
Ako is Olivia Lim," isang ordinaryong tao. Nag tatrabaho ako bilang isang saleslady sa sikat na mall.
may pinag aaral akong kapatid, pero wala kaming mga magulang, tanging kaming dalawa lang ng kapatid ko.
Habang nag lalakad ako papuntang sakayan ng jeep, ay may dalawang lalaki na humarang sakin.
Bigla naman akong kinabahan dahil gabi na rin, at mangilan ngilan lang mga taong dumaraan dito papuntang sakayan.
Anung Kailangan niyo sakin? Pinatapang ko lang ang boses ko at di ki pinahalata na natatakot ako.
Bigla namang napangisi ang dalawang lalaki sakin.
"Miss", pwede mo ba kaming samahan papuntang langit? Saad ng lalaking kulay brown ang buhok.
Mas lalo lang ako kinabahan at natatakot na ako.
Di ko na alam ang gagawin ko. Kaya naisipan kong tumakbo nalang kaysa sagutin ang tanong nila.
" Hoy!" miss! Bumalik ka dito?
Habulin mo ang babae Sandro! Dinig kong sabi ng isa pang lalaki.
Mag tatago na sana ako ng madapa ako dahil sa batong naapakan ko.
"Ahh!" s**t!
Daing ko dahil sa sakit ng pag kakabagsak ko.
Tatayo na sana ako ng maabutan nila ako.
"Huli ka!" Hahaha!" Di ka makakatakas samin.
Saad ng lalaki.
Pilit kung kumakawala sa pag kakahawak niya, pero sadyang malakas ito.
"Please," pakawalan niyo ko, wala po akong pera.Mahirap lang po ako.
Naiiyak kong pag mamakaawa sa kanila.
"Hahaha!" At sinong may sabing pera ang kailangan namin ha?
Saad ng lalaki.
Napahagulgul na ako dahil sa takot.
Hinawakan ang damit ko at pinunit ito ng lalaking kulay brown ang buhok.
"Wag po! Please!"
Pag mamakaawa ko.
Akmang hahalikan ako sa leeg ng may mabilis na bagay na dumaan sa harapan ko, at nakita ko nalang ang mga lalaking nakahandusay sa simento.
"Are you ok, miss?" Tanong ng gwapong lalaki sa Harapan ko, natulala nalang ako sa bilis pangyayari.

