TCG: Chapter 5 (Misunderstanding)

2469 Words
Nang pagdating ni Jeff sa rooftop ng gusali ay nadatnan niya si Nathan na nakaupo sa isang romantic na dining set-up. Matiyagang naghihintay sa asawa. Habang lumalakad si Jeff patungo sa hinanda ng asawa ay tinititigan niya si Nathan ng maigi dahil napagtanto niya na matanda na sila at marami na palang nangyari sa kanilang buhay pagkalipas ng ilang taon. Pero hindi pa rin nagbabago at nawawala ang pagmamahal niya sa dating Riley at ngayon ay si Nathan na kanyang asawa. “Tamang-tama, babe. Kakarating lang din ng pagkain natin” bati niya kay Jeff habang nakangiti “Let’s eat. Gutom na gutom na ako” Umupo na lang din siya sa bakanteng upuan at sinimulan na nilang kumain. “Kanina ka pa?” “Hindi naman” sagot ni Nathan “Siguro four hours na ako nandito. Ako pa kasi ang nag-set-up nito eh” “Talaga? Ikaw pa? E sana inutos mo na lang sa iba, babe” “No. Ayaw ko” tanggi niya kay Jeff “Gusto ko na ako mismo ang gagawa nito para sa’yo” “E parang pagod ka na” pag-aalala ni Jeff sa kanya “Sorry ha. Hindi ko alam eh. Sana pinaaga ko lang ang pagtapos ng mga gawain ko” “No. It’s okay babe. Walang problema sa akin” paniniguro ni Nathan “I am always here naman for you. Patiently waiting” “Sweet naman” sabay pamumula ng pisngi ni Jeff “Hindi nga, what’s the set-up all about? May okasyon ba? Birthday?” “Wala naman. Gusto ko lang naman maging romantic” paliwanag niya kay Jeff “Naisip ko lang na gagabihin ka sa pag-uwi. So, dinala ko na lang ang dinner sa’yo. On your rooftop” “That’s so sweet babe. Salamat sa pagiging thoughtful” “Oo naman. Hinding-hindi ako magbabago kahit matanda na tayo” “Matanda talaga babe? Hindi naman tayo matanda ah” tanggol ni Jeff ng kanyang sarili na may halong biro “Nasa early 30’s pa lang kaya tayo” “Oo nga. I know. Pero we’re not getting younger. Hindi mo mamamalayan na maya-maya ay magkakaanak na si Sky at meron ka nang apo” “Hay naku babe. Malayo pa yan. Ayaw ko munang tatawagin na lolo” ngiti ni Jeff sa kanya “Tapos ayaw ko munang magkakalubot ang balat ko” “Heeey. Listen” sabay abot ni Nathan ng kanyang kamay “Kahit naman matanda na tayo at magkakakulubot na ang mga balat natin, mamahalin pa rin naman kita” “I know babe” sabay ngiti niya tila na-touch sa sinabi ng kanyang minamahal “I love you too. Hindi ka talaga nagbabago sa akin” “Of course. Kasi mahal kita. Ganon lang kasimple” Ngumiti na lang muli si Jeff bilang sagot sa sinabi ni Nathan sa kanya. Pagkatapos nila kumain ay kaagad silang umalis at umuwi na sa kanilang bahay. *** Dakong alas-diyes na ng gabi ay kakauwi lang nina Mike at Anthony sa kanilang bahay. Halatang pagod ang dalawa sa kanilang biyahe galing resort. Kaagad umupo si Anthony sa sofa at parang wala itong sa mood. Napansin naman ni Mike na parang hindi siya kinikibo ng isa at tinabihan niya na lang ito. “Babe. Okay ka lang?” “Okay lang ako” buntong-hininga ni Anthony “Sigurado ka? Parang hindi eh” sabay akbay ni Mike sa kanya. “Oo nga. Okay lang ako..” matigas na sagot ng isa. “Galit ka na eh. Tungkol pa rin ba ‘to kanina?” “Please lang. Huwag ngayon” “Ano ba yan babe? Hindi kita maiintindihan eh. Kausapin mo naman ako” “Tsk. Ano pa ba ang gusto mo? Kinakausap naman kita ngayon ah!” sagot ni Anthony na naiirita na sa kanya “Kung ako sa’yo, tumahimik ka na lang. Mainit ngayon ang ulo ko” Hindi na lang sumagot si Mike sa kanya at niyakap niya lang ito ng mahigpit “Sorry na babe. Alam ko naman na sumama ang loob mo dahil umalis tayo agad sa resort eh” “Hindi naman yon ang rason kung bakit sumama ang loob ko sa’yo eh” panimula ni Anthony sa kanyang pagpapaliwanag “E ano..? Sabihin mo sa akin para malaman ko. Para hindi tayo nagkakaganito” “Simple lang naman babe eh. Ang kinaiinisan ko lang naman sa’yo ay ang pagiging praning mo. Sa sobrang paglilihim sa totoo mong pagkatao ay parang lahat ng tingin nila ay nasa sa’yo” at hinawakan ni Anthony ang braso niya na nakapulupot sa kanyang katawan “Babe, huwag kang ganyan. Hindi na maganda ang kinikilos mong yan. Baka iyan pa ang rason na mabisto ka. Kung ako sa’yo, magrelaks ka lang” “Ang hirap kasi babe eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nasa paligid na sina Tito at pinsan ko” paliwanag niya kay Anthony “Parang nanginginig ako sa takot baka ano ang sasabihin nila tungkol sa akin” “Hay naku babe. Nasa utak mo lang yan” sabay tingin niya sa mga mata ng mahal “Magtiwala ka lang sa akin. Just act normal, okay?” “Sige” sagot niya na napipilitan lang “Susubukan ko babe. Basta sorry ulit ha?” “It’s okay babe. Naiintindihan naman kita eh” “Salamat babe. Thank you for understanding” sabay halik sa labi “I love you so much” “I love you too, babe. Don’t worry, hinding-hindi ako magsasawa na intindihin kita parati. Ganyan kita kamahal” Hindi sumagot si Mike at niyakap na lang ulit nang sobrang higpit ang kanyang partner at ang mahal niya na si Anthony. Kinaumagahan. Nagmamadaling nag-eempake at nagliligpit ng gamit si Sky. Gusto niya nang umuwi kahit ilang araw pa ang dapat nilang ipanatili sa resort. Naisip niya na kailangan nila munang magpalamig dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ni Calvin. Habang inaayos niya ang kanyang gamit ay hindi niya namalayan na pumasok pala ang kanyang nobyo sa kwarto at nakita niya nga ang ginagawa nito. “Tart, What are you doing..? Bakit ka nagliligpit ng mga gamit mo?” “Uuwi na ako…” “Ha? Bakit? Akala ko may ilang araw pa tayo dito?” “Akala ko rin. Pero nagdesisyon na ako na umuwi ngayon” sabay bitbit ni Sky ng kanyang dalawang maleta at lumakad palabas ng kanilang silid. Pero hinawakan siya ni Calvin sa kamya upang pigilan ito sa kanyang pag-alis “Tart naman. Huwag naman ganito. Let’s talk” “Talk..? E kahit anong paliwanag ko, hindi ka pa rin nakikinig eh” sabat niya kay Calvin “Mas pinaniniwalaan mo lang naman ang mga maling kutob mo” “Tart. Please” “Bitawan mo ako. Parang awa mo na” tingin niya sa kanyang braso na hawak-hawak ni Calvin “I need space. Gusto ko munang mapag-isa at panahon para makapag-isip” “Anong klaseng panahon? E andito nga tayo sa resort para makapag-relaks diba? Tart. Huwag ka namang umalis. Diba magpaplano pa tayo para sa future natin..?” “Akala ko nga. Pero pinangungunahan mo nang selos at kapraningan mo na wala naman sa lugar” patuloy pa rin ang tangkang paglabas ni Sky pero hinarangan na siya ni Calvin sa pintuan “Umalis ka sa harap ko” “Ayaw ko. Gusto ko mag-usap tayo” “No! I said. Umalis ka sa daan ko” natahimik na lang si Calvin at binigyan niya ng daan si Sky. Dere-derecho ang paglakad ni Sky. habang bitbit ang dalawang malaking maleta na punong-puno ng gamit niya. *** Samantala. Alas-diyes na ng umaga nang nagising si Jeff dahil napasarap ang tulog nito dahil napagod ito kahapon sa trabaho. “Good morning, babe” bati niya kay Nathan habang papunta siya sa direksyon nito habang sa hapagkainan ang kanyang asawa. “Good morning” sabay halik niya sa labi ni Jeff “Parang napasarap ang tulog mo babe ah” “Oo babe. Napagod ako kahapon eh” sagot niya dito “Maraming trabaho kasi ang tinapos ko” “Kaya pala. Ayos lang yan, babe. Ang importante ay nakapagpahinga ka ng maayos” “Oo nga. Nabawi ko nga ang lakas ko kagabi” dugtong ni Jeff “Teka. Nakakain ka na?” “Yup. Ito. Tapos na ako. Kumain ka na din, babe” “Parang huwag na siguro” sagot niya “Magbibihis na lang ako dahil late na ako sa opisina” “Sigurado ka na hindi ka kakain? Kailangan mo ng lakas babe” “Doon na lang ako kakain sa office babe” sabay himas niya sa pisngi ni Nathan “Sige na. Akyat na ako” “Okay babe. Kung iyan ang gusto mo” Umakyat si Jeff muli pabalik sa kanyang silid upang maligo at magbihis na. Nagdesisyon na lang siya na hindi kumain dahil masyado na siya huli para sa kanyang trabaho sa opisina. Samantala si Nathan naman ay nakaupo pa rin sa hapagkaina at may ginagawa na sa kanyang laptop. Napatingin siya sa main door dahil bumukas ito at nagulat siya sa kanyang nakitang tao na pumasok. “Sky. Anak” tawag ni Nathan sa kanya. Tumingin naman sa kanya ito at kaagad nagtungo sa direksyon niya. “Po..?” tanging sagot ni Sky. “Okay ka lang?” tanong nito kay Sky. Napansin niya kasi na namamaga ang mga mata nito at parang nanggaling sa iyak “Umiiyak ka ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?” “Hindi po Dad. Napuwing lang ako” “Naku anak. Hindi mo ako maloloko” “Totoo nga Dad. Napuwing lang kasi ako” Tinignan ni Nathan ng mabuti si Sky na parang hindi naniniwala sa rason nito. “Alam mo, sa tuwing umiiyak ang Papa mo, ang tanging rason niya sa akin noon ay ‘napuwing’ lang siya. Kahit kitang-kita ko sa mga mata niya na namamaga ng husto ang mga mata niya” “What do you mean, Dad?” “Ang ibig kong sabihin, parehong-pareho kayo ng Papa mo dahil kuhang-kuha mo ang mga galaw at kilos niya at mga dahilan niya” “Dad naman” “O diba? Tama ako?” pero hindi sumagot si Sky dahil tama nga si Nathan sa sinabi niya “Hindi mo maitatago sa akin yan, anak” Kaagad na yumuko si Sky dahil wala na siyang magagawa kundi aminin na lang sa kanyang Daddy ang katotohanan. “Opo Dad. Tama po kayo” “Ayon…” ngiti niya sa kanyang anak “Umamin din. So ano ba ang problema mo Sky? May problema ba kayo ni Calvin?” “Oo Dad eh” “Ganon ba?” dugtong ni Nathan “Sige anak. Umupo ka sa tabi ko. Pag-usapan natin yan ang problema mo” “Sigurado po ba kayo?” “Oo naman. Bakit hindi?” “Kasi parang na-o-awkward pa din ako kapag sinasabi o kinikuwento ko sa’yo ang tungkol sa amin ni Calvin eh” “Naku. Huwag ka nang ma-awkward. Naiintindihan naman kita anak” paniniguro sa kanya ni Nathan “Sige na Sky. Magkuwento ka na. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema ninyong dalawa” Napahinga ng malalim si Sky para umpisahan niya na ang pakukuwento tungkol kay Calvin at ang pagseselos nito. “Si Calvin po kasi Dad. Nagselos siya” “Nagselos? Paano?” “Kasi po… nagkita kami ni Mike sa resort” panimula ni Sky “Si Mike na pinsan mo..?” “Opo. Siya nga po. Alam mo naman po na matagal ko na hindi nakausap at nakita ang pinsan ko. Tapos, nakita niya kami na nag-uusap sa labas. Tapos nagalit siya at kung anu-ano na ang pinagsasabi niyang masasakit sa akin” “E teka. Bakit andoon si Mike sa resort?” “Doon po kasi ang honeymoon niya ng asawa niya” “Wow. May asawa na siya? Hindi natin alam yun ah” “Oo nga po Dad. Yung nga po ang dahilan kung bakit kami natagalan na mag-usap sa labas” dugtong ni Sky “We’re catching-up sa mga panahon na hindi kami nagkita” “Well. Hindi naman natin masisisi si Calvin kung bakit siya nagselos” “Ha? Paano niyo naman nasabi iyon?” “E kasi hindi mo naman sinabi o pinaalam sa kanya na pinsan mo ang kausap mo” “Sinabihan ko na siya po. Sinabi ko sa kanya na pinsan ko ang kausap ko” “E anong sabi niya?” “Huminahon naman siya kaagad at humingi ng tawad sa mga nasabi niyo” “Oh. Yun naman pala eh. Nagsorry naman siya. Okay naman kayo. So bakit umuwi ka ng maaga?” “Nag-away pa kami ulit kagabi Dad eh. Inulit niya ang away namin nung umaga” kuwento niya kay Nathan “Tapos sinabi niya sa akin ang tunay na rason kung bakit siya nagseselos” “Rason? Ano naman yun?” “Nagseselos siya dahil narinig niya kami na nagkukuwentuhan tungkol kay Stephen” “Ohhh. Okay” “Hindi kasi alam ni Mike na wala na kami ni Stephen, Dad. Kaya na-mention niya ito sa akin” “Kaya pala nagkaganon si Calvin” buntong-hininga ni Nathan “Well anak. May kasalanan ka din naman kung bakit ganyan siya nag-react. At meron din naman siya kasalanan” “You think so, Dad? May kasalanan din ako?” “Oo naman. Meron talaga” sagot ni Nathan “At siya naman ay kaagad din naman nag-conclude at hindi niya naman tinanong muna sa’yo. Pero natural lang siguro sa kanya na magreact dahil siya ang boyfriend mo ngayon” Natahimik at napaisip ng malalim si Sky sa sinabi sa kanya ni Nathan. Marahil ay tama nga ito na may kasalanan din siya kung bakit ganon lang mag-react si Calvin. “So ano ang gagawin ko, Dad?” “Tinatanong pa ba yan? Siyempre, mag-sorry ka sa kanya” payo nito kay Sky “Aminin mo sa kanya na may kasalanan ka din at hindi mo sinasadya” “Okay po, Dad. Susundin kp po ang payo ninyo sa akin” “Mabuti naman kung ganon, anak. Huwag ninyong hayaan na masisira ang relasyon ninyo sa simplenng awayan lang” payo ni Nathan sa anak “Pag-usapan ninyo iyan ng maayos” “Salamat po talaga, Daddy. Salamat sa payo ninyo sa akin” “Walang anuman, anak” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD