Parang hindi makapagsalita si Mike dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin at isasagot sa pakiusap sa kanya ng kanyang pinsan na si Sky.
“Cous..? Are you okay?” sambit ni Sky sa kanya “Parang natulala ka ata ah. Hindi mo na nasagot ang tanong ko”
“Sorry cous. May iniisip lang kasi ako” palusot niya “Ano nga ba ulit yon?”
“Ang sabi ko, saan na ngayon ang asawa mo. Gusto ko siya kasing makita at makilala eh”
“E tulog pa siya kasi cous” palusot niya muli “Mamaya na lang kapag gising na siya”
“Ahh ganon ba? Sige cous. Mamaya na lang” dugtong ni Sky
Ngumiti na lang siya sa pinsan “Pasensiya na ha. Napagod ko siya kagabi eh. Alam mo naman na bagong kasal kami kaya inubos ko kagabi ang lakas niya”
“Yuck cous”
“Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko?”
“Nakakadiri kaya ng sinabi mo. Sa akin mo pa talaga sinasabi ang mga ganyang bagay ha”
“Sorry cous. Pero totoo naman eh. At wala naman masama dahil asawa ko siya” sabay ngiti ni Mike sa pinsan “Oo nga pala, bakit ka nandito?”
“Diba sabi ko sa’yo, nagbabakasyon din kami dito. Kasama ko boyfriend ko”
“Wow. Honeymoon din?”
“Sira. Hindi noh. Nagbabakasyon lang kami dahil sa sobrang pagod at stress sa trabaho” paliwanag niya “Iniwan ko nga lang ang trabaho ko doon eh para lang makatakas sa pagod kahit konti lang”
“Kung sa bagay. Hindi naman kita masisisi. Pareho tayo eh. Sobrang busy na. Maraming mga kumpanya ang mga hinahawakan natin” sang-ayon ni Mike “Kailangan mo pang sadya-in na magbakasyon”
“Hay naku. Sinabi mo pa” buntong-hininga ni Sky
“Mabuti naman ay nakagawa kayo ng paraan ni Stephen na tumakas sa stress kahit sandali lang”
“Ahhmm” at biglang umiba ang mukha ni Sky sa sinabi ng pinsan sa kanya “Cous, hindi na kasi si Stephen ang boyfriend ko eh, diba? Sinabi ko sa’yo noon”
“Ay sorry. Nakalimutan ko” dugtong ni Mike “Nasanay kasi ako na si Stephen ang kasama mo parati. Teka, ano ba kasi ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay?”
“Basta. Mahabang kuwento” ngiti ni Sky na may halong pait ang mukha “Meron din kasi akong kasalanan kaya nagkahiwalay kami. Hindi naman siya lahat ang dapat sisihin sa nangyari”
“Sayang naman” hinga ng malalim ni Mike “Akala ko nga na kayo na talaga ang magkakatuluyan eh”
“Akala ko nga din eh”
“Okay na yan. May bagong boyfriend ka naman, cous”
“Tart. Sino siya..??”
Napalingon silang dalawa sa taong biglang nagsalita sa kanilang likuran “Tart” dugtong ni Sky “Siya si Mike. Pinsan ko. Cous, si Calvin. My boyfriend”
“Hi Pre. Nice meeting you” sabay alok ni Mike ng kanyang kamay para mapagkamay sa nobyo ng pinsan pero tinignan lang ito ni Calvin.
“Pumasok na tayo sa kwarto” saway niya kay Sky “Kailangan pa natin ayusin ang mga gamit natin. Hindi sa nakikipaglandian ka dito sa labas”
Sinunod naman ni Sky ang inutos sa kanya ni Calvin. Tinignan niya na lang ang pinsan niya bilang pagpaalam sa kanya dahil hinihila na siya ng nobyo.
Nang pagpasok nilang dalawa sa silid ay itinapon ni Calvin ang braso ni Sky. Muntikan na siyang matumba dahil sa ginawa nito. Buti na lang ay nakakuha ulit si Sky ng balanse at nakatayo muli ng maayos.
“Ano ba?!” sigaw ni Sky sa kanya “Nasasaktan ako. Bakit ka ba nagkakaganyan…?”
“Sino yon ha? Sino ang lalaking yon?!”
“Si Michael nga. Pinsan ko”
“Talaga?” pangdududa ni Calvin na parang hindi naniniwala sa sinagot ng nobya “Kung pinsan mo nga siya, bakit ngayon ko lang siya nakita?? Yung totoo Sky. Lalaki mo yon noh?!”
“Ano ba ang pinagsasabi mo? Pinsan ko nga iyon” ulit ni Sky sa kanya “Ngayon lang kami ulit nagkita after so many years dahil busy din siya sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo. Ngayon ko lang din nalaman na may asawa na pala siya at dito sa resort ang honeymoon nila”
“May asawa siya..? At kasama niya?”
“Oo nga. Magkasama sila ngayon dito”
Biglang natahimik at napagtanto ni Calvin na mali pala ang akala niya sa lalaking nakita at kasama ni Sky. Kaagad niyang linapitan ang nobya at inayos niya ang buhok nito. “I’m sorry. Hindi ko alam na pinsan mo yon” sambit niya kay Sky “Sorry talaga, Tart”
“Sa susunod, alamin mo muna ang buong kuwento bago ka mag-react at tumalon sa konklusyon dahil nakakahiya. Binastos mo pa ang pinsan ko”
“Okay okay. Sorry na” sabay niyang niyakap ang nobya ng mahigpit “Hindi na mauulit, Tart. Sorry”
Hindi na lang sumagot si Sky at pinatawad na lang si Calvin sa kanyang mga nasabi. Niyakap niya din ito ng mahigpit bilang wala pagpapatawad niya.
Samantala.
Kakapasok lang ni Mike sa kanilang silid na parang balisa at parang namumutla ang kanyang mga labi.
Nakita naman ito ng kanyang partner na si Anthony na nakaupo sa kama at kaagad niya itong tinanong. “Babe. Are you okay? Namumutla ka” hindi sumagot si Mike at nagtungo ito sa kama at umupo “Huy.. Okay ka lang?”
“Ahmm. Yes Babe. Okay lang ako”
“Talaga? E bakit parang nakakita ka ng multo? Ano ba talaga ang nangyari sa labas..?”
“Babe..” kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Anthony “Andito siya”
“Ha? Sino siya?”
Biglang bumalik si Mike sa kanyang pwesto at binitawan ang kamay ni Anthony. Nakatitig siya sa dingding na parang blanko ang mukha na parang may iniisip “Hindi. Hindi niya dapat malaman ang totoo. Kinakabahan ako, Babe. Baka ano ang maiisip nila kapag nakita niya tayo na magkasama”
“Babe. What are you talking about? Sino ba ang tinutukoy mong tao? Hindi kita maiintindihan”
“Ang pinsan ko. Nandito sila ng nobyo niya” sagot niya kay Anthony “Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit sila nandito. Baka binabantayan nila ako”
“Babe. Napapraning ka lang. Hindi ka naman siguro ang rason kung bakit sila andito” sambit niya kay Mike “At baka nagkataon lang na parehong lugar ang pinuntahan natin”
“Baka nga. Pero kailangan lang natin mag-ingat, Babe”
“Mag-ingat? In what way?”
“Huwag muna tayong lumabas na magkasama or pwede rin na umalis na agad tayo dito”
“Are you serious?” sambit sa kanya ni Anthony na parang hindi makapaniwala sa sagot ni Mike “Titigil ang buhay natin dahil lang sa pinsan mo? No! Andito tayo para makapag-relaks ka tapos ito lang pala ang mangyayari..??”
“Babe. Intindihin mo naman ako” pagmamakaawa niya kay Anthony “Ayaw ko lang na malaman nila ang totoong pagkatao ko”
“I know. Pero sobra na ang pagka-praning mo” sambit niya “Pwede ka namang magdahilan eh. Na magkaibigan lang tayo. Magbarkada”
“Hindi nga pwede eh” pagdidiin ni Mike sa kanya “Kasi sinabi ko na kasama ko ang asawa ko” nagpabuntong-hininga na lamang si Anthony sa rason na ibinigay sa kanya ng kanyang partner. Natahimik lamang siyang dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kaagad naman hinawakan ni Mike ang mga kamay niya at tinignan ito sa mga mata “Babe. Please. Umalis na tayo dito. Para sa akin”
“Sige. Wala naman tayong magagawa kundi sundin ang gusto mo eh” sabay liwanag ng mukha ni Mike “Aalis na tayo dito ngayon”
“Salamat Babe. Salamat sa pag-intindi” yakap niya sa kanyang mahal “Pangako ko sa’yo na babawi ako”
“Sige na” kuha niya sa mga kamay ni Mike sa kanyang katawan “Mag-ligpit na tayo ng mga gamit natin dahil uuwi na tayo mamayang hapon”
***
Alas-nwebe ng gabi nang magdesisyon si Jeff na magligpit na ng kanyang gamit at para makauwi na siya. Nang pagkalabas niya ng opisina ay nakita niya ang kanyang assistant na nagliligpit din ng mga gamit at naghahanda na umuwi na rin.
“Ahmmm. Gwen”
“Yes Sir?”
“May notes ka ba na isinulat kanina sa meeting natin ng The Deluxe Suites?”
“Opo Sir. Kumpleto po”
“Good” sagot niya “Well. I need you to make a contract tungkol sa deal namin kanina. Pagkatapos, call Atty. Villanueva para ma-legalize ang lahat”
“Yes po. Masusunod po” at hindi umalis ang tingin ng kanyang assistant sa kanya na parang may sasabihin pa ito “Sir Jeff..”
“Yes Gwen? May sasabihin ka?”
“Andito pala si Sir Nathan”
“Talaga? Saan siya?”
“Andoon po siya sa rooftop. Hinihintay ka niya”
“Rooftop..?” ulit ni Jeff “Ano naman ang ginagawa niya sa rooftop?”
“Ewan ko po. Pero ang sabi niya sa akin kanina na umakyat ka na lang daw at doon lang siya at hinihintay ka niya sa taas”
“Sige-sige” buntong-hininga ni Jeff “Aakyat na ako. E ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?”
“Uuwi na po ako, Sir”
“Okay. Mag-ingat ka Gwen. Kami na lang ang bahala dito ng Sir Nathan mo mamaya”
Nagmamadaling sumakay sa elevator si Jeff at umakyat sa top floor para pumunta sa rooftop ng kanilang gusali.
***
Sa kalagitnaan ng malamig na gabi, nakatayo si Sky sa dalampasigan at dinadama ang lamig at alat ng hangin mula sa dagat. Isang presko at nakakarelaks na gabi ang dinadama niya habang nakatingin sa mga bituin sa langit.
Naisip niya na parang ayaw niya nang umuwi sa siyudad at dito na lang siya manirahan dahil sa sobrang kalmado ng kanyang paligid.
“Hey…” sambit ni Calvin at kakarating lang. Niyakap niya agad si Sky mula sa likuran. “Galit ka pa rin ba sa akin?”
“Hindi na Tart. Hindi na ako galit”
“Talaga?” sabay halik ni Calvin likod ng leeg ni Sky
“Oo Tart. Hindi na”
Hinigpitan pa lalo ni Calvin ang pagyakap sa kanyang nobya “Let’s sleep na, Tart. Antok na kasi ako eh” sambit niya kay Sky na may lambing ang tono ng boses.
“Mauna ka lang muna Tart. Hindi pa ako dinadalaw ng antok”
“Ganon? Edi sasamahan na lang kita dito”
“Bakit? Matulog ka na Tart” utos niya “Akala ko ba ay inaantok ka na..?”
“Mamaya na nga”
“Tart…”
“What?”
“Matulog ka na” utos muli ni Sky na parang matigas ang tono ng boses “Please”
“Ayaw ko nga, okay? Bakit mo ba ako pinipilit na matulog..?”
“Kasi inaantok ka na nga, diba?”
Biglang umiba ulit ang mukha ni Calvin dahil hindi niya nagustuhan ang rason sa kanya ni Sky “Magsabi ka nga ng totoo. May hinintay ka ba dito?” tanong niya sa nobya “Sino ba yan? Nobyo mo noh?!”
“Oh my god….” buntong-hininga ni Sky “Seriously? Paulit-ulit na naman tayo? Nakakainis ka na ha”
“Naiinis ka dahil totoo. Sino yan?! Magsabi ka nga ng totoo sa akin?!”
“Wala akong ibang lalaki, okay? Wala!”
“Sinunggaling! Alam ko na may iba ka” pagdidiin pa ni Calvin sa kanya “Magsabi ka na lang ng totoo, malandi ka”
Sinampal ng walang sabi-sabi ni Sky si Calvin dahil nasaktan ito sa pang-iinsulto nito sa kanya “How dare you call me ‘malandi’? Ano ba ang nangyayari sa’yo ngayon? Bakit ka nagka-ganyan? Ano ba ang ginawa ko sa’yo..?”
“Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito..?”
“Oo. Gusto kong malaman para maiintindihan kita kasi hindi na kita kilala dahil sa mga pang-iinsulto mo sa akin”
“Okay. Sige. Sasabihin ko sa’yo kung bakit ako nagkaganito ngayon” panimula ni Calvin “Narinig ko kayong dalawa ng pinsan mo. Nagkukuwentuhan kayo tungkol sa ex mo na si Stephen na parang nanghihinayang kayo sa kanya. Yung totoo Sky, mahal mo pa ba siya?”
“Ano bang klaseng tanong yan..?!”
“Sagutin mo na lang. Parang awa mo na”
“Ikaw ang mahal ko, okay? Huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa’yo”
“Just answer my damn question!!” sigaw niya kay Sky “Do you still love him..?? Yes or No?!!”
“Of coure not!” sigaw din ni Sky sa kanya “Ikaw ang mahal ko, Tart. Bakit ka ba ganyan?”
“Kasi iba ang nararamadaman ko. Iba ang nakikita ko sa mukha mo, sa mga mata mo, sa mga bibig na lumalabas na mga salita”
“Can you please. Stop it..??!” sigaw ulit ni Sky na parang naiinis na sa pagiging seloso mi Calvin “Ano man ang narinig mo kanina ay wala lang yon” sabay singhap ni Calvin na parang hindi naniniwala sa paliwanag sa kanya ng nobya “Pwede ba, makinig ka… we’re just talking about my ex kasi hindi niya alam na wala na kami”
“E bakit hindi niya alam? Akala ko ba ay mag-pinsan kayo?”
“Kasi nga… matagal na kami hindi nagkita at nagkausap diba..?” paliwanag niya kay Calvin “Kaya hindi niya alam ang tungkol sa atin”
Biglang natahimik at nahimasmasan si Calvin sa kanyang mga sinabi. Napaisip siya na mali na naman ang kanyang akala. Kaagad niyang niyakap si Sky na parang nagsisisi sa kanyang nasabi sa nobya. “I’m sorry. Hindi ko alam. Akala ko kasi may tinatago ka sa akin eh”
“What?!” sabay alis niya sa mga braso ni Calvin “Anong tinatago ang pinagsasabi mo? Wala akong tinatago”
“I know, Tart. That’s why humihingi ako sa’yo ng tawad” habang nilalapitan niya si Sky pero patuloy pa rin ang pag-iwas niya kay Calvin “Tart. Sorry. Hindi na mauulit”
“You know what. Let’s call it a night. Kailangan na nating magpahinga, lalung-lalo ka na.” sambit ni Sky sa kanya “Dahil kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo”
“Tart please”
Hindi na lang niya pinansin ang nobyo at lumakad na lang palayo papunta sa kanilang silid. Nagdesisyon na lang siya na matulog na lang dahil sinira na ni Calvin ang kanyang gabi.
Samantala si Calvin naman ay nakatayo pa rin sa may dalampasiganat parang nagsisisi sa kanyang ginawa at nasabi. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang nobya pagkatapos ng kanyang ginawa at mga nasabi.
Itutuloy…