"Fynn..." usal ko habang minamasdan ang kaniyang paglapit sa aming kinatatayuan. "Anong ginagawa mo rito?" may bahid inis na tanong ni Leo. "Susunduin ko na si Margherita," 'di nagpapatinag na sagot ni Fynn. "What?!" "You heard it, Leo." Hinawakan ako ni Fynn sa aking braso saka inilapit sa kaniyang katawan. "Fynn," aniko. Humarap siya sa 'kin saka taimtim na tinitigan ako sa mata at kapagkuwa'y hinaplos niya ang kanang pisngi ko. Kakaibang sensasyon ang dulot niyon sa aking katawan. Naghahatid ng init sa kaibuturan ng aking puso. "Mommy!" Yumakap si Leonardo sa isa kong hita. Ipinikit ko ang mga mata ko upang kalamayin ang sarili. Nagugulo ang isipan ko sa mga pangyayaring nagaganap sa akin ngayon. Nakadama ako ng kapayapaan nang pisilin ni Fynn ang isa kong kamay. Tila nakahu

