Napapiksi ako nang humaplos sa pisngi ko ang kamay ni Fynn. Kasabay ng kaniyang pagtitig sa aking mukha ay ang marahan niyang pagtawa.
“You’re thinking too much, Margherita.”
Naikuyom ko ang mga kamao at lihim na namura ang sariling kagagahan. Sa pang-ilan pagkakataon ay nagmukha na naman akong engot sa kaniyang harapan.
Ang hilig ko rin kasing magsalita ng wala munang pag-intindi sa mga sinasabi.
Masyado pa akong nalulong sa pagiging marites sa kaniya kaya hindi ko rin napansin ang presensiya niya.
“Why don't you come at my office, Margherita?”
Muling nabalik ang atensyon ko kay Fynn nang masuyong humaplos ang daliri niya sa aking pisngi.
Nahigit ko ang paghinga sa ginawi niyang iyon at tila may kuryenteng nagbigay ng matinding kiliti sa aking katawan lalo na sa pagitan ng mga hita ko.
“Let’s have a coffee,” nakangiti niyang bulalas habang patuloy lamang akong nakatanga sa kaniya.
Nang marinig ko ang salitang kape ay narinig ko rin ang pagkalam ng aking sikmura. Saka ko pa lang din naalala na hindi pa nga pala ako nakainom ng kape dahil nga iniisip kong puntahan si Fynn sa opisina nito.
“Margherita?”
Nabaling ang tingin ko sa gwapong mukha ni yummy daddy saka naisip na pagbigyan ang kaniyang nais.
“May tinapay ka ba?” tanong ko pa sa kaniya.
Malakas na halakhak ang natanggap kong tugon mula sa kaniya. Tuloy nahiya ako bigla at napag-isip na mukha akong patay gutom.
Lumabi ako saka bahagyang umatras palayo sa kaniya. Gusto ko munang magkaroon ng space sa pagitan namin dalawa dahil parang lalong lumalala ang kagagahan ko.
“Come here, Margherita!”
Napakurap-kurap ako sa mga mata ko dahil bahagya lang akong umatras palayo sa kaniya, pero parang siya pa ang lumayo sa akin.
Nakatayo na siya sa may pintuan ng kaniyang opisina na para bang ayaw man lang niya akong alalayan palapit doon!
“Hindi na kita maaalalayan pa na maglakad dahil naalala kong sira itong door. Kapag nagsara ito ng kusa ay hindi na ito bubukas. Hindi ko rin dala ang key card kaya aalalayan ko na muna hanggang sa makapasok ka,” mahabang paliwanag ni Fynn na tila nabasa ang tumatakbo sa ‘king isipan.
At dahil nagpaliwanag siya, mabilis pa sa alas kwarto akong pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
Pero teka, paano pala nangyaring sira ang pinto pagdating sa akin gayong sa babae naman kanina ay nakalabas masok ng walang pag-alalay mula kay Fynn?
Napaigtad ako nang bumagsak ang pintuan. Lumikha iyon ng malakas na ingay dahilan para magulat ako.
“Since narito ka, sabayan mo muna akong uminom ng kape habang kumakain ng almusal.”
Muling kumalam ang tiyan ko nang marinig ang salitang almusal. Peste! Akala ko pa naman ay makakatiis ako hanggang morning break time.
“Here...”
Nabaling ang tingin ko kay Fynn na hindi ko namalayang nasa harapan na ng kaniyang mesa roon sa bandang kusina ng opisina.
Napansin kong malaki ang kaniyang opisina kumpara sa ibang mga boss na napasok ko na rin.
Napasok dahil sa ipinatawag lang ako upang ayusin ang mga nasirang file ng kumpanya. May knowledge ako sa ganoong trabaho dahil nga secretarial ang tinapos kong kurso.
“Masarap humigop ng kape sa umaga kung may kasalong masarap na kasama.” Kinindatan pa niya ako na nagpakilig naman sa akin, pero hindi pwedeng ipahalata.
Pabebeng lumapit ako sa mesa kung saan nakahain ang kape at tinapay na may palaman pa!
Hindi kaya pinaghandaan niya talaga ang pagdating ko?!
“May problema ba sa inihanda kong kape at tinapay?” tanong ni Fynn ang umuntag sa akin.
“Naku, hindi! Mukha ngang masarap ang tinapay saka mamahalin din yata ang presyo ng mga ‘to,” napapangiwi kong saad habang hinahawakan ang plastic na balot ng tinapay.
“Then, let's sip our coffee!” nakangiti niyang bulalas.
Hinila niya ang silya at saka pinaupo ako bago siya umikot sa kabilang side kung saan makakaharap ko siya.
Imbes na ma-relax dahil iinom ako ng kape ay parang pinanginginigan pa yata lalo ako ng mga tuhod.
Hindi pa man nakakahigop ng kape ay nagpapalpitate na agad ang puso ko!
Nanariwa sa isipan ko ang gabi kung saan naabutan ko siya sa may bar na hubo baro sa ibabaw ng kama.
Parang ang sarap sabihing, ‘yummy daddy pwede ko bang makita ulit ang view?’ ehe!
Matamis na ngumiti si Fynn dahilan para muling lumuwag ang garter ng suot kong panty. This time, hindi nga lang iyon mapadausdos ng husto dahil nakaupo ako. Haha!
“I wish you were here because you want to accept my offer,” namumungay ang mga matang wika ni Fynn habang patuloy lamang sa pagngiti sa akin.
Tila nadadala ako ng nangungusap niyang mga mata sa kakaibang mundo kung saan kaming dalawa lamang ang naroon.
Mundong puno ng dilim at malilikot naming paggalaw lamang sa ilalim ng eroticang tunog.
“Tama ba ako nang inaakala, Margherita?” patuloy na saad ni Fynn.
“Y-yee... wait anong offer?” Muntik na akong sumagot ng kagagahang sagot na ‘yes’, mabuti na lang at maagap kong nabawi.
“Will you be Fiona’s tutor?”
“No.”
“But why?”
“Kagaya nang sinabi ko sa iyo, hindi ako teacher. Secretarial course lang ang tinapos ko, two years pa! Kung tatanggapin ko ang alok mo, para ko na lang din ipapahiya si Fiona kung sakaling bumagsak man siya sa school. Ayokong mangyari iyon!” mariin kong paliwanag.
“Kagaya rin nang sinabi ko, tutor ang role mo sa anak ko at kahit hindi ka magturo ng academics ay ayos lang.”
“Hindi ko pa rin tatanggapin. Sayang ang ipapasahod mo sa akin kung wala kaming activity na dalawa ni Fiona.”
“Alright, hindi ko na ipipilit. Subalit itong iaalok ko sa iyo ay hindi mo na siguro tatanggihan pa.” Kinuha niya ang tasa sa ibabaw ng lamesa saka dinala iyon sa kaniyang labi.
Napalunok ako ng laway nang makita ang nakakaakit niyang pag-inom ng kape. Parang ang sarap maging kape!
Pasimpleng inalis ko ang bara sa ‘king lalamunan nang tumingin siya sa mukha ko. Sinikap kong ayusin ang sarili para mas mapagtuunan ng pansin ang totoong dahilan kung bakit ako naririto.
Kinuha ko ang cheque sa loob ng bag at saka inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Itinulak ko pa iyon sa may harapan ni Fynn.
“You don't need to worry about this cheque.” Dinampot ni Fynn ang cheque saka iniabot ulit sa akin.
“Hindi ko matatanggap ang cheque na iyan. Masyadong malaki ang halagang nakasulat diyan at ‘di ko rin naman alam kung ano ang paggagamitan niyan.” Hindi ko kinuha mula sa kamay ni Fynn ang cheque.
“Well, gamitin mo siya sa kahit anong pwede mong mabili. Since ayaw mo rin naman maging tutor ni Fiona, rito ka na lang sa akin magtatrabaho bilang sekretarya ko.”
Napaawang ang labi ko sa kaniyang deklarasyon. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Fynn at gustong-gustong maging empleyado ako. Marami pa namang sigurong ibang tao riyan sa tabi-tabi!