TCG: Chapter 3 (Business Deal)

2679 Words
Kinabukasan. Masayang bumababa ng hagdan si Sky habang tinitignan niya ang kanyang telepono. May binabasa siya kasi na text mula kay Calvin at tila kinikilig ito. Nang pagdating niya sa kusina ay nandoon ang kanyang ama na si Jeff at ang asawa nito na si Nathan. “Good morning Papa. Good morning Daddy” bati ni Sky sa dalawa habang bineso nito ang dalawa. “Wow. Whats with the abot-tengang-smile” pansin ni Jeff sa anak “Si Calvin ba ang rason yan?” “Papa naman eh” sabay pumumula ng pisngi ni Sky “Oh bakit? Masama bang banggitin ang pangalan niya?” “Hindi naman po. Naninibago lang kasi ako ngayon dahil kilala niyo na si Calvin” “Pero ako, hindi ko pa nakikita at nakilala ang boyfriend mo” dugtong naman ni Nathan. “Oo nga pala, Dad. Sorry. Hindi ko pala sinabi sa’yo na pupunta si Calvin kahapon” “Okay lang yan, anak. Busy din ako kahapon eh” sagot niya dito “At kwinento naman ng Papa mo ang tungkol sa kanya kagabi. So…” “So…?” dugtong ni Sky na hinihintay ang sasabihin nit okay Calvin “… I like him. Base sa kwinento ng Papa mo” “Okay lang po ba sa inyo na may boyfriend na ako?” “Oo naman. Bakit naman hindi?” “Kasi…” “Kasi anak ko ang ex mo..?” tumango na lang si Sky bilang sagot “Anak. Matagal naman ang hiwalayan ninyo ni Stephen eh. Kaya okay naman sa akin na makahanap ka ng bagong mapapatibok sa puso mo” sambit ni Nathan sa kanya “As long na masaya ka, masaya na rin ako para sa’yo” paniniguro niya kay Sky “Hindi ko nga rin alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalayan ninyong dalawa noon eh. Pero it doesn’t matter, ang importante ay masaya na kayong dalawa sa mga buhay ninyo” “Thank you for understanding, Dad” sagot ni Sky. “Oo naman. Mahal kita eh” “Oo nga pala, Sky” sabat naman ni Jeff sa kanya habang nagluluto siya sa ng agahan “Pupunta ka ba sa office ngayon?” “Hindi po Papa eh. May pupuntahan kasi kami ni Calvin ngayon” “Ahh. Kaya pala bihis na bihis ka ngayon” pansin ni Jeff sa anak “Saan ba kayo pupunta ‘nak?” “Sa beach po Papa. Matagal na tong plano namin at ngayon lang naka-time eh” paliwanag ni Sky “Kaya ikaw na lang po sana muna ang papasok, Papa. Kung okay lang sa’yo” “Okay lang sa akin anak. Kailangan mo naman ng pahinga kahit ilang araw lang. You deserve some rest. Ako muna ang bahala sa DGC” “Thanks Papa” Nagulat silang tatlo nang biglang tumunog ang telepono sa kusina. Kaagad naman itong pinuntahan ni Jeff at sinagot ito. Magkalipas ang ilang saglit ay binaba niya ito at parang masaya sa naging kausap niya sa kabilang linya. “Sino yon, babe?” “Si Gwen. Ang assistant ko” sagot ni Jeff “Bakit? Anong sabi?” “Tumawag daw ang opisina ng Deluxe Suites Hotel. They’re arranging a meeting sa atin” Tila nagulat sina Sky at Nathan sa binalita sa kanila ni Jeff. May gustong kumausap ng isang kumpanya sa kanila. Hindi naman nila alam kung ano ang dahilan sa kanilang pagtawag. “Meeting?” ulit ni Sky “Ano naman ang dahilan na pagtawag nila?” “Hindi ko rin alam, anak” sagot ni Jeff sa anak “Pero malakas ang kutob ko na hihingi sila ng tulong sa atin” “Tulong as in ‘investment’?” panghuhula naman ni Nathan “Siguro. Pero hindi pa ako dun sigurado” “Baka nga investment nga yon, Papa” dugtong naman ni Sky sa usapan ng dalawa “Hindi naman sila mag-re-request ng urgent meeting kung hindi yan ang rason diba?” “Kung sa bagay. Tama ka, anak” sagot ni Jeff “Teka Babe. Anong oras ba ang meeting ninyo?” “Hindi naman nila sinabi pero ang sabi ko sa assistant ko na mga after lunch na lang” “Well. Ako na ang mag-aattend ng meeting, Papa” “No Sky. Ako na lang” tanggi ni Jeff sa alok ng anak “May lakad kayo ni Calvin diba?” “Opo. Pero it’s my obligation bilang may-ari na mag-attend sa ganyang meeting” “Huwag na. Ako na lang. Kaya ko naman, anak. Kailangan mo naman ring magpahinga” “Okay Papa. Salamat sa pag-intindi” Pagkatapos ng kanilang usapan na tatlo ay dumating na ang sundo ni Sky at kaagad silang umalis na dalawa ni Calvin. Habang si Jeff naman ay naghanda na rin para sa kanyang meeting mamayang hapon. *** Alas-dose-y-medya na nang tanghali nang makarating si Jeff sa gusali ng DGC. Kaagad siyang dumrecho sa conference room at pagpasok niya doon ay naghihintay na ang mga taong gustong kumausap sa kanya. Tumayo silang tatlo bilang pagrespeto sa kanya at kaagad na nilang inumpisahan ang presentation tungkol sa kanilang kumpanya. Halos kalahating oras nang matapos ang presentation ng The Deluxe Suites Hotel. Nakatayo pa rin ang tatlo at hinihintay nila ang sasabihin at reaksyon ni Jeff tungkol dito. “So you offered me 30% of your company in exhange of P4.5 Billion?” “That’s right, Sir” sagot ni George na may-ari ng kumpanya. “Ano naman ang gagawin ninyo sa pera ko kung sakali na pumayag ako?” “The majority of that money will go to the renovations of the hotel, upgrading our facilities especially the rooms and function rooms, Sir” “Okay..” sagot ni Jeff habang inaaral niya ang naging history ng hotel “Based on your presentation, bumaba ang sales ninyo. Bakit naman nangyari iyon?” “Kasi marami na kaming kakompitensiya na mas bago at latest ang kanilang mga gamit” “So let me guess. Hindi ninyo kayang i-upgrade ang hotel ninyo dahil bumababa ang sales ninyo, that’s why na wala kayong pondo for that. Am I right?” “Tama po, Sir” “Tapos sasabihin pa ninyo sa mga tao na Five-Star Hotel kayo” sambit ni Jeff habang nagiging istrikto na ang kanyang boses “Sa totoo lang, your hotel can’t be classified as a Five-Star Hotel, Mister Salcedo. Malayong-malayo na kayo doon” “That’s why we’re here, Sir. Kailangan namin ng tulong ninyo” “Yes I know” dugtong niya “Pero I can’t invest sa kumpanyang palugi na” “Please, Mister Rodgers” pagmamakaawa ni George sa kanya “Tulungan mo naman ako. Magkakakilala naman tayo diba? I know you can trust me” “Oo. Magkakakilala tayo pero that’s not enough para sa pagpayag ng alok mo” dugtong niya kay George “P4.5 Billion for 30% is insane. Napakalaking pera para sa maliit na porsyento ko sa kumpanya ninyo, na hindi natin alam kung babangon pa” “Alam ko iyon. Pero kung nalalakihan ka sa hinihingi ko, ikaw na lang ang bahala sa gusto mo. Para lang pumayag ka lang Mister Rodgers” Biglang natahimik si Jeff sa sinabi sa kanya ng kaibigan na si George. Napaisip siyang muli sa alok at parang naging interesado na ito. “Can you please give me a moment para makapag-isip?” paalam niya sa tatlong nakatayo. Pagkatapos ng ilang minuto na pag-iisip at pag-aaral sa kumpanya ng kaibigan ay nakapagdesisyon na siya sa wakas. “Nalakihan talaga ako sa P4.5 Billion at 30%. Para kasing nakaapak ang isang paa ko sa hukay kapag naiisip ko yan. Diba sabi mo na ako ang bahala?” “Yes Sir. Ikaw po ang bahala kung ano gusto ninyo” sagot ni George “You can adjust the offer kung gusto ninyo” “Very well. I have a counter offer” panimula ni Jeff “I’ll give you P4.5 Billion. But in exchange of 60% of your hotel shares” “What?!” sigaw ni George dahil nagulat ito sa alok ni Jeff “Bakit ang laki..??” “Because the lines of your sales based on your graph are declining” sagot niya kay George “Kailangan ko na ako ang magtake-over para mapabangon ko ang hotel. And I need 60% to do that” “But that’s too much” sagot ni George “Hindi ba pwedeng 50-50 tayo?” “No. Hindi pwede” sambit ni Jeff “As I said, I need the majority of the shares para ibangon ko ang hotel mo. Hindi lang basta pera ang maitutulong ko, kundi experience and my skills para maibalik ko ang kinang ng The Deluxe Suites. So..? It’s a deal?” Napaisip ng matagal si George sa alok sa kanya “Pwede ba kaming lumabas? Kailangan lang naming mag-usap tungkol dito” “Sure” sabay ngiti ni Jeff “Just take your time, Mister Salcedo” Kaagad naman sumenyas si George sa dalawa niyang kasama para lumabas. Nagmamadali silang lumabas ng silid para doon sila mag-usap tungkol sa counter offer ni Jeff. “Mahal. Pano ba yan? Ang laki ng hinihingi niya” sambit ng kasama niyang lalaki. “I know. Pero wala na tayong choice kundi tanggapin na lang ang alok niya” habang malalim ang iniisip niya. “What if kung bigyan muli siya ng counter offer, Sir?” payo ng babae ng kanilang kasama “Like P3.5 Billion for 50%?” “That’s too small, Kate” sagot ni George sa kanya “P7 Billion ang value ng hotel ko..?? Of course not. We need to stick sa initial offer natin” “But Sir. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina sa’yo” paalala niya kay George “His offer is fixed at 60%” Magkalipas ang ilang minuto ay pumasok na silang tatlo at parang nakapagdesisyon na. Samantala si Jeff naman ay nakaupo pa rin sa kanyang upuan at handa na sa magiging desisyon ng kaibigan. “Hello again, Mister Rodgers” bati ulit ni George sa kanya. “Well. What’s your decision?” tanong ni Jeff sa kanila. “I appreciate your concern sa hotel ko at alam ko na ginagawa mo lang ito dahil concern ka sa amin” at tumango naman si Jeff sa sinabi ni George “But P4.5 Billion for 60% is really high for us” “Let me guess. You’re doing your counter offer?” “Yes” sagot nito “So my offer is still the same amount. P4.5 Billion for 54%” “6% difference huh?” dugtong ni Jeff “Not bad though” doon bumilis ang pagtibok ng kanilang dibdib. Kinakabahan silang tatlo sa magiging sagot ni Jeff sa kanilang alok “I think we have a deal” Nanlaki at lumiwanag ang kanilang mga mata nang marinig ang naging desisyon ni Jeff sa kanila. Tumayo si Jeff at linapitan silang tatlo, lalung-lalo na si George para kamayan ito. “I’m so happy na tinanggap ninyoang alok namin, Mister Rodgers” ngiti ni George sa kanya. “It’s a good deal, Mister Salcedo” sagot ni Jeff kay George “Sa tulong ko, pinapangako ko na maging maayos muli ang hotel mo” “Maraming Salamat, Mister Rodgers. Salamat talaga” “Stop calling me that, George” saway ni Jeff “Tapos na ang business transaction natin. Call me by name na lang” “Sige. Sorry Jeff” “Good. Much better. Kahit papaano naman ay may pinagdaanan din tayo noon” ngumiti lang si George sa sinabi sa kanya. Napatingin naman si Jeff sa lalaking nasa likuran ng kanyang kausap “George..? Sino siya?” “Siya..?” sabay hawak niya sa braso ng lalaki “He’s Ezekiel Lacsamana. But you can call him ‘Zeek’.” “Zeek” ulit ni Jeff “Is that your..??” panghuhula ni Jeff kung magkarelasyon silang dalawa ni George. “Yes. He is” sagot naman ni George kay Jeff na parang alam niya ang ibig sabihin nito. “Oohh. Well, hi Mister Lacsamana” sabay abot ng kanyang kamay kay Zeek “I’m José Hidalgo-Rodgers” “Kilala po kita, Mister Rodgers” sagot ni Zeek at sabay tanggap nito sa kamay ng isa para ikamay ito “Ikaw po yung ama ng may-ari at presidente ng Dy Group of Companies” “Wow. I’m impressed” sagot naman nit okay Zeek “Nagulat ako dahil kilala mo ako” “Opo Sir. Kilalang-kilala kita dahil ikaw ang idol ko eh” “Talaga? Infairness ha. Meron kang taste sa pagpili ng idol mo, Mister Lacsamana” biro ni Jeff sa kanya. “Opo Sir. Kaya nga po masaya ako dahil sinama ako ni Sir George dito eh” paliwanag ni Zeek “Tapos naging masaya pa ako dahil nakipag-deal ka na sa kanya. Malaking tulong talaga ang pagpasok ninyo sa amin, Sir” “Of course. Masaya din ako dahil matutulungan ko kayo para mapabangon muli ang hotel ninyo” “Salamat po ulit Sir” “You’re welcome, Zeek” sambit niya kay Zeek at tumingin siya kay George “I’ll better get going. Babalik muna ako sa opisina” “Sige Jeff. Aalis na rin kami” “Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ka na lang ng assistant ko para ipaalam kung kailan ang contract signing” Kaagad lumabas si Jeff sa silid at nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina. Samantala sila namang tatlo ay nagdesisyon ding umalis dahil tapos na ang kanilang meeting at kailangan na nila bumalik ng hotel para sa kanilang mga trabaho doon. *** Samantala. Kakarating lang nina Sky at Calvin sa isang beach resort para doon maglipas ng ilang araw para magbakasyon. Habang lumalakad silang dalawa patungo sa kanilang silid ay may nakita si Sky na pamilyar na tao. “Tart. Sandali lang ha” paalam niya kay Calvin “Bakit? Saan ka pupunta Tart?” “Diyan lang. May kakausapin lang” “Ah sige. Sumunod ka kaagad ha” “Okay Tart” kaagad umalis at lumakad papunta si Sky sa isang lalaki na nakaupos sa isang bench at nakatalikod sa kanya “Cous? Ikaw ba yan?” Lumingon naman ang lalaki at humarap sa kanya “Sky? You’re here” sambit ni Mike at tila namumutla ang kanyang labi. At kaagad itong tumayo “What are you doing here?” “What am I doing here..?” ulit ni Sky na nagtatataka sa tanong ng kanyang pinsan “Siyempre, magbabakasyon. Kararating ko lang eh. Ano ba klaseng tanong yan, cous” “Ahh. Pasensiya na, cous. Nagulat lang kasi ako na nandito ka eh” “Ganon ba?” ngiti ni Sky “E ikaw, cous? Anong ginagawa mo dito?” “A-ako?? Ahmmm. Nagbabakasyon din, cous” sagot niya sa pinsan “Actually nasa honeymoon kami ngayon ng asawa ko” “What? May asawa ka na?” “Yup. Last week lang kami nagpakasal” “Ganon? Hindi mo naman sinabi sa amin na magpapakasal ka na” “Sorry cous. Biglaan lang din kasi eh” paliwanag niya sa kanyang pinsan “Actually, sa judge lang kami nagpakasal eh. Pero don’t worry, ipapaalam ko sa inyo ni Tito kung kailan kami magpapakasal sa simbahan” “Okay cous. Basta promise yan ha” “Oo naman. Promise” “E saan siya ngayon? Gusto ko siyang makita, cous” “Ha..?” at parang nanigas ang buong katawan ni Mike nang sabihin iyon ni Sky. Gusto niyang makita at makausap ang kanyang kunwaring asawa. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD