siyang time sa akin noon” kuwento niya kay Mike “Naisip ko na may iba na siyang minamahal and I decided to broke-up with her dahil hindi na talaga nag-wo-work ang relasyon namin”
“Pumayag siya?”
“Yun nga eh. Ayaw niya brad. Ilang beses siyang nagmakaawa sa akin na hindi ko siya iiwan. Pero hindi ako nakinig sa kanya at sa kanyang paliwanag na naging busy lang daw siya sa kanyang trabaho at hindi niya namalayan na may naghihintay pa sa kanyang nobyo”
“Wow. Ang sakit naman”
“Yun nga ang rason kung bakit ako nandito brad eh”
“So anong balak mo ngayon?”
“As I said, this is one of my reasons na bumalik ako dito sa Pilipinas. Babalikan ko siya at babaawi sa kanya sa mga pagkukulang at pagiging gago ko” panlulumo ng kanyang mga mata “Nagsisisi talaga ako na iniwan siya”
“Gusto mo siyang balikan?” at tumango naman si Stephen sa tanong sa kanya “I appreciate your regret and love for my cousin. Pero iba na ngayon brad eh”
“Bakit? Anong iba na?”
“May boyfriend na siya. Si Calvin”
“What?” at doon sumakit ang dibdib ni Stephen sa sinabi sa kanya. Parang tinusok ang kutsilyo ang puso nito. Hindi siya makapaniwala na may ipinalit na si Sky sa kanya.
“Sorry brad. Pero yan ang totoo”
“Hindi ko yan alam ah. May bago na siya?” ulit niya habang mahina ang tono ng boses “Ganyan lang pala ako kabilis na ipinagpalit sa iba?”
“Hindi mo naman siya masisisi brad” dugtong ni Mike “Iniwan mo siya sa ere eh”
“I know. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa pinsan mo. Pero andito na ako. Handa na ako ulit”
“Huwag mong sabihin yan sa akin, brad. Sa kanya mo sa sabihin yan” sagot naman ni Mike “At tsaka, may Calvin na siya. Wala ka nang magagawa but to face the consequences sa nagawa mo”
“Eh ano naman ngayon..? Hindi pa naman sila kasal ah? Mahal ko si Sky at may karapatan ako na kunin ang sa akin kahit sino pang lalaki ang kumuha sa kanya”
“Well brad. By all means. Sana maging matagumpay ang gusto at plano mo para sa pinsan ko. Andito lang ako para sa inyo”
“Sana nga brad. Mahal ko si Sky eh” ulit niya sa pinsan ni Sky. Bigla niyang ulit naalala ang tunay niyang pakay “So brad. Pwede mo ba akong matulungan?”
“I’m sorry brad. But I can’t” sagot niya sabay buntong-hininga “Why don’t you ask Tito Jeff? Alam mo naman na mag-asawa sila ng Daddy mo diba? Matutulungan ka niya for sure”
“Hmmm. Pwede. Pero bakit ayaw mo?”
“Gusto ko naman. Pero marami kasi akong ginagawa dito sa opisina brad eh” paliwanag niya dito “Alam mo naman na marami ding mga kumpanya ang hinahawakan ko. Minsan na nga lang ako nakapagrelaks eh. Sorry talaga brad”
“It’s okay brad. I understand” at doon na tumayo si Stephen para magpaalam kay Mike “So pano, brad. Alis na ako. Pupuntahan ko na si Tito Jeff”
“Sige. Mag-ingat ka. Salamat sa pagpunta dito”
“Thanks din. Salamat sa pag-inform mo sa akin ng katotohanan tungkol kay Sky”
“Anytime” ngiti nit okay Stephen
***
Dakong alas-tres ng hapon ay nasa sala si Sky at nanonood ng programa sa telebisyon. Maganda at naaaliw siya sa kanyang pinapanood nang may biglang tumunog ang buzzer ng gate.
Gusto niya sanang tignan kung sino iyon pero tinatamad siya tumayo dahil malungkot pa ito at mahina pa ang kanyang loob para kumilos.
“Manang!” tawag ni Sky sa kanilang katulong “Pakibuksan nga ang gate”
Magkalipas ang ilang saglit ay lumabas ang katulong upang tignan kung sino ang tao nasa labas.
“Ma’am Sky” panimula ng katulong habang pumapasok ng bahay “May bisita po kayo”
“Sino Manang?” tanong niya sa katulong. Donn nagpakita at pumasok ng bahay si Calvin. Isang malungkot na mukha at tila nagsisisi ito sa kanyang nagawa “Calvin? What are you doing here?”
“Please Tart. I am sorry” sabay luhod niya sa harapan ng nakaupong nobya “Hindi na mauulit”
“Ano ka ba..? Tumayo ka nga” alalay niya kay Calvin sa pagtayo. Umupo na lang siya sa tabi ng kanyang nobya sa sofa “You don’t need to do that”
“Eh kasi naman Tart eh. Galit na galit ka na sa akin”
“I know. Pero huwag mong gawin yan ulit” sambit ni Sky sa kanya “Huwag kang lumuhod, okay?”
“Sige Tart. Basta sorry ulit”
“And stop asking sorry, Tart” saway ni Sky sa kanya “Kasi may kasalanan din ako sa’yo. Sorry Tart. Sorry dahil kung naging insensitive ako sa’yo”
“Kahit na. Naging gago ako Tart. Sorry talaga Tart ha. Hindi na talaga mauulit”
“Pinapatawad na kita. Sana ako din. Sorry Tart”
“Talaga Tart? Pinapatawad mo na ako?” kaagad lumiwanag ang mukha ni Calvin sa sinabi ng kanyang nobya sa kanya. “Totoo ba yan, Tart? Hindi ka na galit sa akin?”
“Totoo Tart. Hindi na ako galit sa’yo”
Niyakap ng sobrang higpit ni Calvin si Sky at parang ayaw niya itong pakawalan “Salamat Tart. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kasaya”
“Ako rin Tart. Masaya na ako ngayon dahil okay na tayo”
“Hindi na tayo mag-aaway, Tart. Promise ko yan sa’yo. Hindi na talaga ako magseselos kapag may lalaking umaaligid sa’yo”
“Talaga?”
“Oo naman Tart” paniniguro ni Calvin kay Sky “Pangako ko yan sa’yo”
“Salamat naman kung ganon Tart”
“I love you, Tart” sabay halik ni Calvin sa noo ni Sky.
“I love you too”
Itutuloy…