Chapter 3

1319 Words
“Y-you what?!” bulalas ko dahil sa ‘di makapaniwalang sinabi ni Fynn. “I said, I will hire you!” nakangiting tugon niya na parang ‘di alintana ang pagkakakunot ng noo ko. Kitang-kita ko ang gilid ng kaniyang mukha habang siya ay nagmamaneho. Nangunguna ang ilong niya dahil sa tangos niyon at ang haba ng kaniyang pilikmata na dinaig pa ang akin. “Pwede bang ibaba mo na lamang ako riyan sa may tabi at babalikan ko pa ang kaibigan kong naiwan sa simbahan,” wika ko at hindi pinansin ang kaniyang inaalok. Iniligtas nga niya ako sa kahihiyan sa simbahan pero mukhang sa kaniya naman ako hindi makaliligtas. Inihinto niya ang sasakyan sa may gilid ng kalsada at saka humarap sa akin. Sinasabi ng kaniyang tingin na dapat kong tanggapin ang alok niyang pagiging private tutor ni Fiona. Ramdam kong mahal na mahal niya ang kaniyang anak. Ang kaso lang sa alok na iyon ay gusto niyang mag-stay in ako sa loob ng kanilang tahanan. Paano ko siya pakikisamahan kung ang isipan ko ay nagugulo rin ng kaniyang presensiya. Bumuka ang labi ko upang magsalita. “This is not a good offer.” Iniling-iling ko pa ang aking ulo upang ipabatid sa kaniya na nagkamali siya ng taong inalukan ng ganoong trabaho. Nabawasan tuloy ang taglay niyang kakisigan ng dahil lamang sa pagguhit ng mga linya sa kaniyang noo. “Hindi mo gusto ang job offer kahit na ang monthly salary ay sitenta ‘y mil?” Nanlaki ang mga mata ko at parang lumaki rin ang ulo ko. Gusto ko na lang yatang himatayin dulot ng matinding pagkagulat. “That’s it! I saw the interest in your eyes!” Sino namang tao ang hindi magkakaroon ng interes sa alok niya kung ang sahod kada buwan ay katumbas ng sahod ko sa loob ng isang taon. Lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti ang kaniyang labi. Lalong nadagdagan ang pag-ikot ng mga mata ko dahil lang sa ngiting iyon. “So... tinatanggap mo na ba ang alok ko?” untag niya sa ‘kin. “Ang alin?” maang kong balik tanong sa kaniya dahil tuluyan na akong nawala sa tamang huwisyo. “Na buntisin ka at maging asawa ko!” Napaawang na ang labi ko ng dahil lamang sa kaniyang winika. Daig ko pa ang sinabugan ng bomba sa mismong harapan ko kung kaya tuluyan na akong napatanga sa kaniya. Hindi ko pa alam kung biro lamang iyon o totoo. May kasama kasing pagkindat ng isa niyang mata. Ngumisi ang kaniyang labi dahilan para pangilabutan ang buo kong katawan. Kung bakit ba naman kasi tinataglay ni Fynn ang nakakaakit na kakisigan. Iyong tipong kahit sinong babae ay tiyak na mapipigtasan ng suot na panty kapag siya ang kasama. Siya na ang yummy daddy! “Ang ibig bang sabihin ng mga titig mong ‘yan ay pumapayag ka na?” malambing niyang tanong habang patuloy lamang nakangiti sa’kin. Ilang ulit akong lumunok ng laway at tila nagbara pa iyon sa’king lalamunan. Bakit kaya ‘di na lang siya mag-apply na modelo ng toothpaste? Tiyak na marami ang bibili ng brand niyon. Nagbalik sa kaniyang mukha ang tingin ko matapos niyang pumitik ng daliri sa aking harapan. “Huh?” paungol kong usal. “Pumapayag ka ng magi-” “Never! Hindi ako magpapabuntis sa ‘yo at hinding-hindi rin ako makapapayag na maging kabit mo!” matigas kong wika. Napamaang siya sa ‘kin saka mataman akong pinagmasdan sa mga mata ko. Kailanman ay ‘di ko nanaisin na maging kabit dahil iyan ang pangakong binitiwan ko sa sarili mula pagkabata. Ayokong matulad sa’king ina na isang dakilang kabit. Hindi ko gustong nakaw ang bawat sandaling pinagsasaluhan namin ng lalaking mamahalin ko at lalong ayokong maglaan ng oras sa taong mayroon ng sabit! Bigla siyang bumunghalit ng malakas na halakhak dahilan para mapatanga ako sa kaniya. “A-anong nakakatawa?” puno ng panggigigil kong asik na lalo niya lamang ikinahalakhak. “Y-you’re so cute!” wika niya at ‘di man lang pinansin ang aking pagtataray. Parang gusto ko tuloy mainsulto sa salitang ‘cute’ na kaniyang sinabi. Para lamang kasing biik na anak ng inahing baboy ang dating niyon sa’king pandinig. Natuon ang paningin ko sa batang si Fiona na bigla na lang humikab mula sa likurang bahagi ng sasakyan. Do’n ko pa lamang din naalala na may kasama nga pala kaming bata nang umalis mula sa may simbahan. “Hello, Baby princess. How's your sleep?” malambing na tanong ni Fynn sa anak. Naantig ang damdamin ko dahil ito ang unang pagkakataon na nakadama ako ng inggit sa isang bata na inaaruga ng kaniyang ama. “Daddy sa bahay rin po ba uuwi si Ate Margherita?” balik tanong ni Fiona sa kaniyang ama. “It depends on her, Baby princess.” Dumukwang si Fynn sa kaniyang anak at saka sinuklay ng kaniyang mga daliri sa kamay ang buhok nito. “Do you think she will accept to be your private tutor?” pabulong niyang tanong sa kaniyang anak na halatang ipinaririnig din naman sa’kin. Dahan-dahan kong inalis ang tingin sa mukha ni Fiona nang bumaling siya sa akin. Bigla kasing nag-iba ang pakiramdam ko sa pagharap nito. “Ate Margherita, can you please accept daddy’s offer?” Puno ng pagsusumamo ang tinig ng bata at sa totoo lang ay nadadala at naaantig ang kalooban ko. Bahagya pa nga akong napaatras nang yumakap sa leeg ko ang maliliit nitong mga braso. “Dahil iniligtas kita kanina mula sa galit ng pinsan ko, pwede na sigurong dahilan iyon para pagbigyan mo rin ang kahilingan naming mag-ama.” Marahas akong napabaling ng tingin kay Fynn saka tinaasan siya ng isa kong kilay. “Ano ‘to, blackmail?!” pabulalas kong tanong sa kaniya. Hindi ko naiwasang tumaas ang tono ng boses ko dahil sa pakiwari ko ay may pananamantalang nangyayari. “No. I did not mean to blackmail you, but I need your help. Hindi pa nakaka-cope up si Fiona sa lugar na ‘to dahil na rin sa bagong lipat lamang kami rito mula sa probinsya.” Huminto siya sa kaniyang pananalita saka humugot ng hangin mula sa kaniyang baga. “Nahihirapan ang anak kong makisama sa mga taong hindi niya gaanong kilala,” dagdag pa niyang sabi. “Pero...” Dahan-dahan akong tumingin sa bata. “Hindi niyo pa rin naman ako lubos na kilala.” “Mabait ka po Ate Margherita kaya ikaw ang gusto kong makasama,” ani naman ni Fiona. “Magkapareho lang din kami ng palagay kaya sapat ng dahilan iyon upang magtiwala sa’yo,” wika naman ni Fynn. “Pero hindi pagtuturo ang kursong tinapos ko. Vocational course nga lang iyon!” mariin kong hayag. “Hindi qualifications nang tinapos mo sa eskwelahan ang unang hinanap ko dahil wala naman akong pakialam diyan as long as my baby princess likes you. Siya ang pakikisamahan mo kaya mas prefer kong gusto rin niya ang taong makakasama,” paliwanag naman ni Fynn. “Pero... kasama ka rin sa pakikisamahan ko,” pabulong kong anas. Hindi ko malaman kung banta iyon sa sarili o sinasabi ko lang talaga sa kaniya. “Of course! I'm Fiona’s father.” Umalog ang magkabilaan kong tuhod nang masilayang muli ang mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti ang kaniyang labi. Shocks! Paano ko tatanggapin ang alok niya kung dito pa lang sa loob ng sasakyan ay para na akong nauupos na kandila dahil sa bawat pagngiti ng kaniyang labi. “Margherita?” Napakurap-kurap ako sa mga mata ko nang maulinigan ang aking pangalang malambing na sinambit ni Fynn. “Will you ac--” “Oo na!” bulalas ko dahilan para maputol ang anumang sasabihin niya. “Oo na?” nakangisi niyang tanong. Bakit pakiramdam ko iba ang dating ng salitang iyon sa pandinig ko? Bakit parang sumasagot lamang ako sa tanong ng isang manliligaw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD