Chapter 2

1523 Words
“I can do that, Lina!” mariin kong hayag sa kaibigan. Naglalakad kaming dalawa patungo sa may simbahan kung saan mayroong kasalang nagaganap. “Are you sure?” ‘di makapaniwalang tanong niya sa’kin. “Yes! Panoorin mo ang gagawin ko,” tugon ko naman sa kaniya. “Susmaryosep!” Nag-antandang krus muna siya saka muli akong hinarap. “Huwag mo na lang kayang gawin, Margherita? Ako ang kinakabahan, e. Isa pa, ikakasal na rin naman iyong tao.” “Hindi pwedeng hindi ko gawin!” Tinalikuran ko ang kaibigan saka dire-diretsong naglakad patungo sa may simbahan. Nang makapasok na ako sa may loob ng simbahan ay agad kong nakita ang dalawang taong nakatalikod sa akin habang nakaharap naman sa gitna ng altar. “Mayroon bang pumipigil sa kanilang pag-iisang dibdib?” malakas na tanong ng pari na siyang nagkakasal. Humugot muna ako ng malalim na paghinga kasabay nang pag-iipon ng lakas ng loob. Bumilang ako ng tatlo at sa ikalawang beses na pagtatanong ng pari ay siya ko namang pagsigaw. “Itigil ang kasal!” Sabay-sabay na naglingunan sa’kin ang mga taong nakahilera ng upo sa may mahabang upuang kahoy. “Subukan mo lang ikasal sa babaeng iyan, Alex-” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa ibang tao ang humarap sa’kin. Napanganga ako at hindi inaasahang ganito ang kahihinatnan ng aking pagsugod. Ang g*gong boyfriend lang naman sana ng pinsan ko ang siyang pakay ko rito upang pigilan sa gagawin niyang pagpapakasal. Nabuntis ang pinsan ko at ngayon ay nagpaplano nang magpakamatay. “Margherita hindi raw natuloy ang kasal ngayon ng mga hinayupak dahil nagka--” Naputol ang anumang nais sabihin sa’kin ni Lina nang makita ang nagawa kong pagkakamali. Katulad ko ay natulala rin siya at animo ay itinulos pa sa kaniyang kinatatayuan. Umugong ang bulungan ng mga tao na siyang nagbigay ingay sa buong paligid. “I-it’s a p-prank…” Nakangiwi at nangangatal ang labing usal ko. Hilaw akong napangiti sa mga taong iyon na ngayon ay titig na titig sa’kin. Hinila ko si Lina sa kamay para tumakbo na kami agad papalabas ng simbahan. Nanginginig ang mga labi ko at parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabang tumatambol doon. “Bakit hindi mo naman sinabi agad sa akin na ‘di pala si Alex ang ikinakasal?!” bulyaw ko sa kaibigan. “Kanina pa nga kita pinipigilan, ‘di ba?!” tugon naman niya sa’kin. Papalabas na sana kami ni Lina sa may pintuan ng simbahan ng umalingawngaw ang maliit na tinig na pamilyar sa’king pandinig. “Ate Margherita!” Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ng taong tumawag sa’kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang batang si Fiona na nilapitan ko kamakailan lang sa may Losyl Academy dahil sa binu-bully ng kaniyang mga kaklaseng lalaki. “Love!” nakangiting bulalas naman ng lalaking siyang ama ni Fiona. Napalunok laway ako at napamulagat sa aking mga mata dahil sa ikalawang pagkakataon ay muli kong nakita ang yummy daddy ni Fiona na gumugulo sa isipan ko. Muling umugong ang malakas na bulungan ng mga tao na nagbigay ingay ulit sa paligid. Tumakbo patungo sa kinatatayuan ko ang ama ng batang si Fiona at saka hinapit ako sa baywang. Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang pangyayaring iyon dahil natuon ang pansin ko sa braso niyang libo-libong boltahe ng kuryente ang itinutulay na kiliti sa’king katawan. Napasinghap ako nang maamoy ang mabango niyang perfume na nanunuot sa loob ng ilong ko. Lalaking-lalaki ang dating niyon at talagang nakahahalinang amuyin. Napalingon ako sa gawi ng kaibigan ko nang marinig ang kaniyang pagsinghap. Puno nang pagtataka ang kaniyang mga matang nakatitig sa aming dalawa ng ama ni Fiona. “E-excuse m-…” Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla na lamang niya akong niyakap. “Go in the flow...” Ang bango ng kaniyang hininga at parang solvent na nakakaadik amoy-amuyin. “Panindigan mo na lamang ang drama natin kung ayaw mong masaktan ka ni Carlo,” bulong pa niya sa likod ng aking tainga. What the?! Kayang manakit ng babae ang groom? Tumuon ang paningin ko sa harap ng altar kung saan nananatiling nakatayo ang bride at groom. Kapwa hindi na maipinta ang mga mukha nila at tila anumang sandali ay may giyera nang madedeklara! “What’s going on, Fynn?” malamig na tanong ng medyo may edad na lalaki ngunit ‘di naman mahahalata sa kaniyang pagtindig. Humakbang siya papalapit sa amin at saka tumayo sa harapan namin dalawa ni Fynn. Gusto kong pangilabutan sa tinging ipinupukol sa’kin ng may edad na lalaki dahil kasinlamig ng yelo ang mga mata niya kung tumitig. Parang nagsasabing wala akong karapatan na sumagot ng mali. Dali-daling hinawakan ni Fynn ang palad ko at kahit pa nga anong pilit kong piglas sa kaniyang kamay ay ‘di ko magawang maalis ang kamay niya sa pagkapit. “I’m sorry, Tito Simon! She’s mistaken me to Carlo.” Napaawang ang labi ko nang marinig ang kaniyang paliwanag sa lalaking tinawag niyang Tito Simon. Totoong mali ako ng taong inaakalang ikakasal pero hindi ibig sabihin niyon ay siya ang lalaking iyon. Pati tuloy ako ay naguluhan sa kaniya. Lumapit si Lina at agad na bumulong sa aking tainga. “Anong nangyayari? Sino sila? Bakit ka nila kilala?” Pinandilatan ko siya ng mga mata ko bago sinagot. “I have no idea, Lina. Ni wala nga akong alam sa nangyayari at alam mo naman din ang dahilan kung bakit tayo nandirito!” Natahimik si Lina sa isinagot ko sa kaniya at parang tupang bigla na lamang umatras patungo sa aking likuran. “Is this true?” tanong sa’kin ng may edad na lalaking tinawag na Tito Simon ni Fynn. Inilinga ko ang paningin sa paligid at lahat ng mga taong naroroon ay pawang nakatutok ang atensiyon sa amin. “Ano nga ba’ng ginagawa ko sa lugar na ‘to?” napapangiwing tanong ko sa sariling isipan. “I’m Fynn’s uncle, and I’m not mad for what you’ve done. Ang gusto ko lang malaman ay kung totoo ba ang sinasabi ng pamangkin ko.” Animo’y tigre na ang boses ng lalaking kaharap ko, ‘di lamang mahalata dahil sa malamig nitong mga titig. Naramdaman ko ang pagpisil sa’king palad. Doon ko pa lang napagtantong hawak-hawak pa nga pala ni Fynn ang kamay. Pasimpleng hinila ko iyon ngunit lalo lamang niyang ikinipot sa kaniyang palad. Kumalabog ang puso ko nang makita ang mga bisitang nagtayuan mula sa kanilang pagkakaupo. Titig na titig sila sa amin at para lamang nanonood ng madramang teleserye sa telebisyon. “I-I don’t have any intentions to make a scene. With all your respect Sir, aalis na po kami ng kaibigan ko,” utal kong turan na halos ikadugo na rin ng labi ko dahil sa’king kakakagat. “This is a big mistake, Tito Simon. Ako na po ang humihingi ng pasensiya sa nangyari,” mapagpakumbabang wika ni Fynn. Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako palapit sa kaniyang katawan at saka hinalikan ang aking labi. Ang mga mata ko ay parang luluwa na sa gulat dahil sa unang pagkakataon ay naranasan kong mahalikan ng isang lalaki. Lalaking ilang araw na rin ginugulo ang takbo ng aking isipan! Dama ko ang lambot ng kaniyang labi sa ibabaw ng aking labi. Tila inaakit pa ako niyon na gayahin ang bawat paggalaw. Inilayo niya ang kaniyang labi sa’king labi at agad na dumiretso iyon sa may likod ng aking tainga. “We will talk later, Dear. Just answer Tito Simon’s question for all the lies I made for you,” sambit niya na ikinakunot ng noo ko. “Sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na magsinungaling ka sa kanila?” mariin ngunit mahina kong tanong sa kaniya. “Because they will surely kill you for what you’ve did. Kasal ng pinsan ko ang kasal na gusto mong sirain!” matigas niyang tugon. “Pero sinabi ko rin naman na isa lamang pagkakamali ang aking nagawa. Ibang lalaki kasi ang gusto kong pigilan sa kaniyang pagpapakasal at hindi ang pinsan mo!” Hindi nagpapadaig na paliwanag ko. Aminin ko man o hindi ay malaking tulong pa rin ang ginawang pagdadrama ni Fynn dahil kahit papaano ay nailigtas niya ako sa malalang sitwasyon. “We’re leaving!” deklarasyon ni Fynn at agad akong hinila sa’king kamay. “Margherita!” tawag sa’kin ni Lina. “Daddy!!!” umiiyak na sigaw naman ng batang si Fiona dahilan para maantig ang aking kalooban. Hinarap ko ang bata saka inilahad ang malaya kong palad sa kaniya. Agad na tumakbo si Fiona papalapit sa amin ng kaniyang ama. “Ate Margherita sa bahay ka na rin po ba uuwi?” inosenteng tanong sa’kin ng bata. Ilang ulit akong lumunok ng laway saka pilit hinamig ang aking sarili. Ba’t ko nga ba napasok ang ganitong sitwasyon gayong ang gusto ko lang naman ay pigilan ang kasal ni Alex sa ibang babae. Gusto ko lang naman na panagutan nito ang batang dinadala ng pinsan ko at ng sa ganoon ay ‘di na maulit muli sa aking pamangkin ang kapalarang dinanas ko mula pagkabata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD