Sheila’s POV
“Ano po, papa?!” Nagulat ako sa sinabi ni Papa sa ‘kin.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng hapunan at pinag-uusapan namin ang nalalapit kong pagpapakasal sa anak ng pinagtatrabahoan nila ni Mama na kaibigan rin nila.
Wala silang sinabi sa akin noon tungkol sa pagpapakasal ko. Nagulat na lamang ako ng ibinalita nila sa ‘kin na malapit na akong ikasal sa taong hindi ko pa nakikita.
Hindi ko akalain sa mura kong edad ay maaga akong, mag-aasawa. Paano pala kung pangit ‘yon? Tapos ang pangit rin ng ugali? Sa ganda kong ‘to sa pangit lang ang bagsak ko?! No way! Tsaka ang bata ko pa para mag-asawa. Marami pa akong, pangarap sa buhay at kung mag-aasawa man ako ‘yon ay ang taong mahal ko.
“Papa, bakit ako? Pinamimigay niyo na ba ako, sa iba?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Papa.
Napatunghay naman silang dalawa ni Mama sa ‘kin. Ako naman ay halos magdadabog na rito sa hapag dahil parang wala silang balak na baguhin ang kanilang decisyon.
Alam kong nakita na nila ang anak ng kanilang amo dahil paminsan-minsan daw itong pumupunta sa mansion ng mga Campbell. May sarili daw kasi itong bahay, kaya’t minsan lang daw ito umuuwi sa bahay ng mga magulang nito.
Bakit ang bilis nilang magdecisyon na ipakasal ako sa taong hindi ko pa nakikita. Hindi naman ako laruan na basta na lamang nila ipamigay. May karapatan din akong pumili sa taong gusto ko at gusto kong makasama habang buhay.
Bakit ngayon minamadali nila akong, mag-asawa. Hindi ko pa nga natutupad ang pangarap ko na magpatayo ng sarili kong negosyo para hindi na sila magtrabaho. Ako na lang ang magtatrabaho para sa kanila. Dahil ‘yon ang gawain ng isang anak kapag tapos kana mag-aral ay ikaw na ang bubuhay sa pamilya mo at ‘yon ang ginagawa ko.
Nag-iipon ako ng pera para sa itatayo kong negosyo. Kahit sa maliit lang muna ako mag-umpisa dahil diyan nakilala ang ibang mga negosyante noon na nag-umpisa sa maliit nilang negosyo at kung pa ‘no nila ito napalago.
“Hindi ka naman namin pinamimigay, anak. Hindi kapa kasi ipinanganak sa mundong ito ay nakatadhana kanang, ipakasal kay Hendrix.” Na pabalik ako sa huwisyo ng mag-salita si Papa.
Napabuntong hininga muna ako bago ako sumagot
“So, kayo na ang nagpatadhana sa ‘min. Ganun ba Papa? Kasi wala na kaming karapatan na pumili sa taong gusto naming makasama habang buhay. Dahil kayo na po ang nagdecisyon para sa aming mga sarili.”
“Sheila, ‘wag mong sagutin ng ganyan ang Papa mo!” Saway sa ‘kin ni Mama.
Na pa baling naman ako ng tingin kay Mama at nakita ko ang masama niyang tingin sa ‘kin. Huli na nang marealize ko ang mga sinabi ko kay Papa. Napuyuko na lamang ako at ‘di na sumagot. Ngayon ko pa lang na sagot si Papa at na bigla lamang ako sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya.
Hindi na ako nakapag-isip ng isasagot ko kay Papa dahil sa samo’t saring emosyong nararamdaman ko.
Naiinis kasi ako. Dahil basta-basta silang magde-decisyon na ipakasal ako nang hindi man lang nila ako sinasabihan.
Akala ko ba wala kaming lihiman. Pero bakit sila pa ‘yong, may itinatago sa ‘kin. Tapos magugulat na lang ako na ikakasal na ako sa anak ng amo nila.
Tsk!
Paano kung masamang tao pala ang papakasalan ko! Anong mangyayari sa buhay ko?! Wala na ba akong karapatan na pumili para sa sarili ko.
“Kahit ano pa ang sabihin mo wala ka nang magagawa pa. Dahil napag-usapan na namin ‘yan ng Tito Henry mo. At sa susunod na buwan na ang kasal niyo ni Hendrix. Sana mapatawad mo ako. Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan mo.” Walang atubilig sabi ni Papa at agad na siyang tumayo at lumabas ng kusina.
Ako naman ay halos napatulala sa pagkain at wala nang balak pa na galawin ito. Dahil sa samo’t saring nararamdaman ko.
Napatingala ako kay Mama ng lumapit ito sa ‘kin. Narinig ko naman ang malalim n’yang hininga bago siya nag-salita.
“Maiintindihan mo rin kami ng Papa mo ba lang araw,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang lumabas ng kusina upang sundan si Papa.
Naiwan naman akong mag-isa rito sa kusina. Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ako ng pinggan ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko dinampot ang cellphone kong nakapatong sa mesa. Lumarawan sa screen ang pangalan ni Kace, kaya’t agad ko itong sinagot.
“Hello!” Bungad ko pagkasagot sa tawag ni Kace.
May narinig akong musika at mga boses ng mga taong naghihiyawan sa kabilang linya. Maya’t-maya lang ay pahina ito nang pahina kaya’t hindi ko na masyado naririnig ang tunog ng sound system nila.
“Hello, beb. Where are you?” tanong naman ni Kace sa ‘kin.
“Sa bahay, bakit?”
“Anong, bakit? Diba may usapan tayo na magba-bar tayo nila Liezel, at Ilona? Bakit nandiyan, ka pa?! Huwag mong sabihin na hindi ka na naman pupunta? Naku Sheila Mae Recto, marami na kayong, utang sa ‘min! Siguro naman hindi mo na kami matatanggihan pa. Dahil alam ko na ‘yang mga paulit-ulit mong dahilan. Kaya’t pumunta kana rito dahil nandito na kami at ikaw na lang ang kulang!” Nanggigigil namang sagot ni Kace sa kabilang linya at talagang buong-buo pa ang pangalan ko sa sobrang pangkainis niya.
Imbes na mainis rin dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan ko ay natatawa na lamang. At ngayon ko lang na alala na may usapan nga pala kaming magba-bar na magkakaibigan. Nawala sa isip ko. Dahil pagdating nila Mama at Papa ay nag-usap agad kaming tatlo sa nalalapit kong kasal. Kaya’t nakalimutan kong may pupuntahan pala ako.
Para mawala ang inis ko dahil sa agarang pagpapakasal ay pupuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko ngayon at ‘di ko na alam ang gagawin ko. Mukhang wala ng balak si Papa na baguhin pa ang kanyang desisyon.
“Hoy, ano na? Bilisan mo, maraming mga hot fafa rito,” kinikilig namang sabi ni Kace sa kabilang linya na parang sinisilaban ang puwet niya kung maka-tili.
Napapailing na lamang ako.
“Tsk. Oo, na. Maliligo lang ako, saglit. Maghintay na lang kayo, d’yan!” Pinatay ko na agad ang tawag niya pagkatapos naming magpa-alam sa isa’t isa.
*************
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong umalis ng bahay. Dahil naghihintay na sa ‘kin ang mga kaibigan ko. Hindi na ako nagpaalam pa kanila Mama dahil alam kong tulog na sila.
Kahit masama ang loob ko sa kanila ay nirerespeto ko pa rin sila. Dahil sila na lang ang meron ako at hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko. Saksi ako sa lahat ng pagsasakripisyo nila sa ‘kin noon para mapabuti at mapalaki nila ako ng maayos.