CHAPTER 2: I BUMPED INTO

1095 Words
Sheila’s POV Pagdating ko sa bar ay agad akong sinalubong ng malakas na ingay ng sound system at mga taong naghihiyawan sa loob. Karamihan sa kanila ay lango na sa alak dahil sa mapupungay na ang kanilang mga mata. Pagpasok ko sa loob ay agad naman akong nakita ni Kace. Kinawayan niya ako at sinalubong habang papalapit rin ako sa kanila. Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay may nakabangga ako. Tinignan ko naman ito pero dire-diretso lang siya sa paglakad na parang walang pakialam kong may mababangaan siyang tao o wala. ‘Di ko na lamang siya pinansin dahil mukhang lasing na yata. Tuluyan na akong nakalapit kay Kace at agad naman niya akong inakbayan. Nagulat naman ako sa inasal niya na parang hindi babae kung umasta. I just shook my head because of hoe she behaved. “Bakit ngayon ka lang?” tanong niya agad sa ‘kin. “Ang tagal kasi dumating ng Grab na pinabook ko kanina. May hinatid pa daw kasi siya, kaya’t natagalan ako.” Sagot ko naman sa kanya habang papalapit kami sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Nagtaka naman ako na hindi lang silang apat ang naririto. Kundi may mga kasama silang mga lalaki at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Si Liezel naman ay parang sinisilaban ang puwet sa kilig habang masayang nakikipag-usap sa katabi niya. Kung hindi pa ako tumikhim ‘di pa ako mapapansin ng bruha na akala mo ay na nonood ng pelikulang, boy next door. Ang gwapo naman kasi ng kausap niya. Malaki ang katawan, matangos ang ilong at medyo kulot ang buhok. Maganda rin ang mata na parang may lahing banyaga. Same rin silang dalawa ni Liezel na may divided chain. Perfect couple sana sila. Kaso mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng kausap ni Liezel at mukhang babaero. Napapangiwi na lamang ako sa mga naiisip ko! “Oh, andiyan kana pala. Bakit ang tagal mo? Kanina kapa namin hinihintay,” aniya ni Liezel. “Kahit na hintayin mo pa ako, hindi naman sa ‘kin ang atensyon mo! ‘Di mo nga napansin ang pagdating ko. Kasi busy ka d’yan sa pagpapa-cute sa katabi mo.” Sagot ko naman sa kanya. Nagtawanan kaming lahat. Kita ko naman ang pamumula sa kanyang mukha at pansin ko rin ang pag-ngisi ng katabi niya. “Tama na ‘yan. Para nang kamatis ang mukha ni Liezel.” Natatawang sabi naman ni Ilona. Sininghalan naman siya ni Liezel, bago tinapunan ng masamang tingin. Kaya’t nagtawanan na naman kaming lahat dahil sa kanyang reaksyon na halatang apektado siya. “Bakit ikaw, hindi?” segundan naman ni Kace na kasalukuyang may bitbit na isang boteng alak. Nagtawanan ulit kaming lahat. Ngayon ay si Ilona naman ang pinamulahan ng mukha. Tinanggal niya rin ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kamay ng kanyang katabi. Nagulat naman ito at napapailing bago dinampot ang isang baso na may lamang alak at agad itong nilagok. ********* “Hi.” Nagulat ako nang may nag-salita sa tabi ko. “Ohh…sorry, nagulat ba kita? By the way, I’m Ryker. You are?” pagpapakilala nito sa 'kin at sabay lahad ng kamay. “H-hindi naman. Sheila Mae nga pala.” Pagpapakilala ko rin dito at ini-abot ang kamay ko sa kaniya. “Pasinsya kana. ‘Di ka man lang pinakilala ni Liezel, sa ‘kin kanina. Mukhang nahihiya yata,” nahihiyang pagkasabi ko dito. Tumawa naman ito. Kaya napatitig ako rito. Ang ganda ng boses tumawa ang lalaking 'to. Kaya pala panay pa cute ng kaibigan ko rito dahil sa gwapo naman talaga si Ryker. Lalo na't kapag tumatawa. Napaiwas na lamang ako ng tingin ritp dahil baka ano pa isipin ng kaibigan ko sa'min. Oh My God.. ayaw kong maging karibal ang kaibigan ko. Siraulo pa naman ang babaeng ‘yun. Mahirap na! Nagpaalam kasi silang dalawa ni Ilona na magbabanyo. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik na dalawa. Si Kace naman kasi ay kasalukuyang sumasayaw sa gitna ng dance floor kasama ang mga kakilala n’ya. “Sinabi mo pa.” Napangisi naman ako habang pinapaikot ko ang alak sa baso. Hindi pa ako lasing dahil hindi naman nakakalasing ang alak na binigay nila sa ‘kin at parang juice lang ang lasa ng iniinom ko. “Matagal na ba kayong, magkakilala ni Liezel? Tanong ko kay Ryker. “hmmf…mga two weeks pa lang naman kaming, magkakilala.” “Ah, bago lang pala kayo.” “Yup...” Napatango-tango naman ako sa kaniya. “Wala kasi siyang, may na ikwento sa ‘min...kaya’t nagulat ako ng makita ko siya na parang bulating kilig na kilig habang kausap ka.” Sagot ko naman kay Ryker. Napahalakhak naman ito sa sinabi ko. Kaya 'di ko rin maiwasan na madala sa tawa niya. Feeling ko maganda ang boses nito kapag kumanta. Aang ganda kasi ng boses ang lamig pakinggan. Kaya siguro natutulala ang kaibigan ko sa kaniya dahil sa ganda ng boses nito. Boses pa lang parang tinatangay kana sa alapa-ap. Yari ako sa kaibigan ko nito. Tupakin pa naman 'yon. Sa ganoong sitwasyon kami ni Ryker na abutan ni Ilona at Liezel. Nawala ang ngiti sa labi ng lalaki ng makitang nakakunot nuo ni Liezel at masama ang tingin nito kay Ryker. Kaya napatikhim ako at napaayos ng upo. Mukhang, under yata si Ryker ng kaibigan ko ah! Pinipigilan kong matawa dahil hindi pa rin...nawala ang masamang tingin ni Liezel kay Ryker. Kahit na hinahalik-halikan na siya sa pisngi ng lalaki. Napapailing na lamang ako. Tatayo na sana ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Nilingon ko naman ito at unti-unti nanlaki ang mata ko ng makita ko ang gwapong nilalang sa tabi ko. Diyos ko! Bakit...napapalibotan ako ng mga gwapo. Kung si Ryker ay Charming ang mukha. Ito naman ay nakaka-intimidate ang hitsura. Sh*t! Pero Yummy! Ang tangos ng ilong at mapupungay ang mata at sobrang pula ng labi na kay sherep kagatin! At kailan kapa nag-isip ng ganyan, Mae! Kastigo sa kabilang bahagi ng isip ko. “What the f**k dude! Saan ka ba galing? bakit ka naman umalis na wala man lang pasabi!” Paghihisterya ni Ryker sa kausap na sa pagkakaalam ko ay ang katabi kong lalaki ang sinasabihan niya. Nginisihan lang niya si Ryker at nilingon ako. Nakakunot naman ang gwapo mukha niya ng makitang titig na titig ako sa kaniya. Kalaulan ang umangat ang sulok ng labi nito. Habang hindi inaalis ang pagkakatitig nito sa 'kin. At ngayon lang nag-sink in sa isip ko na ang lalaking katabi ko ngayon ay ang lalaking nakabangga ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD